Chapter 1

53.8K 829 49
                                    

EDITED

SUMMER

"Kailan mo balak magpakasal, Sun? You're almost thirty! Balak mo bang tumandang mag-isa?" My coworker, Kayla roasted me while drinking her punch.

I just shrugged my shoulders and smiled sheepishly. I then drank my margarita straight.

Kung Alam mo lang, Kayla.

We're currently in a club. Celebrating our company's 69th anniversary. Its so damn loud in our table so we decided that we should sit beside the counter.

"Look at me! Married and happy! Wedding anniversary na namin ni Claude next month!" Pagdadagdag pa nito at sabay subsob ng wedding ring nito sa mukha ko.

"Kayla!" Tawa ko saka hinawi ang kamay nito.

Hay nako Kayla! Wedding anniversary na din namin ni boss three months from now. At tsaka may wedding ring din ako! Nasa jewelry box nga lang! Nag b-beauty rest!

"Sumayaw ka nga don! Humanap ka ng lalaki!" Pagtataboy nito sakin.

"Sun! Kayla! Let's dance! Daming hot boys sa dance floor!" Nangingisay na sabi sakin ng katrabaho naming si Nadia.

"Ayon oh! Isama mo yan! Magagalit sakin si Claude kung sasama ako. Hanggang dito nga ramdam ko mga tingin nya mula sa table natin eh!" Pasimple nitong nguso sa asawa sa kabilang table na grabe ang pagmamasid sa kanya.

"Mukha namang tanga yang asawa mo eh. Di ka nalang lapitan at ng hindi magmukhang stalker at manyak na nakatingin sayo." Tawa ko pa sa kanya.

"Tara na, Sun! Daming foreigners sa dance floor! Hanap tayo sugar daddy!" Kapit pa ni Nadia sa braso ko.

Napairap nalang ako at pilot inaalis ang pagkakapit ng mga braso nito sakin.

"Ugh! No thanks! May trabaho pa naman ako, at hindi pa naman ako naghihirap, no!" Nandidiri kong sabi dito.

"May sugar daddy na Kaya ako." Pilyo kong sabi sa utak ko.

Si Isaiah.

"Ha! May kalandian ka rin pala sa katawan eh!" Sigaw ni Kayla na ikinagulat ko.

Wait. Did I said it out loud!?

"H-huh? What are you guys s-saying?" Nagkakanda-utal utal kong tanong sa mga ito.

Namula ang buong mukha ko dahil sa kahihiyan. Gosh! Ang tanga!

"Sino yang sugar daddy mo? Pwede bang ipakilala mo ko? Baka mas galante yung iyo kaysa yung sakin eh." Singit ni Nadia na ikinatanggap niya ng mahinang sabunot mula Kay Kayla.

"Ang landi mo talaga! Kaya ayaw sayo ni Denmark eh." Sabi nito na ikina-angil ni Nadia.

Napa-iling nalang ako at sinubukang tumakas papunta sa table namin habang abala sila sa pag-aasaran.

"Oh! Sun! Bakit hindi ka sumasayaw! Si Nadia nga kanina pa nakakasungkit ng lalaki eh!" Sigaw ng coworker namin na si Seth habang akbay ang katrabaho din naming si belle na fiancé nito.

Nagtinginan ang lahat ng nasa table Kay Denmark ng mabanggit si Nadia na walang pakialam at nagsimulang magkantiyawan, na nakaani ng irap mula sa lalaki habang umiinom ng beer mula sa hawak nitong bote.

Nakita kong napatingin sakin ang boss naming si Isaiah habang nagkakatuwaan ang mga tao sa table.

Tumabi ako ng upo sa coworker kong sina Levi at Chloe. At kumuha ng isang bote ng beer sa table.

Hiding The Billionaire's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon