CHAPTER 16

532 15 3
                                    

Curiousity kills. Kung nakamamatay nga ang kuryusidad, kanina pa ako nilamon ng lupa. Kanina pa kasi ako pabalik-balik ng lakad dito sa kwarto ko at kanina ko pa rin tinatangkang lumabas at kausapin sila Mama at Papa tungkol sa bagay na nalaman ko.

Malaking bahay, magarang sasakyan at mga pangmayayamang gamit. Kahit kelan walang kakayahan sila Tita Rhia na bumili non pero kanina, nakita ko mismo nakita sa wall ng pinsan ko na mayaman na sila. Kung hindi man mayaman, may kaya siguro pero tiyak kong higit sa kung anong meron kami.

Hindi naman mawawala sa isip ko na baka nga pinagtrabahuhan lang nila 'yon. Masamang magbintang ng masama sa kapwa pero sadyang meron talagang bahagi sa utak ko na sinasabing may mali doon.

Pipihitin ko na sana ang door knob ng pintuan ng kwarto ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nagulat naman ako.

Nanginginig kong kinuha sa bulsa ng suot kong pajama ang cellphone ko at tinignan kung sino ang tumatawag.

Louise calling

Hindi ko inaasahan ang tawag na to. Pagkatapos ng Anniversary party ng Mama at Papa niya ay hindi na kami ulit nagkita.

Mabuti na lang rin at hindi kami naging magkaklase. Hindi naman sa iniiwasan ko siya, ang iniiwasan ko ay ang boyfriend niya na lagi niyang kasama.

Nagtataka rin ako kung nagkaroon ba sila ng alitan dahil hindi ko manlang nakita si Klayton sa buong party. Hindi rin siya binanggit ni Louise o hindi manlang siya hinanap ng mga magulang niya. Sa totoo lang, para ngang sila pa ni Paul ang magkarelasyon dahil sa kung paano ito tratuhin ng magulang niya.

Anyways, hindi ko na dapat iniisip ang bagay na yon dahil nawawala ang pokus ko sa totoong problema. Kung bakit sa isang iglap ay naging marangya na ang buhay ng Tiyahin ko pero eto ako ngayon at sasagutin ang tawag ni Louise.

Pinindot ko ang green botton na lumabas sa screen at itinapat sa tenga ang cellphone ko. "Hello?" Bumalik muli ako sa higaan ko at umupo.

"Hello? Sabrina? Naistorbo ba kita?"

"Hindi naman. Bakit ka pala napatawag?" Hindi naman sa nagmamadali pero wala kasi ako sa konsentrasyon para makipag-usap. Marami akong iniisip. At isa pa pala, ang mga magulang niya. Dagdag pa sa isipin ko.

"Sorry kung tumawag ako sa kalagitnaan ng gabi. I just want to invite you for a lunch. Sa weekend. Sabi kasi ni Mommy imbitahan kita to know you more. Hindi na kasi kita nakikita sa campus and since ilang days na lang weekend na, ako na lang yung tumawag sayo. Thank God hindi ka pa nagpapalit ng number"

Agad akong napailing sa narinig. "Nako Louise pasensiya na pero may lakad kasi--"

"Okay see you! Bye and goodnight!"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang babaan niya ako.

Pero hindi pa rin ako pupunta at wala akong balak. Ayoko na ulit makita ang mga magulang niya dahil nakakadagdag lang sila sa isipin ko.

Kapag nagkita na naman kami ng mga magulang niya, kung ano ano na namang maiisip ko at isa pa, kahit naman napagpasyahan kong hindi layuan si Louise ay hahayaan ko na lang na mapalapit na naman kami ng ganito sa isa't-isa.

Kahit pumayag akong maging magkaibigan kami, may limitations pa rin yon.

Napabuntong hininga na lang ako ng maisip kung gano kagusto ng mga magulang niyang makita ako. Ganon din sila sa party. Na para bang nakakita sila ng nawawalang anak.

PAY AND PLAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon