CHAPTER 21

442 14 4
                                    

INAYOS ko lang ang sarili ko sa harap ng salamin. Salamat sa heater na provided ng rest room nila dahil nagamit ko yon para matuyo ang damit kong natapunan ng wine.

Ngayon ko lang naranasang mag-apply ng light make-up and for God's sake! Nanood pa ko ng youtube tutorials para lang matutunan to.

Lumabas na rin ako ng restroom ng masatisfy na ako sa itsura ko. Tumingin muli ako sa gawi kung saan nakita kong kausap ni Tiya Rhia ang mga magulang ni Louise at ang isa pang mag-asawa pero wala na sila roon.

Hindi ko alam kung magkakakilala ba sila. Hindi ko alam kung bakit magkakasama sila at ano ang koneksiyon nila sa isa't-isa pero siguro, labas na ako don. Pasalamat na nga lang si Tiya Rhia dahil hindi ko siya sinugod don at pinamukha sa kaniya ang ginawa niyang pambebenta saken ng di ko manlang alam. Mabuti na lang at hindi ako ganong tipo ng tao. Salamat na lang rin dahil sa ginawa niyang pagbebenta sa akin, may mga tao nang tutulong para mahanap ko ang tunay kong magulang.

Isang malapad na ngiti ang ibinigay ko kay Mama at Papa pagkabalik ko sa table namin. May mga pagkain na rin sa mesa.

"Are you okay now?" tanong sa akin ni Mama.

"Okay na po" sagot ko at umupo na ulit.

"Okay then, let's start to eat"

Tahimik lang kaming kumain. Ang sarap pala ng mga pagkain dito. Pero bilang Italian restaurant, hindi mawawala ang pasta at pizza.

Paminsan-minsan nagkwekwentuhan kami tungkol sa ibang bagay. Malapit na kasi ang birthday ni Mama. They are planning to go in Palawan. Pero pinaplano pa lang dahil gusto nilang kasama ako. Kaso, kapag ako ang hinintay nila, baka sa bakasyon pa. I can't really believe na kalahating sem at isang taon na lang ay gragraduate na ko. Napakabilis!

"By the way, Sabrina, may lead na ang kausap kong private investigator"

Napatingin ako kay Papa dahil sa sinabi niya. Napatigil ako sa pag-nguya at nabitawan ko ang mga kobyertos na hawak ko. Tinignan ko siya ng diretso pero diretso pa rin siya sa pagkain. Si Mama naman ay nakatingin din kay Papa.

"Naghanap siya sa lugar kung saan nakatira si Serrhia. Nagtanong-tanong siya ron pero mukhang wala na doon ang mga magulang mo"

Gumuhit ang panghihinayang at lungkot sa mukha ko. Akala ko pa naman makikita ko na ang magulang ko pero mas mahirap pa pala yon sa inaasahan ko.

"Pero sinabi ng private investigator na pagmamasdan niya raw ang mga kilos ng Tiyahin mo, pati mga pinupuntahan nito. Baka raw kasi may alam pa rin to kung nasaan ang tunay mong magulang" pagpapatuloy ni Papa.

"So..." napalingon ako kay Mama nang magsalita ito habang patuloy na pinapaikot ang pasta sa tinidor niya. "Is that a good news or a bad news?"

Lumipat na naman ang paningin ko kay Papa. "Ano ba sa tingin mo Sabrina?"

Kahit anong lead pa ang matanggap namin kaugnay sa mga magulang ko, sa tingin ko ay good news pa rin yon para sa akin. Hindi ko alam na dahil sa sobrang excitement kong makita sila, wala na akong pakealam kung maganda ba o hindi ang balita ang importante, may lead kahit na maliit na detalye lang.

"Syempre naman po good news 'yon!" masayang sagot ko sa kanila.

"Nako Sabrina. Sa sobrang saya mo naiisip ko na tuloy na gusto mo na agad umalis samen" biro ni Mama na ikinatawa naman ni Papa.

Hinawakan ko ang kamay ni Mama. "Hindi naman po sa ganon. Atsaka wag po kayong mag-alala dahil kahit mahanap ko na ang mga magulang ko, lagi ko pa rin po kayong dadalawin at lagi ko pa rin kayong tatawagan"

PAY AND PLAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon