CHAPTER 15

544 13 12
                                    

HINATID ako ni Papa dito sa bahay nila Louise kung saan gaganapin ang Anniversary Party ng magulang niya.


Humalik ako sa pisngi ni Papa pagkababa sa aming sasakyan. "Thank you po"


"Osige anak mag-enjoy ka ha. Tawagan mo na lang ako kapag susunduin kana"


Pagkaalis ni Papa ay pinagmasdan ko na agad ang labas ng bahay nila Louise.


Maraming mga kotse at van ang nakaparada sa labas at rinig ko na ang malakas na tugtugan sa loob.


Hindi nga ako nagkamali. Pagkapasok ko pa lang sa loob ay sumalubong na sa akin ang mga bisita. Sa paraan pa lang ng pormahan nila, tiyak kong galing sila sa mayayamang angkan. Parang mali ata na pumunta pa ako dito.


Naglakad pa ako papasok hanggang sa makarating ako sa frontyard kung saan nakaayos ang mga pabilog na mesa na kinuupuan ng iba pang bisita. Umaalingasaw ang walang katapusang kwentuhan ng mga tao maging ang mga katulong na kali-kaliwa ang mga pagkaing bitbit.


Pinagmasdan ko ang sarili ko. I am wearing a baby blue long back cocktail dress na may sleeves. Ito yung sinasabi ni Mama na pinatahi niya at sobrang nakakamangha lang dahil kung ano yung pinakita niya sa akin, iyon talaga ang ginawa ng mananahi.


Binura ko sa isipan ko ang suot ko dahil sumasakit na ang paa ko sa suot kong steletto. Hindi ako sanay sa mga heels. At mas lalong hindi ako sanay sa mga ganitong okasyon.


Mabuti pa, tawagan ko na lang si Papa at sabihin kong sumakit ang tiyan ko bigla kaya kailangan ko nang umuwi.


Nasa kalagitnaan ako ng pagdidial ng number ni Papa ng biglang may tumawag sa akin.


"Sabrina nandito kana pala"


Pumihit ako sa direksiyon na pinanggalingan ng boses at nakita ko ang nakangiting si Louise. May suot siyang above the knee, sleeveless pink cocktail dress at napapalibutan ng mga floral lace. Bagay na bagay sa kaniya at sa hubong ng katawan niya.


Pero, mas naagaw ang atensiyon ko ng lalaking nakatayo sa likuran niya. Ang buong akala ko ay si Klayton ang makikita kong kasama niya pero mali ako. Paul is standing behind her, escorting her on their way papunta sa akin.


Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa. "You look georgeous Sabrina" she said. Alam kong namumula na ako ngayon dahil sa papuri niya. Hindi talaga ako sanay na  "Kanina ka pa ba?"


"Hindi naman" Ang buong akala ko ay makakaalis na ko dito. Mukhang hindi na pala.


"Halika dali ipapakilala kita kila Mommy"


Bumilis ang tibok ng puso ko habang papalapit kami sa mga magulang niya. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan at hindi ko rin alam kung bakit mukha akong girlfriend na ipapakilala. Sa tingin ko kasi, mataas ang standard nila sa mga nagiging kaibigan ni Louise at tingin ko rin, hindi ako pasado sa standard na yon.


Pumasok kami sa loob kung saan sinalubong pa kami ng maraming bisita. Natagalan pa nga kami bago narating ang salas dahil maraming humarang sa amin.


"Mom.. Dad.." tawag ni Louise sa babae at lalaking nakatalikod sa gawi namin. Sa tingin ko, sila ang mga magulang ni Louise.


Hindi ko na napansin ang pagharap nila dahil agad na nagvibrate ang cellphone ko. Tumatawag si Mama at kailangan mo muna 'yung sagutin.


"Paul, pakisabi kay Louise sasagutin ko lang tong tawag" paalam ko kay Paul at nagmamadaling lumayo sa kanila.


"Hello? Ma?"


PAY AND PLAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon