CHAPTER 12

558 15 4
                                    

KUMUNOT ang noo ko nang mapansin na dinala ako ni Marithes sa mall. Seryoso? Anong gagawin namin dito? Una sa lahat, hindi ito ang lugar para sa amin. Mas matutuwa pa sana ako kung dinala niya ako sa may kanto ng bahay nila at nakituhog kami sa mga fishballs at kikiam na binebenta ni Mang Bert kesa sa maglakad lakad dito sa mall. Kahit ata ang isang daang budget ko sa kada araw ay walang mabibili dito. Pangalawa, ayokong nagagawi dito. Feeling ko lumiliit at sumisikip ang mundo ko. Sa tingin ko kasi, ang lugar na ito ay para lang sa mayayaman at may kaya. Pero kung kapos ka, mas mabuting mag-isaw ka na lang. Mas masarap pa nga 'yon!


Wala rin naman akong balak ipagdiwang ang birthday ko. Sa tingin ko, mas magigung productive pa ang araw ko sa trabaho. Ayokong mag-aksaya ng pera para sa isang araw na ligaya. Lagi kong inaalala ang bukas at sa kaso ngayon, mukhang mapapagastos ako.


"Ano ba yan Sabrina birthday na birthday mo pero mukhang pasan mo ang langit at lupa dahil dyan sa mukha mo! Hindi ka ba masaya?" tanong sa akin ni Marithes nang makatungtong kami sa first step ng escalator.


Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Nilakasan ko talaga para malaman niya na hindi ako sang-ayon dito sa plano niya.


"Umuwi na lang tayo bes. Hindi na ko papasok pero sa bahay na lang tayo. Luto na lang tayo ng pancit canton" masayang yaya ko dito na sana ay makumbinsi siya.


Naalala ko nung isang taon, pancit canton ang ginawa kong handa. Sabi kasi nila, pansit daw dapat ang ihanda para humaba ang buhay pero dahil wala naman akong pambili non, pancit canton na lang tutal pareho namang may pancit.


Tinaasan niya lang ako ng kilay at pinagkrus ang mga braso niya.


Masaya akong bumalik na ang sigla ni Marithes dahil nga stable na ang Mama niya. Kasalukuyan na lang itong nagpapahinga ngayon sa bahay nila.


"Ngayon kana nga lang makakagala ganyan kapa!" puna nito sa akin habang parang batang pinapadyak ang mga paa.


Sabagay. May punto naman siya. Ngayon na lang ulit ako makakapagrelax. Ngayon na lang ulit ang araw na dapat ay nagsasaya ako. Marahil dapat sigurong kalimutan at isantabi ko muna ang lahat ng mga bagay na nakakapagpalungkot sa akin para naman maging masaya ang araw na to.


"Sige na nga" sabi ko dito sabay isinabit ang mga kamay sa braso niya.


Naglakad-lakad pa kami. Hindi ko alam dito kay Marithes pero parang nililibot lang ata namin ang buong mall. Parang window shopping na rin. Kada may makikita siyang damit na maganda sa paningin niya, magtatagal kami doon ng mga 30 minutes lang naman.


Kada naman madadaan kami sa stall ng mga pagkain, mga isang libong beses niya pang pag-iisipan kung bibili siya o hindi. Pinagtitinginan na kami ng mga tindera tapos mauuwi lang sa hindi na lang. Nakakahiya talaga.


Sinabi ko naman sa kaniya na sa bahay na lang kami pero mapilit talaga. Isang tanggi na nga lang niya iisipin kong may kikitain siya dito.


Sa wakas. Nakapagdesisyon din si Marithes ng kakainin namin. Bumili siya ng large size Potato Corner fries. Kung makikita ko naman sa poster na nakadisplay ay mukha namang masarap at masarap naman talaga. Kaso nga lang, hindi mo aakalaing large size siya. Mapapaisip ka na lang na maliit pa pala ang size na large.


"Bes halika dali mag-arcade tayo"


Hinila ako ni Marithes habang sinusubo ag isang pirasong fries. Ang ending tuloy, nalaglag pa. Sayang naman.


Dinala niya ako sa arcade. Sobrang daming tao. May mga magkasintahan, mag-asawa, isang pamilya at mga batang naglalaro. Hindi ko maiwasang isipin kung paano nila nagagawang magsayang ng pera dito para lang maglaro.


PAY AND PLAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon