CHAPTER 31

997 40 15
                                    

I'VE always been dreaming of having a parents. To feel the care that was tender and unconditional. To feel the love that never last. To experience celebrating my most special days with them. To have someone to talk to, not friends who will left me after years, not someone special who will eventually leave me.


While I was hugging her now, my mother, I felt that the world stops its rotation for a while. Pakiramdam ko, dalawa na lang kami ngayon ng nanay ko dito sa mundo.


Naririnig ko ang paghikbi ko pero bukod pa don, ang pagkabigla na lang ni Tita Suzaine ang nararamdaman ko.


Wala na akong pakealam don. All I want now is to cherish this moment because after this, I don't know how to clearly explain everything.


"Sabrina..." nagising ako sa katotohanan ng hilahin ako ni Klayton palayo kay Tita Suzaine. "Kumalma ka muna"


Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Tita Suzaine. "Kayong mga bata kayo, ano bang ginagawa niyo dito ng ganitong oras? What brought you here ha Sab.. and you.. Klayton?" tumaas pa ang kilay nito habang pinagmamasdan ang kamay ni Klayton na nakapulupot sa braso ko. Nailayo ko tuloy ang braso ko sa kaniya. "Are you two together?"


"YE-"


"Klayton??? Sab?????"


Hindi na natapos ni Klayton ang sasabihin niya ng bumaba mula sa taas si Louise. Nakapantulog na siya kaya sigurado akong naabala lang siya. Masyado na ata kaming maingay dito sa baba.


"Mom? What's happening here?" Lumapit ito kay Tita Suzaine at ipinulupot ang kamay sa braso ni Tita.


"Sabrina?" nagulat ako ng tapunan niya ko ng nagtatanong na mga tingin.


Hindi naman ako makagalaw ngayon. Pakiramdam ko ay napako na ako sa kinatatayuan ko at nanuyo na ang lalamunan ko kaya wala na akong lakas para magsalita.


"Klayton?" baling nito dito sa kasama ko na para bang hinihintay lang na sumagot ako.


Hinawakan niya ang kamay ko. "Sabrina come on. Spill it"


Kumunot naman ang noo ko. "Hindi ko alam!" at nagsimula na namang tumulo ang mga luha sa mata ko.


Narinig ko ang malalim na buntong hininga ni Klayton bago siya nagsalita upang mabasag ang katahimikan. "Tita, Sabrina is your long lost daughter" kalmadong sabi ni Klayton kung kaya't lahat ng atensiyon namin ay napunta sa kaniya.


Kitang-kita ko kung paanong binigyan ng nagtatanong na titig ni Tita Suzaine si Klayton at ganon din si Louise.


Gumalaw ang lalamunan ni Tita Suzaine at pilit na kinalma ang sarili bago nagsalita. "What are you saying Klayton?"


Hindi na rin siguro napigilan ni Louise ang pagkaintriga sa mga nangyayari kaya nakisali na siya sa pagtatanong. "Hindi ba sina Tita Shane at Tito Leonard ang totoong magulang ni Sabrina? What are you talking about?" mataray ding tanong niya.


Balak kong pigilan si Klayton sa pagsagot niya pero wala akong lakas. Nararamdaman ko lang na walang tigil na tumutulo ang mga luha sa mata ko at napako na ko dito sa kinatatayuan ko.


"Mr. and Mrs. Sanchez hired a private investigator to found who's the real parents of Sabrina. Before they died, alam na nila kung sino ang mga magulang ni Sabrina pero hindi nila nasabi. And then this private investigator wouldn't bother to know then dahil hindi sinabi nila Mr. and Mrs. Sanchez na alam na pala nila kung sinong magulang ni Sabrina" mahabang paliwanag nito.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 20, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PAY AND PLAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon