Chapter 7

23.8K 507 9
                                    

"hi Hadley!" Bati ko ng makalabas ako ng kwarto ni Midnight.

"Summer!!" Sigaw nito sabay sugod saakin ng isang yakap. "It's been a while" dagdag pa nito.

Ng lumabas sa kwarto nya si Midnight, ay humagod ang mga mata ni Hadley sa kabuuan nito at bumalik sa mga Mata ng lalaki.

Sandali pang nagkatitigan ang dalawa pero agad akong tumikhim na naging dahilan ng pagpula ng mukha ng dalawa.

Ngumiti ako kay Hadley at sumenyas na ibigay sakin ang mga bag nya. "Akina. Tulungan na kita sa mga gamit mo."

Akmang ibibigay na ni Hadley sakin ang gamit nya nang biglang sumingit si Midnight.

"U-uhm. No need. I can help her with her things." Sabi ni Midnight sabay kuha ng mga gamit ni Hadley at dumeretso na sa kwarto ni Dawn. Sinunod naman si Hadley dito.

Kanina pa to nauutal ah. Naistroke na ata sa kagandahan ng crush niya.

I smirked and made my way into the kitchen. I found Dawn preparing her Caesar salad and crushing blueberries for her smoothie.

I suddenly craves for blueberries. I want one. Kinuha ko ang tirang blueberries sa fridge at pinapak iyon. Medyo maasim na matamis. Sarap.

Pinirito ko nalang ng din ang nakita kong burger patties sa fridge para sa ulam ko.

Habang kumakain kami ni Dawn ng hapunan, ay naisip ko Kung bakit ang tagal bumalik ng dalawang pumunta sa kwarto ni Dawn.

"San si bespren? At Midnight? Kanina pa yon ah?" Tanong ni Dawn sakin.

Nagkibit balikat lang ako at sinagot ang tanong nya. "Ewan pumunta yon sa kwarto mo eh." Sabi ko dito sabay subo ng kanin.

"Ang galing ah. Subukan lang nilang magiwan ng bakas paghihiwalayin ko sila." She snorted.

Napairap nalang ako at ininom ang lemonade na ginawa ko.

Natapos nalang namin ni Dawn ang pagkain hindi parin nagpapakita ni ang anino ng mag loveteam. Gumagawa na ata ng tagapag-mana.

Pumunta nalang kami sa kwarto ni Midnight para kunin ang chessboard nito at dinala namin sa sala para maglaro.

"Sana naman nilinisan nyo ang kalat nyo don, ano? Baka mamaya nalimutan mo ang bra mo sa sahig, Hadley."

Lumingon ako sa likod ko ng biglang magsalita si Dawn habang naglalaro kami.

Naabutan ko ang seryosong mukha ni Midnight at ang namumulang pisngi ni Hadley.

Ngumisi at umiling nalang ako at nag focus sa laro. "Kumain na kayo. Magluto kayo ng sarili nyo. Tagal nyo eh." Pang-aasar ko pa sandalawa na agad na nagtungo sa kusina.

"Oy! Bawal ang round two sa kusina!" Sigaw ko sa kanila.

Napa-tsk si Dawn at umiling ng ilang beses. Saka gumawa ng move.

Kumunot naman ang noo ko at kaagad na dinepensahan ang king ko.

Nagpatuloy ang laro namin hanggang sa unti-unting nauubos ang mga pieces namin.

"Checkmate" bulong ko matapos i-pwesto ang rook sa tabi ng Hari na pino-protektahan ng Queen ko.

"Ihhhh, akala ko ako panalo eh!" Pag tatantrums nito at saka niligpit ang mga piraso.

Tumingin ako sa wall clock na nasa Sala ng humikab na ako.

It's already nine in the evening. I need to sleep now.

Naabutan ko ang nagkukulitang si Dawn at Hadley sa kama.

Kinuha ko ang isang unan at itinakip iyon sa tenga ko at kaagad na humiga doon.

Hiding The Billionaire's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon