Nginitian ko ang guard na agad naman akong pinapasok. Nandito ako ngayon sa apartment ng mga pinsan ko. Kila Dawn at Midnight.It's a surprise visit. I hope they're not busy. Lol.
Sobrang nag-aalala parin ako kay Isaiah. Pero, sobrang naiinis ako dahil isang linggo na syang hindi nagpapakita. Kahit ni-hi ni-ho Wala! buset.
Gusto kong magpaka sad gurl kaso masyado akong maganda para maging iyakin.
Nag buzzer ako ng marating ko na ang apartment nila. Sinadya kong hindi magpakita sa hole sa door nila pero mukha atang walang balak buksan kapag walang magpapakita.
Napilitan tuloy akong magpakita at inulit ang pag buzzer.
Sumimangot ako ng buksan ni Midnight ang pinto na bungad saaking naka topless at naka broad shorts.
"Tagal mo buksan." Nakasimangot kong reklamo. .
"I can't let a stranger in... So better show yourself before I'll leave you hanging there outside." Bored na sagot nito sakin kung bakit ko sya muntikan ng mahampas ng purse ko.
"Dami mong sinabi... Papasok ako." Dire-diretso akong pumasok sa apartment nila. Wala naman akong narinig na reklamo galing sa kanya.
"San si Dawn?" Tanong matapos naka upon sa sofa at maibaba ang purse ko.
Nagkibit balikat lang Ito na para bang walang paki-alam kung saang lupalop nag-sususuot ang ka-kambal nya.
Napasimangot pa ako Lalo. Walang kwenta kausap. Parang tuod my gulay!
Gwapo nga suplado naman. Kaya wala pang nahahanap na partner eh.
Agad kong pinuntahan ang kwarto ni Dawn para masilip kung anong ginagawa nang bruhang yon.
Mas lalo pang naningkit ang mga mata ko ng makita kong may kalandian ang babae sa cellphone nya.
"Opo, Wala po akong ginagawa. Hihi" malandi nitong sagot.
"Hoy bukang-liwayway!! Sino yan.?!"
Kadiri. Parang kinaganda nya yang pagsasabi nya ng hihihi nayan.
Napagilid ako dahil sa biglaang pag-pasok ni Midnight sa kwarto ng kakambal.
"M-midnight? S-summer? Bakit kayo nandito?" Agad nyang binaba ang tawag at hinarap kami.
Pina-mewangan ni Midnight si Dawn habang naka kagat labi naman si bukang liwayway.
"Sino yan!? May bago ka nanaman? Sugar daddy mo?" Panenermon pa nya dito.
"H-hindi naman sa ganon" agad na tanggi ng pinsan ko.
Napasimangot ako at pumunta sa kusina nila para mangalkal ng kakainin.
Kinuha ko ang almond milk na nakita ko sa ref at inabot ang ramen na nakita ko sa pantry nila. Alam kong kung hindi ako buntis, kakadirihan ko ang combination na Ito. Pero, Ito type ko. Pasensya na.
Ng pakiramdam ko ay sasabog na ang pisngi ko sa anghang ay agad kong nilagok ang almond milk mula mismo sa bote.
"Tag-init!! Bakit mo tinungga ang almond milk ko! That's so eww." Sigaw nito habang papalapit sakin.
Inirapan ko lang sya at inalok ang almond milk nya.
Umasim pa Lalo ang mukha nito at kinuha ang non-fat milk nito sa ref.
Inabot ko din ang ubas na nasa counter at kinain matapos ubusin ang ramen.
"Sayo nayan! May laway mo na yan!" Binalik ni Dawn sakin ang bote Ng gatas matapos kong ibigay iyon sa kanya.
Ngumiwi lang ako sa kanya at bumulong ng 'ang arte' at tsaka inubos ang gatas.
Pag matapos kong kumain ay Basta nalang akong pumasok sa kwarto ni Midnight at binuksan ang TV para maghanap ng movie na papanoorin sa Netflix.
"Ay Ate napanood mo na yung crash landing on you?" Napapitlag ako ng biglang sumulpot sa tabi ko si Dawn.
"Bakit ka ba laging Kung saan saan sumusulpot? Kabute ka ba?" Inis kong sabi dito.
Umupo ito sa tabi ko at kinuha sakin ang remote para mamili ng movie.
"To naman, masyadong magagalitin. May dalaw ka ba?!" Sarkastiko nitong Sabi.
Pano magkaka regla eh buntis na nga?
"San si madaling-araw?" Bored na tanong ko dito.
"Ewan. Bumili ata Dyan sa convenience store sa tapat ng chichirya. Nautusan ko eh. Haha." Tuwang Tues pa nyang Sabi.
"Oh? Buti napasunod mo? Kambing pa naman yon." Saad ko dito.
Habang nag-uusap ay narinig namin ang pag tunog ng pinto at pag pindot ng passcode. Kasabay ng mga yabag ng paa.
"Oy bukang-liwayway! Saan ka? Eto na pagkain mo!" Sigaw ni Midnight sa Sala.
Narinig din namin ang pagbukas ng pinto ng kwarto ni Dawn. Akala ata nandon sa loob yung kakambal nya.
Pigil tawang hinarap sakin si Dawn at sumenyas na tunahimik. Inirapan ko lang Ito at nagpatuloy sa pag browse ng movie.
"Hoy, bukang-liwayway! San ka? Kakainin ko tong pinabili mo." Sigaw nitong muli.
Kalaunan ay tumigil na Ito sa pag-sigaw at pumasok na ng kwarto nya.
Pagbukas ng pintuan ay naabutan namin iyong naka focus sa cellphone nito habang bitbit ang mga pinamiling chichirya sa kaliwang kamay.
Mukha atang hindi nya napansing may tao sa kwarto nya.
Inilapag nito ang paper bag sa gilid ng pinto at saka ni-lock iyon.
"Salamat sa free delivery Alam mo talaga kung nasaan ako noh?" Biglang salita ni Dawn.
Biglaang napa-angat ng tingin si Midnight at napa-awang ang bibig.
Kaagad na bubumaba sa kama si Dawn at kinuha ang chichirya nya sa paper bag.
"Bakit kayo nasa kwarto ko?" Naka salubong ang mga kilay ni Midnight habang tinitingnan kaming nakahilata sa kama niya.
"Bakit masama?" Balewalang sabi ko sabay dukot ng chichirya na Hawak ni Dawn.
Napailing nalang ito sabay tabi sakin sa kama habang nasa cellphone ang atensyon.
Ng makapili na kami nang papanoorin, ay tumutok kaagad kami at kumain ng mga pinamili ni Midnight.
"Nag text si Hadley. Sleepover daw sya dito." Ngumunguyang Sabi ni Dawn habang nagt-type ng message.
"S-sino?"
Napalingon kami kay Midnight na kaagad na tumikhim at nag-iwas ng tingin.
"Para namang hindi mo kilala si Hadley. Ilang bears mo na kaya syang na-meet." Pag pupuna ko dito.
"A-ah. Oo nga haha." Alanganin iyong tumawa at inayos ang buhok.
Naningkit ang mga Maya ni Dawn at nang-aakusang tiningnan si Midnight. "May gusto ka sa kaibigan ko noh?"
Agad namang namula si Midnight at defensive na itinanggi ang akusa ng kapatid.
"H-huh? A-ano? P-p-pinagsasasabi mo?" Umiling Ito ng paulit ulit.
Tanggal angas ni sungit eh.
Parehas kaming natawa sa inasta ni Midnight. Lumapit si Dawn dito at tinapik ang likod nito at mas laking inasar.
"Chill kalang. Wag kang mautal, masyado kang obvious eh." Sabi nito saka humalakhak ng malakas.
Mas lalo pang namula ang mukha ng lalaki at sunod sunod na tumikhim.
Ewan ko lang kung umubra ka kay Hadley, Midnight. Masyado pa namang wild yon. Ewan ko lang Kung makayanan mo yon.
Natigil kami sa pagtawa ng marinig namin ang buzzer sa labas.
Ngumisi si Dawn kay Midnight at natawa. "Yan na crush mo, Midnight. Dyan ka lang mukha ka na lasing strawberry eh." Humalagpak Ito sa tawa.
pang-asar pa naman yang kambal mo Midnight .I wish you the best, Cousin.
Hay lovelife!
BINABASA MO ANG
Hiding The Billionaire's Daughter
RomanceI'm Hiding the Billionaire's Daughter ~~~~ HIGHEST RANKINGS #1 in Morris #1 in Running #11 in Hiding #5 in Hidden #9 in Short story #9 in Wattpad