CHAPTER 29

531 26 3
                                    

ALL are busy with their graduation dress and suits. Parents are proud and students wear their sweetest smiles. Halatang-halata na pinaghirapan at pinagpaguran nila ang araw na to.


Sino ba naman ang hindi ma-eexcite at matutuwa? All of your hardwork in almost 17 years are worth it and finally they were on the way to their dreams.


Pero sa lahat ng mga proud, ako ata ang pinaka. Not because I also wearing my toga but for my bestfriend Marithes. Delay nga ko diba? So hindi ako makakapagmartsa.


"Congrats bes! Dati lang pinag-uusapan natin ang araw na to ngayon ayan na, graduate ka na finally!" Sinalubong ko ng yakap si Marithes at matamis na ngiti.


"Excuse me Ms. Sanchez if you want to talk to Engineer you have to set an appointment because I am a busy person--"


Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil nagtawanan kami. Kahit kailan talaga maloko tong si Marithes.


"SO porket hindi pa ko Engineer katulad mo dinedegrade mo na ko???" kunwari'y malungkot na tonong tanong ko sa kaniya.


Kumunot naman ang noo niya. "Hindi no! Hindi naman ako makakarating dito kung hindi mo ko pinakopya nung Grade 12 natin. Final exam sa--"


"PHYSICS 2!!" sabay na sigaw namin pagkatapos ay tumawa ng malakas.


Sabay pa kaming napatakip sa mga bibig namin dahil naagaw ang atensiyon namin ng ibang mga estudyanteng nakapila dito sa labas ng event hall ng University.


"Mukhang nagkakasiyahan kayo dyan ah"


Naagaw ang atensiyon namin ng dumating sina Tita at Tito. Mabuti nga at nagkaroon ng 2 months vacation si Tito. Pero sinabi na rin saken ni Marithes na baka hindi na to bumalik bilang OFW dahil magkakatrabaho na naman daw siya.


At isa pa, maayos na rin ang lagay ni Tita kaya kailangan na lang mamaintain ang pag-inom ng gamot at syempre, regular check up.


Sinalubong ko sila at bumeso ako. "Tita, Tito kamusta po?" magalang na tanong ko.


Si Tita ang sumagot, "okay lang naman iha. Alam mo Sabrina sa graduation mo imbitahan mo rin kami at kung okay lang sayo kami na lang ang maghatid sayo katulad nung mga highschool pa lang kayo ni Mari"


Ngumiti ako kay Tita. "Nako hindi naman po ako makakapagmartsa"


Nagkatinginan ang mag-asawa at binigyan ako ng nagtatakang mga titig. Lumingon naman ako kay Marithes at nahalata niya ata na hindi ako komportable sa usapan.


Lumapit siya kina Tita at Tito pagkatapos ay niyakap sila. "Thank you Mama at Papa. Mabuti pa bili niyo muna ko ng tubig kasi ang init. Kumukupas yung make up ko tsaka nauuhaw na ko" dahilan nito pagkatapos ay kunwaring nagpapapaypay gamit ang kamay.


"Osige bibili muna kami ng maiinom maiwan na muna namin kayo" paalam ni Tito. Ngiti na lang ang naisagot ko.


Pagkatalikod na pagkatalikod nila, hinawakan agad ni Marithes ang kamay ko at tinitigan ako. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya.


"Okay ka lang?" tanong nito.


"Ano ka ba! Syempre naman!" pilit ko talagang pinapasigla ang boses ko. Ayoko kasing masira ang araw niya. Isang beses lang tong nangyayari sa buhay ng tao kaya dapat ito rin ang pinakamasayang araw niya.


Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Pagkatapos sabihin sa akin ni Tita at Tito ang mga bagay na yon, parang lalo ko lang naramdaman na malaki akong disappointment sa lahat. Na bukod sa mag-isa ako, wala rin akong magulang.


PAY AND PLAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon