CHAPTER 14

534 21 7
                                    

There's no other place like home ika nga nila. Pero ibaang nararamdaman ko ngayon habang pinagmamasdan ang bunggalow house na nasa harapan ko. Ito ang sinabi ni Mama na bahay nila, na magiging bahay ko na rin.

Kung titignan, mas malaki ito mula dito sa labas sa bahay nila Marithes. Mas maayos, dahil nakapaloob ito sa mataas na sementong bakod at may itim na gate bago marating ang daan patungong pintuan.

"Halika pasok ka" tawag sa akin ni Mama.

Sumunod naman ako pero nanatili ako sa likod niya.

Marahan niyang binuksan ang pintuan ang tumambad sa amin ang salas ng bahay. May isang long sofa at dalawang single sofa, may center table na sakto lang na lagayan ng dalawang pirasong libro na nakapatong dito at katamtamang laki ng tv na nakasabit sa wood wall na sa tingin ko ay daan patungong kusina ang likod.

Hinubad ko ang suot kong sapatos at inilagay sa shoe rack na nasa tabi ng pintuan habang ang mga paningin ko ay kinikilatis pa rin ang loob ng bahay.

Matatanaw din dito sa salas ang tatlong kwarto sa kanan na may dalawang hakbang pa pataas upang mapuntahan.

"Halika anak pumasok ka ipapakita ko sayo ang kwarto mo" Habang hawak ni Mama ang isang maliit na backpack na dala ko, hinila niya ako papunta sa sinasabi niyang kwarto ko.

Binuksan ni Mama ang pintuan na nasa gitna ng tatlo at bumungad sa akin ang isang di naman masyadong malaking kwarto pero sakto na para sa isang tao.

May single bed, isang malaking closet na pininturahan ng itim, maliit na table na may kapares na upuan-- tiyak kong ito ang sinasabi nilang study table, at malaking salamin na nakakonekta sa isang desk na puno ng mga gamit na pambabae ang ibabaw.

Kulay puti ang kabuuan ng kwarto pero naging maganda dahil sa malaking kurtina na kulay pink na siyang nakatabing sa malaking bintana.

Napakaganda! Sobra pa to. Sobra pa ito sa inaasahan ko.

Nilingon ko si Mama para sana magpasalamat at sinalubong naman niya ako ng malawak na ngiti. "Salamat po. Ayos lang naman po sa akin kahit na sa salas na lang ako matulog pero binigyan niyo pa ako ng sarili kong kwarto"

Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon ng marahan. "Ano ka ba Sabrina. Anak kita kaya hindi naman pwedeng sa salas ka lang matutulog. Kailangan ko ring bumawi sayo sa ilang taong hindi ka namin nakasama" wika nito.

Muli kong pinasadahan ng tingin ang kwarto ko. Ngayon ko lang mararanasang magkaroon ng ganito kalaking tulugan!

"Osige maiwan na kita para maayos mo na ang mga gamit mo. Pumunta ka na lang sa kusina pagkatapos dahil ipagluluto kita ng tanghalian. Sigurado akong hindi kapa kumakain" bilin nito matapos ay hinalikan ako sa pisngi.

Hindi pa rin ako makapaniwala. Dalawang dekada akong naghintay ng kalinga ng magulang pero ngayon ko lang pala mararamdaman.

Inihiga ko ang sarili ko sa kama ko. Akala ko, mamamatay na kong hindi nakakahiga sa malambot na kama pero ngayon nararanasan ko na.

Napaupo ako ng makaramdam ng lungkot. Minsan sa buhay, kahit ata marami ka namang dapat ipagpasalamat pero dumadating sa point na sasagi sa isipan mo na para bang may kulang.

Mabigat pa rin ang pakiramdam ko. Masaya ako pero hindi iyon makikita sa mga mata ko.

Pinilit kong ayusin ang mga damit ko at isalansan ang mga gamit ko. Sa laki nga ng closet, sobrang luwag pa at kahit ata ilagay ko pa dito ang lahat ng gamit ko kabilang na ang mga libro, maluwag pa rin.

PAY AND PLAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon