CHAPTER 25

555 27 8
                                    

"Ihahatid ko muna si Sabrina sa gate ng subdivision Louise" Klayton insisted.

"I see. Mabuti naman dahil tirik masyado ang araw ngayon" lumapit siya sa gawi ni Klayton at bumeso dito. "Be back okay?"

"Ofcourse" Klayton answered.

Hinayaan ko na lang na sumama ako kay Klayton. Sumakay kami sa kotse niya na nakaparada sa labas.

Nakatingin lang ako sa labas ng maramdaman ko ang paghawak niya sa palad ko dahilan para lumingon ako sa kaniya. Diretso pa rin ang tingin niya sa daan. Natatanaw ko na rin ang gate ng subdivision.


"Totoo ang sinabi ko sayo Sabrina" sabi nito.


Hindi. Hindi ako pwedeng magpadala sa mga sinasabi niya. Hindi pwedeng basta na lang ako maniwala gayong ilang beses niya kong itinaboy.


"Klayton please. Wag mo nang guluhin ang isipan ko. Marami akong problema at parang awa mo na, wag ka nang dumagdag don"


Akmang tatanggalin ko na ang seatbelt ko pero pinigilan niya ko. Ni-lock niya pa ang pintuan.


"Please listen to me--"


"Ano pa bang dapat kong pakinggan Klayton?! Na mahal mo rin ako dahil ano? Hindi ka mahal ni Louise?? Na ginagamit ka na naman niya ngayon kaya iyon ang gusto mong gawin saken???" galit na sambit ko sa kaniya.


"Sabrina hindi ganon"


"Hindi mo ko mapipilit na maniwala sayo Klayton. Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa atin, parang hindi ko na kayang paniwalaan ka."


Mabilis akong lumabas ng sasakyan niya. Mabuti na lang at hinayaan niya na lang rin ako.


Hindi ko hahayaan na gamitin na naman niya ako at hindi ko hahayaang mapalapit na naman ang sarili ko sa kaniya. Hindi iyon ang gusto ko. Siguro ay sapat na ang ilang beses kong paghahabol sa kaniya para mapatunayan kong kahit kailan ay hindi talaga magiging kami ang para sa isa't-isa.


Confused siya. At hindi pwedeng madala lang ako don. He was just can't figure out his feelings. Tingin niya, gusto niya rin ako pero ang totoo, pinipilit niya lang yon sa sarili niya dahil gusto niyang magselos si Louise.





DIRETSO ako sa bahay. Tinawagan ko na rin si Marithes. Kailangan kong masabi sa kaniya ang nalaman ko.


Isinantabi ko muna ang nararamdaman ko at ibinalik ko ang atensiyon ko sa totoong pakay kung bakit ako pumunta don.


Hindi ko alam kung bakit naghahalo-halo na ang lahat sa isip ko. Hindi ko alam kung tama ba na isipin ko ang bagay na yon pero iyon ang nagiging konklusiyon ko sa lahat ng nangyayari.


I know there is a possibility na magkapatid kami. Hindi 'yon mawawala lalo na at nakilala ko na ang mga magulang niya.


Maaari ring kamag-anak ko sila, malayo man o kadugo.


Maaari ring hindi talaga.


"Bes kumusta??"


Nahinto ako sa pagpapabalik-balik sa paglalakad nang pumasok si Marithes mula sa front door. Agad akonglumapit sa kaniya at sinalubong siya ng yakap.


Humiwalay din ako agad at umupo sa single sofa. "Bes... Kila Louise... Sa bahay nila Louise ang address na pinuntahan ko"


Agad na namilog ang mga mata niya. "Kapatid mo si Louise???!!" mataas na ang tono ng pananalita niya at doon ang pagkagulat.


PAY AND PLAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon