CHAPTER 7

674 20 2
                                    

NAKAHIGA ako ngayon sa higaan ko habang nakatitig sa kisame. It's almost 12am. 10pm na natapos ang party at isang oras pa ang ginugol namin sa pag-ouout. Napakahabang pila kasi!

Hindi pa rin maalis sa isip ko ang nakita namin ni Klayton. It's Louise kissing that guy na kasabay niya dumating sa party.

Doon ko rin narealized kung gaano kamahal ni Klayton si Louise. Like, tumunganga lang siya doon. He didn't make any scenes. Umalis na siya na para bang tinatamad.

Naaawa ako para sa kaniya. Pero syempre ayoko namang magsalita dahil hindi ko naman alam ang part ni Louise. Labas na ako sa kung anumang meron sila.

Kinuha ko ang cellphone ko. Thank God dahil nakabili na ko ng touch screen phone kahit hindi kasinglaki at kasingmahal katulad ng sa mga kaklase ko. Sinadya ko talagang bumili na dahil sa mga reports at tasks na binibigay ng Prof na kailangan pang i-download from google classroom or google drive. Haysss.

Tatawagan ko ba siya?

Kung tatawagan ko siya ano namang sasabihin ko?

Baka isipin niya na masyado akong chismosa.

Pero itatanong ko lang naman kung okay siya?

Ganon na rin yon parang nanghihimasok na nga ako.

Ibinaba ko ang cellphone ko at tinakluban ng unan ang mukha ko. Bakit ba ako ang namromroblema sa kanila eh problema nila yon?

Agad akong napabangon ng maramdaman ang pagvibrate ng phone ko.

Akala ko si Klayton...

Mga chat lang pala sa GC tungkol sa mga nangyari kanina sa party.

Ang saya naman!!

Ingat kayo guys ❤️

The best nung binabasa si Lemuel HAHHAHAHAHA

Grabe galing pa lang kumanta ni Sir Robles no?

Oo nga. Crush ko na siya.

Ingat mga magaganda kong classmates!



Napabuntong-hininga ako. Bakit ba puro kaplastikan lang ang alam nila? Magiging caring sila sa isa't-isa tapos sinisiraan naman nila kapag nakatalikod. Alam ko na yang mga ganyang galawan. Kaya nga si Marithes lang ang gusto kong kaibigan.

Hinayaan ko na lang na makatulog ako. Ayoko nang isipin si Klayton dahil hindi ko naman obligasyon kung anong nararamdaman niya.





NAKAPOKUS ako ngayon sa sinasabi ng instructor namin sa SINESOS. Magiging midterm requirement kasi namin ang pagbuo ng pelikula. Matrabaho ang bagay na yon dahil bukod sa script, aasikasuhin mo pa ang setting at ang mga gaganap. Nakakadugo ng utak.

"So, apat na grupo kayo. Ang bawat grupo ay may nakatalagang genre." Paliwanag ni Ma'am Jenna, prof namin.

Sa group 3 ako nakabilang at salamat na lang dahil kasama ko si Marithes. Hindi ako maa-out of place sa mga kagroup namin na ngayon ko lang nakilala.

"Group 1, ROMCOM. Group 2, SUSPENSE. Group 3, LOVE STORY. At Group 4, HORROR"

Napabuntong-hininga ako ng marinig na Love Story ang sa amin. Ayan ang pinakaayaw ko sa lahat. Hindi ko lang feel ang mga love story dahil tiyak kong magpapabebe lang ang mga babae na akala mo gustong gusto sila ng lalaking makakapartner nila. Bitter na kung bitter pero nakakainis lang talaga 'yung mga ganon. Iyon kasi ang nakakapagpatagal sa shooting.

PAY AND PLAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon