CHAPTER 26

467 27 5
                                    

AGAD akong tumayo nang marealized ko ang nagawa ko. Mali ito. Sobrang mali nito.


Tumalikod ako sa gawi niya at napatulala na lang.


"Bakit Sabrina? What's wrong?" rinig kong angal nito.


Naikuyom ko ang kamay ko. Naiinis ako dahil hindi ko napigilan ang sarili ko. Ito ang pinakaayaw ko sa lahat. Ayokong umabot sa puntong ganito. Kaya ako lumalayo.


"Umalis ka na." pirming sabi ko sa kaniya.


Narinig ko ang buntong-hininga niya. "Come on Sabrina. Ayan kana naman. Pilit mo na namang tinatago yang nararamdaman mo. Tangina Sabrina magpakatotoo ka nga!"


Kunot-noo ko siyang nilingon. "Magpakatotoo? Sayo mo nga yan sabihin Klayton. Alam mong sa ating dalawa ikaw ang nanloloko! Ikaw ang hindi totoo at ikaw ang kailangang magpakatotoo!"


"Sabrina ilang beses ko bang sasabihin sayo na totoo ang nararamdaman ko sayo ha?!" galit na pilit nito.


Tumalikod muli ako sa kaniya. "Hindi mo ko mapipilit na maniwala sayo Klayton. Kahit ilang bulaklak pa ang dalhin mo saken, kahit ilang presensiya mo pa ang makita ko, ayokong maniwala sa walang kasiguraduhan na katulad mo" Pinunasan ko ang butil ng luha na tumulo na pala mula sa mata ko.


"Okay. If that's what you want. Pero hindi mo ko mapipigilang lapitan ka Sabrina. Sinusunod ko lang ang nararamdaman ko at hindi mo ko mapipilit na layuan ka lalo na at alam ko na may nararamdaman kapa rin sa akin"


With that, I heard his footsteps na pababa na sa salas. Nilingon ko siya at nakitang palabas na rin siya sa front door.


Nagnakaw siya ng tingin sa akin ngunit ako na agad ang umiwas.


"Klayton?"


That voice made me look at his direction.


OMG.


Nakalimutan kong pauwi na nga pala si Marithes.


"Bes!" sigaw ko dito at nagmamadaling lumapit sa pwesto nila.


Doon ay nakatayo pa rin si Klayton at nakatingin ng papalit-palit sa pagitan namin ni Marithes.


"Anong ginagawa niya dito bes?" kunot-noong bungad niya sa akin.


Lumapit ako sa gawi ni Klayton at tinulak siya palabas. "Alis na please. Alis na Klayton" pagpupumilit ko dito .


Mabuti naman at natinag to dahil dali dali siyang lumabas.


Hinila ko naman si Marithes papaupo sa sofa. "As usual" buntong-hiningang sabi ko sa kaniya. "Nanggugulo"


Tumaas ang kilay nito. "Hinahabol ka pero ang sweet sweet nila ni Louise sa campus"


Saglit na nadurog ang puso ko dahil sa narinig ko pero binura ko yon sa isip ko. Kailangan kong umakto na wala na lang sa akin ang lahat. "Hindi naman ako nagpadala bes" napalunok ako nang maalala na muntik na akong madala kanina sa palalim na palalim na halikan namin.


"Mabuti naman" she said. "Anyway, kumusta ang paghahanap mo sa magulang mo?" worried was drawn all over her face.


Napayuko ako. "Hindi ko pa makausap ang mga magulang ni Louise. Hindi ko alam kung pano sasabihin"


"Bes! Ilang buwan na ang nakalipas! Ilang linggo! Dapat napagplanuhan mo na yan. Gagraduate kana oh! Ilang buwan na lang. Sayang naman kung hindi ang mga tunay mong magulang ang kasama mong kumuha ng diploma"


PAY AND PLAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon