Chapter 8

22.3K 454 5
                                    

Kaagad kong pinuntahan ang bahay namin para nakita Kung gaano kalaki ang pinsala.

Dawn presented to come with me but i refused.

Napapikit nalang ako at napa-hawak sa tyan ko ng makitang sunog na sunog ang bahay. Mukhang wala na kaming mapapakinabangan sa mga gamit.

Buti nalang nagkataon na wala ako sa bahay, kundi tustado narin ako ngayon masama ng bahay nato.

Akmang pasok ako para tingnan ang loob ng bahay ng may tumawag sakin na pamilyar na boses na nagpatigil sa paglakad ko.

"Love! Summer!"

Paglingon ko ay ang saktong pagyakap nito sakin ng mahigpit tila ba ayaw na ako nitong pakawalan.

"Ayos ka lang ba? Walang masakit sayo? Saan ka ba nagpunta kagabi?" Sunod sunod na tanong nito sakin.

"Ikaw San ka nagpunta sa nakalipas na linggo?" Walang emosyon kong tanong dito.

Napatigil Ito sa tanong ko at mas hinigpitan pa ang yakap sakin. Mas Lalo pa akong nainis ng wala akong nakuhang sagot sa tanong ko.

Naiinis pero mahina ko syang tinulak sa dibdib dahilan para agad itong bumitaw sa pagkaka-yakap saakin at napamura sa hindi malamang dahilan.

O.A lang? Kala mo may natamaang sugat?

"Kung Wala Kang balak sagutin ang mga tanong ko, aalis nalang ako dito." Bored kong sabi at saka akmang aalis ng bigla syang magsalita.

"I didn't know anything about the engagement. I was framed up. It was my mother's decision. So please forgive me." The pain and desperation in his voice stopped me on my track.

"That's it? How bout those missing days? You have no explanation for that?" Nakatalikod kong tanong sa kanya.

Hinarap ako dito ng hindi ito magsalita. His hesitant face caught my eyes.

What were you doing this past week Isaiah? Are you with that Javier? Or something came up?

Ng makita ang naiinip kong mata ay napilitan itong magsalita.

"I was--" hindi na nito natapos ang sasabihin nito ng makarinig kami Ng sunod sunod na putok ng baril na tumatama sa direksyon namin.

Agad akong yumuko ngunit natumba ng matamaan ako ng bala sa aking kaliwang braso.

"Damn!" Sigaw ni Isaiah sabay about sakin at nagtago sa pader ng bahay namin.

Pinunit nito ang parte ng kanyang long sleeves at saka itinakip ang sugat ko.

Napapikit ako ng mariin at impit na Napa tili nang bumalot sa sistema ko ang sakit.

Bakit ba palagi nalang kami nadadamay sa mga gulo ng tatay nitong si Isaiah? Palagi nalang bang kailangan na may masasaktan sa iaa samin? Hindi ba pwedeng mabuhay nalang kami Ng payapa? Yung walang masamang nangyayari sa bawat isa samin.

"Shh. It's okay, I'll go fetch my gun in my car." Sabi nito.

Akmang aalma ako ng nakapunta na agad Ito sa dulo ng pader at maingat na sumilip sa gilid.

Ng akmang tatakbo na Ito ay agad syang napa atras ng may mga balang tumama sa direksyon nya.

Napamura Ito at agad na umatras. Napilitan din iyong tumabi sakin at tawagan nalang ang assistant nyang si Navy.

"Navy, send some mens here at my house. ASAP. and please, get that sniper out of my property or else I'll kill that son of a cow." Inis nitong utos sa kausap at agad na ibinaba ang tawag.

Despite the risky situation, i laughed hearing his words. I told him kasi to lessen swearing since it's irritating.

Pagtapos nito ay kaagad ako nitong nilapitan at tiningnan kung malakas ba ang pag-agos ng dugo mula sa sugat ko.

Hiding The Billionaire's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon