3:00 a.m
HALOS hindi na ako makahinga sa sobrang Kaba.
Madaling araw na pero Wala parin ni anino ni Isaiah.
Ayos lang naman sakin kung mag text sya na hindi sya makaka-uwi. Maiintindihan ko yon. Hahayaan ko din syang makapag paliwanag tungkol sa balita kanina.
Hindi ako magpapa dalos-dalos ng desisyon.
Pabalik-balik akong naglalakad habng sinusubukang i-contact si Isaiah.
"Sorr--" pinatay ko na agad Ang tawag dahil yun nalang naman ang laging sagot.
Out of reach parin si Isaiah. Mamamatay na ako sa pag-aalala.
*Phone rings*
Agad kong kinuha ang cellphone ko at sinagot ang tawag.
"H-hello." Nanghihina kong sagot.
"Summer! Sumagot na ba si Isaiah?" Agad na bungad ni Dawn ng sagutin ko Ang tawag.
"H-hindi pa." Sabi ko sabay iling kahit pa Alam kong hindi nya ako nakikita
Dawn was the first person that i contacted for comfort after reading the article.
Sandaling nawalan ng imik sa pagitan namin. Maya maya, marinig ko syang napabuntong hininga.
"T-tatawagan ka rin non mamaya. Hintayin mo lang." Pagpapagaan nya ng loob sakin.
"O-oo nga. S-sana naman." Unti unting tumulo ang mga luha kong kanina ko pa pinipigil.
"Kumain ka na ba?" Napatigil ako sa tanong nyang iyon.
"Hihintayin ko pa si Isaiah." Bulong ko dito.
Narinig ko ang pagsinghap nya at kaagad akong pinagalitan na naglagay Ng munting ngiti sa labi ko.
"O-oo na, k-kakain na po." Naka ngiti kong Sabi dito.
"Sige, m-matulog ka na. Bukas, nandyan na si Kuya." Bulong ni Dawn sa kabilang linya.
Ng sandaling maputol ang tawag ay, unti-unting nawalan ang ngiti sa aking labi at saka ko na pinakawalan ang sunod sunod na hikbi na pinipigilan ko.
Itinakip ko ang kaliwang palad ko sa aking bibig---pinipigilan ang pag-alpas ng mga hikbi ko, habang mahigpit ang hawak sa kanan kong kamay ang cellphone ko.
BUMALIKWAS ako ng bangon nang maramdaman kong parang umiikot sa tyan ko.
Hindi naman ako nakakain pero bakit ako nagsusuka ng ganito? Baka sinisikmura na ko at dapat na kumain na.
Nakatulugan ko na ata ang pag iyak kagabi.
Sa sandaling naalala ang mga nangyari kagabi, kaagad akong bumaba para puntahan ang bawat sulok ng bahay.
Nalibot ko na ang kusina, dining hall, living room, game room, laundry room, pati basement nga napuntahan ko na eh, pero Wala akong nakitang Isaiah sa paligid.
Tumulo muli ang mga luha ko Ng mapagtantong, mukhang hindi nga talaga umuwi ng bahay si Isaiah.
Ngunit agad ko iyong pinunasan Ng maalalang baka nasa paligid lang sya.
Kaagad kong hinanap ang guard para tanungin kung umuwi si Isaiah Ngayon.
Pero agad na nadismaya nang hindi ko makuha ang gusto kong sagot.
"Ay! Hindi po Mam! Hindi po ba nag-text si Sir kung saan po sya nagpunta ?"
Ngumiti ako dito at umiling ng marahan. "H-hindi pa po Kuya eh, b-baka maya maya, mag text na yon." Tanging nasagot ko na lamang.
BINABASA MO ANG
Hiding The Billionaire's Daughter
RomanceI'm Hiding the Billionaire's Daughter ~~~~ HIGHEST RANKINGS #1 in Morris #1 in Running #11 in Hiding #5 in Hidden #9 in Short story #9 in Wattpad