CHAPTER 24

504 21 2
                                    

TINITITIGAN ko na naman ang papel na naglalaman ng address na binigay sa akin ng private investigator.

"Wala namang masama kung pupuntahan mo eh" baling sa akin ni Marithes.

Pareho kaming naggagayak ngayon sa pagpasok. Dito siya natulog sa bahay kasama ko kaya kasabay ko siyang gumayak. Yun nga lang, sa St. Thomas ko pa rin ako nag-enroll. Isang tao na lang naman.

Ibinaba ko ang papel sa bed side table ko at umupo sa kama. I started to wear my sock. "Kinakabahan ako eh. Hindi ko alam kung bakit pero natatakot akong puntahan" sagot ko sa kaniya.

"Malay mo naman kapag pinuntahan mo yan mabura na yang kaba mo. Bes.. mas mabuti pa ring subukan mo na" sabi nito sa akin.

"Pero Marithes nagtataka pa rin ako eh. Bakit hindi agad sa akin sinabi nila Mama na nakita na nila ang magulang ko? At hindi rin nila sinabi sa akin na kaya wala sila ng dalawang araw bago kami umalis ay dahil pinuntahan nila ang magulang ko" Tumingin ako sa salamin at tinitigan ang sarili ko. Sinuot ko ang eyeglasses ko at muling tumingin kay Marithes na nakagayak na.

"Alam mo Sab.. sigurado akong may dahilan sila. Diba nga si Tito pa ang nagsabi sayo na mananatili ka dito hanggang hindi mo pa nakikita ang mga totoo mong magulang? Baka kaya hindi muna nila sinabi sayo ay para maenjoy niyo muna ang mga huling oras kasama ang isa't-isa. Diba nga nag-Palawan pa kayo?" mahabang paliwanag nito.

Bumuntong-hininga ako. "Hindi naman ako aalis--"

"Hindi mo yan masasabi Sabrina" pagpuputol nito sa akin. "Hindi mo pa nalaman at sigurado ako na kung nalaman mo ay pupuntahan mo talaga sila"

"Pero bes--"

"Wag ng pero ng pero Sab. Halika na. Sigurado akong masaya naman sila Tita at Tito sa langit ngayon. Hindi man nila nasabi sayo, may dahilan ang Diyos at alam kong malapit mo na rin silang makilala"

"Pero bes.. may isa pa kong ikinatataka. Sabi kasi ng private investigator, alam daw nila Mama ang address na to. At sinabi pa nila na kakilala nila ang nakatira don kaya malabong maging magulang ko"

Naalala ko na naman ang sinabi ng private investigator na sinabi nila Mama na malabong sa address na yon nakatira ang mga magulang ko.

"Kaya nga bes. Hindi mo naman malalaman kung hindi mo pupuntahan eh"

Tama siya. Hindi matatapos ang kuryusidad ko at hindi masasagot ang mga tanong ko kung hindi ko to pupuntahan.

Ngumiti ako kay Marithes. Siya lang talaga ang dahilan kung bakit nagiging payapa ako. Sa ilang araw kong nagluksa, siya lang ang dahilan kung bakit kumakalma ako.







WALA pang masyadong ginagawa dito sa school. Aside from the fact na fifth year na kami at thesis na lang ang dapat naming tapusin, first week pa lang. Karamihan sa first week ay pag-aayos lang ng schedule.

Masaya ako dahil naging malapit sa akin ang mga kaklase ko. They always ask me if okay lang ako. Sinasamahan na rin ako ng ibang mga kaklase ko. Pero sa huli, mas pinipili ko pa ring sumama dito kay Miguel. Sa kaniya lang ako tiwala.

"Okay ka na ba talaga Sabrina?" tanong nito sa akin. Pang-limang beses na niya saking tinanong yan. Pagpasok pa lang namin dito sa library nagtatanong na siya.

Tipid na ngiti na lang ang naisagot ko. Masakit pa rin pero kelangan kong tanggapin. Hindi naman pwedeng huminto na lang ang buhay ko. Sisikapin kong matupad lahat ng pangarap ko para kila Mama at Papa.

"Oo nga pala Miguel. Hindi pa ko nakakahingi ng sorry sayo about sa narinig ni Alyssa" Sa sobrang daming nangyari sa buhay ko, nakalimutan ko na ang bagay na yon.

PAY AND PLAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon