LONGING
***
"ISANG buwan nalang, lalabas na ang pamangkin ko."
Ngumiti ako kay Dawn nang sabihin nya ang mga katagang iyon sa video call namin ngayong umaga.
"Oo nga. Ready na rin naman ang mga gamit nya. Salamat sa savings ng Tito Samuel nya." Sagot ko dito sabay halagpak ng tawa at pakita ng wallet na may Pera ni Sam.
Natawa nalang din sa kabilang linya si Dawn at napa-iling.
"Nag-rereklamo na nga eh. Maghihirap na daw sya ng dahil sainyo. Hindi rin daw nya nasabi sa asawa mo ang mga gastos mo dahil baka magtanong kung bakit halos bilhin mo na ang buong mall dahil sa bills." Kwento nito sabay ngiti ng nakakaloko.
Napawi ang ngiti ko at kumunot ang noo.
"H-hindi nyo pa nasasabi kay Isaiah ang tungkol sa pag-bubuntis ko?" Gulat kong tanong dito at kaagad na gumapang ang kaba at takot sa dibdib ko..
Bumuntong hininga nalang Ito sa kabilang linya at umiling. "Even though we really want him to know about your baby, lalong-lalo na si Samuel, para pabayaran ang mga bills mo, we can't." Malungkot iyong ngumiti sakin.
Napalunok ako at napakurap. "Ang Sabi ni Samuel, ipapaalam nya Kay Isaiah ang kalagayan ko. Usapan namin yon bago ako pumayag na umalis ng bansa!" Halos pasigaw kong sabi dito dahil sa panic.
Kinakabahan ako sa magiging reaksyon ni Isaiah kung sakaling malaman nya na hindi namin ipinaalam ang tungkol sa anak namin.
"Alam natin ang pwede nyang gawin kung sakali nang malaman nya ang tungkol sa bata. For now, kailangan muna kayong maglayo habang inaayos nya ang mga gusot ng papa nya." Dagdag nito.
Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko ng maramdaman kong medyo kumirot ang tyan ko dahil sa sobrang tensyon. nganinginig ang hininga ko ng bumuntong hininga ako at hinaplos ko agad ang tyan ko at pumikit ng mariin para mawala ang sakit nito.
Mas Lalo pa iyong kumirot ng pumasok sa isip ko ang isang tanong na labis na nagbigay ng takot sa sistema ko.
"P-pero, Alam naman nya kung nasaan ako hindi ba? Sinabi na ni Samuel Kung nasaang bansa ako diba?" Naka-pikit kong sabi dito. baka kahit lokasyon ko hindi nya alam. sigurado akong nanginginig na yon sa galit kung sakali.
Nakitaan ko ng pag-aalala ang mukha ni Dawn ng makita ang sakit na nakapinta sa mukha ko.
"Oo. Sinabi ni Samuel Kung nasaang bansa ka, pero hindi nya sinabi ang exact address mo. Hinaharangan ko rin ang system nya na makakuha ng kahit saang location mo. Hindi ka nya pwedeng puntahan." Mabilis nitong sagot na tila ba sinasabing ayos ang lahat at dapat na kumalma ako.
tumango ako at pilit na sinubukang kumalma dahil baka mapa=anak ako ng wala sa oras "Kailangan ba talagang itago ang tungkol sa bata? P-pwede ko yong gawin kung makakabuti ang kalalabasan." Wala akong nagawa kundi ang sumang-ayon sa plano nila dahil tama din sila.
Kung sakaling malaman ng asawa ko ang tungkol sa pag-bubuntis ko, pwedeng hindi nya mapigilan ang sarili nya at puntahan nya ako dito.
Mainit ang mga mata ng sindikato sa kanya. Hindi tulad ko, hindi nila alam ang tungkol sa kasal namin. Pinalayo lang ako dahil kung sakaling umatake ang mga kalaban kay Isaiah at saktong nasa tabi nya ako, malalagay ako sa panganib.
"Magpahinga kana muna, Gabi na dyan hindi ba? Usap nalang ulit tayo sa sunod na araw." Pag-papaalam nito sakin at saka bigay ng nag-aalalang tingin.
BINABASA MO ANG
Hiding The Billionaire's Daughter
RomanceI'm Hiding the Billionaire's Daughter ~~~~ HIGHEST RANKINGS #1 in Morris #1 in Running #11 in Hiding #5 in Hidden #9 in Short story #9 in Wattpad