CHAPTER 6

779 19 0
                                    

PINAGMASDAN ko ang kusina ni Klayton. Hindi ko namalayan na dito na pala ako natulog kagabi kaya gusto ko sanang pakialamanan ang kusina niya, para makabawi sa lagi niyang pagsulpot tuwing kailangan ko ng kausap.

Hindi ako nagsisisi sa nangyari sa amin. Alam kong nadala lang ako pero katulad nga ng lagi niyang sinasabi, may choice akong humindi.

Nagcame-up ako sa pagluluto ng itlog at hotdog. Typical breakfast meal. Ayoko rin kasing damihan ang iluluto dahil baka isipin niyang masyado akong nakekealam sa kusina niya. At isa pa, dalawa lang rin naman kami. Uuwi na rin ako pagkakain.

Pagkatapos kong ayusin ang mesa, tataas na sana ako para tawagin siya pero nagulat na lang akong nakatayo na siya sa may hamba ng pintuan ng kusina.

"Wow" bungad nito sa akin. Nilagpasan niya ako at dumeretso sa hapag-kainan. Pinagmasdan niya ang mga pagkain na nakahain.

Simpleng prito lang naman ang ginawa ko ah? Anong kamangha-mangha doon?

"Akala ko umalis kana naman ng walang pasabi but look at now, naghanda kapa ng almusal" masayang sambit nito.

Pumihit ako paharap sa kaniya, "Salamat" sabi ko bago tuluyang umupo sa isa sa mga upuan. Umupo rin siya sa upuan na nasa harapan ko.

"Bakit ka naman nagpapasalamat Sabrina?" tanong nito sa akin

Inabot ko sa kaniya ang bowl na naglalaman ng fried rice. "Wala lang. Lagi ka kasing dumadating kapag kailangan ko ng karamay"

"Maybe I'm your night in shining armour?" sabi nito sabay kindat pa na ikinairap ko naman.

Ewan ko ba kung bakit pagkatapos ng nangyari sa amin kagabi, naging komportable na rin akong kausap siya.

"Pero salamat dahil ngayon lang may naghanda sa akin ng almusal" seryoso namang dagdag niya.

Dahil mag-isa lang siya dito, hindi na ako nagulat na ni minsan ay walang naghahanda sa kaniya ng almusal.

Kumain lang kami at ako na rin ang naghugas. Halata namang hindi siya marunong eh. Puro ready-to-eat meal lang ata ang kinakain niya. O di kaya sa labas na lang laging kumakain.

Nagpaalam na rin ako sa kaniyang aalis na dahil mali namang magtagal pa ako sa bahay niya. Isa pa, baka makita kami ni Louise. Lagi daw kasing pumupunta don yon ngayong semestral break.

Speaking of Louise, hindi ko alam kung anong mararamdaman niya kapag nalaman niya ang tungkol sa amin ni Klayton. Hindi ko alam kung anong gagawin niya. Naging mabait pa naman siya sa akin at alam ko namang mabuti siyang tao pero hindi niya alam kung anong pinapasok ng boyfriend niya.






NANDITO kami ngayon ni Marithes sa park kung saan madalas kaming tumambay nung mga highschool pa lang kami. Maraming tao lagi dito, madalas ay mga batang naghahabulan o mga pamilyang naglalakad patungo sa simbahan.

"Bes kumusta nga pala si Mama mo?" tanong ko dito.

Ilang araw na rin ang nakalipas matapos nung una niyang chemo. Nag-aalala talaga ko para sa Mama niya. Alam kong wala pang gamot ang cancer. Kailangan lang malakas ang loob mo kasi para sa akin, pinapatagal na lang ng pagchechemo ang buhay niya pero hindi naman pinapagaling ang sakit.

"Okay na siya Sab." bumuntong-hininga siya. "Sa totoo lang natatakot ako. Alam naman naming lahat kung anong mangyayari sa dulo pero gusto ko pa ring kumapit sa Diyos na... na gagaling ang Mama ko"

Inakbay ko ang kamay ko sa balikat niya upang maramdaman niyang nandito lang ako palagi para sa kaniya. Alam kong masakit ang pinagdadaanan niya, pero ayokong isipin na mag-isa lang siya.

PAY AND PLAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon