CHAPTER 9

656 19 6
                                    

MASAKIT ang ulo ko pagkagising. Nakahinga ako ng maluwag nang makita na nasa kwarto ko ako. Pano ako napunta dito? Ang huling naaalala ko ay ang paglagok ko ng beer na binigay sa akin ni Lemuel.


Tumayo ako na sapo pa rin ang ulo. Grabe ang sakit talaga.


Hinanap ko ang phone ko para tignan ang oras dahil nga tirik na ang araw sa labas ngunit nagsisi akong napalingon ako sa maliit na mesa na katabi ng hinihigaan ko.


Limang libo.


Akala ko panaginip lang ang lahat ng nangyari kagabi. Akala ko panaginip lang na may nangyari sa amin ni Klayton pero hindi pala. Ngayong nakikita ko ang pera na malamang ay iniwan niya sa akin, kumikirot ang puso ko.


Tumayo ako upang ihanda ang sarili dahil bibisita ako ngayon sa hospital. Sobrang naaawa ako kay Marithes dahil naging stress siya this past few weeks kakaintindi.


Naalala ko nga, bago ang midterm exam eh nagpresinta pa akong ako na ang gagawa ng last plate namin sa CADD para sa kaniya. Halos wala na rin kasi siyang oras magbuklat ng mga libro.


Nag-ayos lang ako at tumungo na rin sa hospital. Nagtricycle na lang ako para hindi na ako mainitan kakahintay ng dadaan na jeep. Maghihintay pa kasi ako ng 20 minutes sa susunod na biyaheng dadaan.



"Kumusta naman ang party? Party girl kana ngayon Sab ha" bungad sa akin ni Marithes pagdating dito sa kwarto ni Mama niya na kasalukuyang nagpapahinga ngayon kaya halos pabulong lang kami mag-usap.

Nilapag ko sa bed side table ang dala kong prutas. "Okay lang" walang ganang sagot ko dito. Ayoko lang maalala ang nangyari kagabi.


Tumabi ako sa kaniya sa sofa at isinandal ko ang likod ko. "At hindi ako party girl Mari. Kung hindi nila ako sinundo wala akong balak pumunta" pagtatama ko dito.


"Pwede kang humindi bes" mapang-asar na sambit niya.


Ayan na naman siya. Kanina niya pa kasi ipinipilit na baka daw ipagpalit ko na siya sa barkada ni Louise o kay Louise mismo dahil lagi na lang kaming magkasama.


Ipinulupot ko ang mga braso ko sa bewang niya.


"Si Marithes lang ang bestfriend ko" malambing na tugon ko dito habang nakayakap. Sa totoo lang ay natatawa na ako sa ginagawa ko.


Bahagya niyang tinanggal ang pagkakayakap ko sa kaniya. "Kadiri ka" natatawang sabi nito na ikinatawa ko rin.


Marami pa kaming napagkwentuhan. Katulad ng sa bakasyon ay balak nilang umuwi ng probinsiya dahil gusto raw silang makita ng mga kamag-anak nila. Naiinggit naman ako sa part na yon dahil wala naman akong kilalang kamag-anak namin bukod sa tiyahin kong tinakasan ko noon.


Gabi na rin ng umuwi ako. Gustuhin ko mang magtagal pa doon dahil wala naman akong ibang gagawin pero naisip ko rin na baka hanapin ako ng tenant ko. Hindi kasi ako nakapagpaalam.


Masipag ang tenant ko ngayon. Gabi-gabi niyang binibisita ang bawat kwarto kung nakauwi ba ang umuupa. Kaya hanga ako sa kaniya dahil kahit matanda na siya eh sobra pa siya sa kasipagan.






DAYS really went that fast. Naging busy kaming lahat sa paggawa ng requirements dahil last week na ng 2nd sem. Sobrang saya lang. Parang nito lang naghahanap akong pampa-enroll ngayong school year pero ngayon heto, magte-third year na ko.


Nagkikita pa rin naman kami ni Klayton. As usual, tuwing kailangan niya lang ako. Sa madaling salita, kapag oras lang ng trabaho at kadalasan don kapag may problema lang sila ni Louise.


PAY AND PLAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon