Malaki ang ngisi ko nang sabihin sakin ni Isaiah na uuwi na kami kaagad.
Mabilis akong nagbihis at nag-ayos nang sarili para agad din kaming maka-uwi.
"Let's go!" Masayang aya ko nang makalabas ako ng cr.
Napa-taas ang kilay ni Isaiah na naka-upo sa sofa nang napansing sobrang sigla ko.
"Are you really that eager to go outside this damn hospital?" Tanong nito sakin.
Sunod-sunod akong tumango dito at inaya na itong lumabas.
Sumunod Ito sakin at tinawagan si Navy para i-start na ang sasakyan.
Magkahawak kamay kaming pumunta sa elevator para makarating sa parking lot.
Pero saka ko lang naalalang naiwan ko pala yung wallet ko sa side table sa hospital room ko.
Hinila ko ang kamay ni Isaiah para makuha ang atensyon nito. Umangat ang kilay nito at yumuko para marinig ang sasabihin ko.
"Naiwan ko yung wallet ko sa kwarto." Bulong ko dito.
"Kunin natin! Sige na! Baka mawala na yon. Baka linisin na nila yon." Nagmamadali kong sabi.
Ng akmang babalik ako sa taas para sa wallet ko ay, hinila ako nito pabalik at may kinalikot sa cellphone nya.
"Don't bother going up. I'll send Navy for that. Now, let's go to the car?" Tanong nito sa akin sabay akbay sakin.
"Hehe, samahan mo muna ako sa ladies room. Kanina pa ako naiihi." Reklamo ko dito sabay hila dito sa restroom.
"Then why are you resisting your pee? That's bad for your health" naka-kunot noo nitong sermon sakin habang nagpapa-anod ng hila sakin.
Napatigil ako sa paghila dito at ngumiti ng alanganin. "Tinatamad kasi ako eh. Akala ko kaya kong pigilan hehe." Sabay kamot sa ulo ko.
"You should never do that again." Sermon nito at Ito na mismo ang nagdala sakin sa restroom.
Sandali lang akong umihi dahil gustong gusto ko na talagang umuwi. Naroon sa labas naghintay si Isaiah.
"Tara" aya ko dito sabay hawak sa kamay nya ng makalabas ako ng cr.
Ngunit hindi pa man kami nakakalayo sa cr ay, may malakas na pagsabog ang nangyari sa kung saan
Napatili ako at kaagad naman akong niyakap ni Isaiah para protektahan sa mga pwedeng tumalsik na mga bagay. Hunigpit ang hawak ko sa damit ni Isaiah para maibsan ang takot na nadadamay ko.
Kasabay din nito ang pagtunog ng mga alarm ng mga sasakyan sa parking lot at pagsigaw ng ibang naroon sa lugar.
Kaagad na dumating ang security ng hospital para tingnan kung ano ang sumabog.
Medyo huminahon narin ako ng hindi na nasundan pa ang pagsabog na iyon.
Kinuha rin ni Isaiah ang cellphone nya para siguro tawagan si Navy. Ginawa nya iyon habang nakayakap sakin.
"Navy, don't bother going down here. I want you to check every cctvs near the parking lot. And send some securities here for Summer" Sunod-sunod na utos nito sa kausap.
Unti-unti akong humarap sa direksyon ng pagsabog, at pinakawalan ang pagkakahawak sa damit ni Isaiah. at sinilaban ng kaba ng may matanaw akong isang pamilyar na bagay na sa tingin ko'y galing sa sumabog na sasakyan.
Dali Dali akong tumakbo patungo dito at labis na nanlumo ng makumpirmang Ito nga ang plate number ng sasakyan namin.
Kaagad akong nakisiksik sa mga nagkukumpulang tao para makita ang nangyari sa sasakyan namin. Hindi pinansin ang mga tawag sakin ni Isaiah.
BINABASA MO ANG
Hiding The Billionaire's Daughter
RomanceI'm Hiding the Billionaire's Daughter ~~~~ HIGHEST RANKINGS #1 in Morris #1 in Running #11 in Hiding #5 in Hidden #9 in Short story #9 in Wattpad