Aldrina
***
I WOKE up with a churning stomach when the morning comes.
i gripped the bowl tightly while vomiting my whole meal last night. i flushed the toilet and wash my mouth on the sink.
kaagad akong bumalik sa pagkakahiga at tiningnan ang digital clock na nasa night stand ko. napapikit ako ng mariin ng makitang alas tres palang ng umaga.
kaagad kong binalot ang sarili ko sa kumot ko at sinubukang bumalik sa pagkakatulog. ngunit kahit anong pwesto at ikot ang gawin ko ay hindi ko parin magawang mahanap ang antok ko.
umupo ako at bumuntong hininga bago napagpasyahang pumunta sa kusina para uminom ng isang basong gatas.
binuksan ko ang ilaw at kumuha ng baso at ang gatas na nasa ref. pero kaagad akong naglaway ng makakita ng isang custard cake sa loob nito.
kaagad ko iyong kinuha kasama na ang gatas at sinimulang lantakan.
agad naman akong dumighay ng maubos ko ang gatas at custard at napatigil ng mapagtantong baka kay Aldrina ang custard na iyon.
napangiwi nalang ako at agad na hinugasan ang pinag-kainan ko ng sandaling humikab na ako.
kusot-kusot ko ang mata ko habang papunta sa kwarto ko at kaagad na dinambahan ito at binalot ang sarili sa malambot kong comforter. at hindi rin ay tuluyan na akong nahimbing.
NAPABALIKWAS ako ng bangon dahil sa sunod-sunod na katok ng kung sino sa pinto ng kwarto ko.
napa-upo naman ako at napahikab sabay kusot ng mata ko. kaagad kong ibinaling ang tingin sa orasan at napa-ungot ng makitang alas syete palang ng umaga.
'minsan na nga lang gumising ng tanghali may bubulabog pa.' ani ko at saka papungas-pungas na nagtungo sa pinto para simangutan ang istorbong nilalang na nasa labas.
handa ko na sanang bulyawan ang taong nasa harap ko ng sandaling buksan ko iyon pero napatigil din ng makita ang magkasalubong na kilay ni Aldrina.
"wha?" tanong ko dito sabay hikab.
kinagat nito ang labi nito na tila nagtitimpi at pinamewangan ako.
"nakita mo yung custard sa ref kahapon?" tanong nito sakin at saka inilibot ang paningin na tanda na iritado na sya.
napa tigil ako sa pag-hikab at napakurap ng ilang beses.
"a-ah! y-yung custard?" kinakabahan kong sabi at saka pinaglaruan ang mga daliri sa kamay.
napakamot ako sa ulo ko at saka ngumiti ng alanganin saka iniwasan ang mga titig nya.
"wala ata ako sa s-sarili kagabi, kinain ko. hehe." parang tanga kong sabi.
nangunot ang noo nito at saka lumaki ang butas ng ilong. "anong wala sa sarili? nag sleep-walk ka ba kahapon, at automatic na lumamon sa kusina?" asar na sermon nito sakin.
ngumuso ako dito at pinagdikit ang mga daliri. "sige na. para naman kay baby yun eh."
pagpapa-awa ko dito saka ngumiti ng maliit dito.
"baby?" tanong nito sakin.
"o-oo. baby. hindi ba't buntis ako?" naka-kunot noo kong tanong dito.
nawala ang pagkaka-kunot noo nito at napalitan ng pagka-gulat. "b-buntis ka?" tameme nitong sabi.
"h-hindi ko pa ba nasabi sayo?" kunot-noo kong tanong dito.
BINABASA MO ANG
Hiding The Billionaire's Daughter
RomanceI'm Hiding the Billionaire's Daughter ~~~~ HIGHEST RANKINGS #1 in Morris #1 in Running #11 in Hiding #5 in Hidden #9 in Short story #9 in Wattpad