CHAPTER 20

510 14 5
                                    

MUKHANG PERA. Dalawang salitang banggitin ko pa lang eh alam ko ng si Tiya Rhia.

Alam ko na ang lahat. Alam ko na ang lahat ng kalokohang ginawa niya. Kahit kelan talaga hindi niya ko titigilan. Hanggang ngayon na wala na ko sa poder niya ay ginagamit niya pa rin ako para lang pagkakitaan.

Binenta niya ako kay Mama Shaine at Papa Leonard para magkapera siya. Nalaman ni Tiya Rhia na hindi pwedeng magkaanak sila Mama kaya sinamantala niya ang pagkakataon. Wala akong magulang kaya ibinenta niya ako sa mag-asawa.

Bilang uhaw sa pagkakaroon ng anak sila Mama at Papa, pumayag sila na bilhin ako at kapalit niyon ay ang palabasin nilang anak talaga nila ako.

Dali-dali kong isinilid sa maleta ang mga gamit ko. Gusto ko nang umalis dito. Kung hindi ko naman tunay na magulang sila Mama Shaine at Papa Leonard, wala ng dahilan pa para magstay ako dito.

Sa totoo lang, kanina pa sila kumakatok sa pinto ng kwarto ko pero hindi ko sila pinagbubuksan. Hindi ako galit. Sadyang hindi lang ako handa na makipag-usap sa kanila. Sapat na sigurong narinig ako ang paliwanag nila kanina.

Saglit na pinunasan ko ang luhang tumulo mula sa aking mga mata. Nakakainis. Kahit anong gawin kong tapang, sa huli naiisip ko pa rin kung gaano kamiserable ang buhay ko. Saglit pa lang akong nagiging masaya. Saglit na panahon ko pa lang nararanasan ang tunay na buhay pero binabawi na agad sa akin ng tadhana.

Habang nag-iimpake, narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya lumabas muna ako sa walk-in closet para tignan kung sinong tumatawag. Si Klayton pala.

Huminga ako ng malalim bago ito sinagot. "Bakit?" malamig na sagot ko. Isa pa siya sa dahilan kung bakit ang bigat bigat ng pakiramdam ko ngayon. Isa pa siya sa dahilan kung bakit naging sobrang sakit ng araw na ito sa akin.

Malakas ang tugtugan na naririnig ko mula sa kabilang linya. Sa tingin ko, may nagaganap na party ngayon sa kanila dahil nga birthday niya. "Boo di ka ba pupunta today? It's my birthday" masayang yaya nito.

Tinakpan ko ang bibig ko para mapigilan ang sarili sa paghikbi. "A-ahh birthday mo ba? Happy Birthday" pilit kong pinapasigla ang boses ko kahit na durog na durog na ako sa mga oras na ito.

"Are you okay?" tanong niya mula sa kabilang linya.

"Oo naman. Sige boo mag-enjoy ka lang dyan. May importante kasi akong gagawin ngayon kaya baka hindi ako makapunta" Nilayo ko ng kaunti ang cellphone sa akin bago ako suminga. "Sorry din kung hindi kita nabilhan ng regalo"

"You mean hindi sayo galing 'yung balloons, cake and gift na nandito sa center table?"

Agad kong naalala ang gagawin ko sanang surprise sa kaniya. Pero ako rin ang nasurprise.

"H-ha? Hindi boo. Hindi pa ko umaalis dito sa bahay kasi nga may importante akong inaayos" pagsisinungaling ko dito. Mabilis kong pinunasan ang mga luha sa mukha ko dahil anytime, hindi ko na mapipigilan ang sarili kong mapahagulgol habang kausap siya.

"Okay. I hope you'll finish what you're doing as early today. Sabihin mo lang dahil susunduin kita" I felt concern towards his voice. Sorry Klayton. Kung hindi ko sana kayo nakita ni Louise kanina iisipin kong totoong nag-aalala ka sa akin ngayon.

"Sige na" hindi ko na hinintay ang sagot niya at ako na ang pumatay sa tawag. Bumalik ako sa walk-in closet ko at inimpake ang mga damit ko.

Eto na naman. Naaalala ko na naman na mag-isa na naman ako. Lalo lang pinapamukha sa akin ng mundo na walang taong nagmamahal sa akin. Syempre, ni magulang ko nga hindi manlang ako hinanap.

PAY AND PLAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon