CHAPTER 23

475 18 3
                                    

TAHIMIK lang ako habang tinatahak namin ang daan papuntang bahay nila. Hindi ko rin alam kung pano namin nalampsan ang sukatan ng titig kanina at mas lalong hindi ko alam kung paano ako napasama ng lalaking to sa kaniya.

I felt sorry for Miguel. Inakala ni Alyssa na kami talaga. Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Hindi naman ako makapagsorry dahil kasama ko si Klayton pero naguguilty talaga ko. Kaya nga mas pinili ko na lang na sumama dito sa lalaking to para makapag-usap sila.

"Sabrina please listen. Kanina pa ko nagsasalita dito" Naagaw ang atensiyon ko ng katabi ko. Kinunutan ko siya ng noo. Kung hindi ko lang pinangako sa sarili ko na hindi na ko babalik sa kaniya, baka kanina ko pa siya nayakap. Pero sorry siya dahil hindi na ako marupok.

Lumingon ulit ako sa labas. Inaasar ko talaga siya. Balak kong wag magsalita sa buong biyahe kahit di ko naman alam kung saan niya ko dadalhin.

Narinig ko ang pagsinghap niya at hindi na muling pagkibo. Napangisi na lang ako dahil naging effective ang pag-arte ko. Pero totoo talaga! Ayoko ng maattach na naman sa kaniya. Ayoko nang gamitin na naman niya. Ayoko na sa taong hindi pa rin makamove on sa past. If he chose to stuck there pwes I choose to move forward. Now, I know my worth.

Lumiko ang sasakyan niya sa isang pamilyar na restaurant. ANIV-verse. Ayoko rito. Ayoko ng ambiance dahil una sa lahat, hindi na naman kami couple. I mean hindi naman kami naging couple.

Huminto na ang sasakyan pero nakatingin pa rin ako sa labas at hindi kumikibo. Asa siyang kausapin ko siya.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya ng mapansin na hindi ako gumagalaw dito sa pwesto ko.

"Sabrina bumaba na tayo" pilit nito sa akin. Hindi ko pa rin siya tinitignan at wala akong balak.

"Sabrina don't make it too hard for me"

Wow. Ang kapal niyang magdemand na nahihirapan na siya samantalang ngayon lang siya mag-eeffort. Everytime ako ang umuunawa sa kaniya. Everytime ako ang nagpapakatangang nagpapagamit sa kaniya tapos ngayon niya lang ako susuyuin simula pa lang nahihirapan na siya? Ganon ba talaga kapag hindi ka naman talaga gusto?

Huling beses ko nang sasama sa kaniya. Huling beses ko nang papakinggan ang mga dahilan niya at ito na rin ang huling beses na magkikita at magkakausap kami. Kung kakausapin ko nga siya.

Hinubad ko ang seatbelt at padabog na lumabas ng kotse niya. Pinapalabas niya ko ha. Edi lalabas ako.

Pagkalabas ay nagmamadali akong naglakad palayo. Paalis sa lugar na yon. Agad akong nag-abang ng taxi na dadaan o kaya jeep o bus pero wala. Natanaw ko na si Klayton na nagmamadali ring naglalakad papunta sa gawi ko.

"Jeep please.. jeep" mahinang bulong ko habang pinagdadasal na may dumaan ng sasakyan pero wala.

Nakarating na si Klayton dito pero wala pa rin ni kahit anong pwedeng sakyan ko pauwi.

"Sabrina ano ba? Halika na papasok tayo sa loob" pamimilit nito sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko pero ikinampay ko yon. Busy pa rin akong luminga-linga sa kalsada para maghanap ng masasakyan. Bakit ba walang dumadaan na sasakyan dito?

"Sabrina!" pasigaw nang tawag nito pero parang wala pa rin akong naririnig. Naramdaman ko ang unti-unting pagbagsak ng butil ng ulan sa balikat ko. Bakit naman ngayon pa ata uulan.

Pinihit ako ni Klayton paharap sa kaniya. Saglit na nagtama ang paningin namin pero umiwas ako agad. "Sabrina makinig ka nga muna saken! Tangina naman eh" galit na sambit nito.

PAY AND PLAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon