CHAPTER TEN

740 77 7
                                    

CHAPTER TEN

KRISTINE'S POV

Sa wakas! Natapos na ang klase at makakapag-CR na ako.

"Calling the attention of Miss Blaire Sanchez, Miss Cath Pangilinan, and Miss Maria Kristine Abella. Please proceed to the principal's office," sabi sa speaker.

"Oh my! I know the reason why!" pagre-react ni Xei na agad tumabi sa akin after kong tumayo.

"Two versus one? Andaya nun!" sabi rin ni Hyaciel.

"I'm going to file a complaint kapag hindi pinanigan si Kristine."

"Kalma, kambal... Why not talk to Nathan na lang?"

"Fine, I'll do that first."

Napailing na lang ako sa usapan nung dalawa. Whatever happens, I'll say the truth and nothing but the truth. Napahinto naman ako sa paglabas ng room nang makita ko ang bullies, kasama na si Bryle at Jairo.

"Anong ginagawa niyo rito?" 'di ko mapigilang magtanong,

"We heard the announcement," sagot sa akin ni Bryle.

Mahina namang natawa si JP. "At baka sugurin ka dito ng mean girls."

"We can't let that incident happen again." Napatango-tango pa si Sean.

"Would you mind telling us what happened? Para matulungan ka namin," suggestion ni Nathan.

Umiling naman ako. "Ayos lang. Bahala na kung anong mangyari." Tumango naman si Nathan at nanatiling tahimik yung iba.

Papunta na dapat kami sa principal's office nang may humarang na babae sa amin, and siya talaga yung matatawag mong nerd.

"Ikaw si Kristine Abella, diba?" mahinhin niyang tanong.

"Yes, why?"

"I'm Cath's younger sister, and I can be your witness if ever na magsinungaling sila Ate." Napatitig naman ako sa kanya. "Look. Yes, she's my sister, pero sobra na yung ginawa niya sayo. Nakarating ka pa nga ng clinic because of what she did, and I'm not happy about it."

"Wait wait, babe, are you sure?" Mas lalo naman akong napatitig sa nakikita ko.

May girlfriend pala si John Paul.

"JP, I have to do something. Ate needs to know her limits."

"Yes, pero Joselle, alam mong mag-aaway lang na naman kayo."

"What's new?" Tumingin sa akin yung tinutukoy na Joselle. "Aware akong plano nilang gawin 'yun. They have a hunch na gaganti ka kay Blaire if ever na sinampal ka niya." Medyo natawa si Joselle. "'Di lang siguro nila inexpect na sasapakin mo siya."

"Wait, how did you know about this?" pagtatanong ko.

"I was there when they were talking about it." Sumilip pa siya sa likod ko. "Mr. Jairo, you are aware that you are the cause of this incident, right?"

"Yeah," simpleng tugon ni Jairo.

"Mmm-hmm... so let's go?" pagyayaya ni Joselle kaya ang ending ay andami naming naglakad papunta sa principal's office.

Nasa labas kami ng office nang makita naming paparating ang Mean Girls—I mean 'yun 'yung tawag nila eh.

"At talagang pakawawa effect ka pang babae ka ha?" salita ni Cath.

I laid my emotionless eyes on her. "I didn't ask them to be here."

"'Wag kang mag-feeling goody two shoes," sabi sa akin ni Mariella.

My Most Stupid Mistake [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon