CHAPTER 27

392 20 1
                                    

SA ISANG mahabang mesa kami kumain. Nasa sentro nito ang iba't-ibang putahe na sadyang ipinahanda sa mga kasambahay maging ang mga hotdogs, barbecues at pork chops na kasalukuyang iniihaw dito pa rin sa backyard nila Louise.


Pakiramdam ko ay maling tinanggap ko ang alok nilang sumama ako dito dahil parang mini reunion ang nangyayari ngayon. At napag-iiwanan ako sa usapan.



Kumikirot ang puso ko. Nawawalan na ako ng pag-asang makikita ko pa ang mga magulang ko. Ang mga tanging taong inakala kong bahagi ng pagkatao ay hindi pala. Ngayon, parang magsisimula na naman ako sa simula.


Sa dulo, kung saan katapat ko si Louise ako nakaupo. Nasa dulong bahagi naman si Tito Mike at sa tabi nito si Tita Suzaine at Loisa.


Mula rito ay kitang-kita ko kung paano asikasuhin ni Tito Mike at Tita Suzaine si Loisa na parang sabik na sabik ito sa kanilang anak. How I wish that I am Loisa. How I wish na sana ako na lang ang anak nila, na parte ako ng pamilya nila.


"Sab okay ka lang?" hinawakan ni Louise ang kamay ko dahilan para mapatingin ako sa kaniya.


Ngumiti ako ng tipid at tumango ng dalawang beses.





HINATID nila ako dito sa labas dahil napagpasyahan kong umuwi na lang. Magkakaroon pa raw sila ng maliit na selebrasyon mamayang gabi pero tumanggi na ako. Family time na nila yon at ayoko ng makaistorbo. Ayoko ng saktan lalo ang sarili ko at ayoko ng magkaroon ng false hope.


"Maraming salamat po Tito Mike... Tita Suzaine.." pasasalamat ko sa kanila sabay bumeso.


"Walang anuman iha. We're looking forward to be with you again" Tita said.


Ngumiti naman ako ng malawak. "Of course Tita. I am also looking forward with that. Thank you po. Una na ko"


Humarap ako kay Louise at nginitian siya. But I can't stop myself from hugging her. "Thank you" I said. Naramdaman kong nagulat siya sa ginawa ko pero sinuklian niya rin ako ng yakap na ikinangiti ko naman. Pero di rin nagtagal ay humiwalay na rin ako sa pagkakayakap sa kaniya.


Bumaling ang paningin ko kay Loisa na nakatitig sa amin. Nginitian ko siya at hinawakan ang kamay niya. Pero nagulat ako ng bahagyang inirapan niya ako.


Tinitigan ko sila Tito at Tita, maging si Louise pero sa akin sila nakatingin.


Kumurap ako dahil nagbabakasakali ako na baka mali lang ang nakita ko. Nginitian ko siya at sinabing, "thank you"






HALO-HALONG emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Dapat masaya ko dahil nakita na ni Louise ang kapatid niya. Dapat masaya ko dahil mawawala na ang bigat sa pakiramdam ko na baka sila ang pamilya ko.


Pero may parte sa akin na nasasaktan dahil may parte sa akin na umasa. Umasa na baka ako ang anak nila. Umasa na baka ako ang nawawalang kapatid ni Louise.


Pagdating ko sa bahay, dumagdag pa sa isipin ko ang isang bulto ng taong nakasandal sa may kotse niyang nakaparada sa tapat ng gate.


Maluluha ko siyang tinitigan.


"Okay ka lang ba Sabrina?" bungad nito sa akin.


Pumikit ako sandali bago siya hinarap. "Wag ngayon Klayton please. Wag ngayon. Umalis kana parang-awa mo na" I pleased him.


"Sabrina if you have a problem I can--"


"HINDI. hindi ko kailangan ng makikinig sa akin Klayton. Hindi kita kailangan kaya umalis kana lang please. Umalis kana dahil kahit kelan hindi na tayo magkakaayos. Ikaw ang problema ko so please mawala kana sa buhay ko. Umalis kana!"


PAY AND PLAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon