Kabanata Dalawampu't-Anim

16 0 0
                                    


Nagising ako kinabukasan dahil sa sobrang sakit ng aking ulo ko.

Napaigik ako sa sobrang kirot nito. Hindi ko malaman kung ano ang uunahin dahil nakaramdam din ako ng pagduduwal.  Napahawak ako sa aking bibig at biglang tumakbo papuntang banyo dahil naramdaman kona ang pag-ikot ng sikmura ko.

Naiyak ako dahil sa halo-halong emosyon kong nararamdaman.

"Anak , gising kana ba? " rinig kong boses ni manang sa labas ng aking silid. Hindi pa man ako nakakasagot ay nabuksan na nya ang aking kwarto.

Magsasalita na sana muli ako ng maramdaman ko nanamang umikot ang aking sikmura at naduwal ngunit wala namang lumabalas saakin. Napapikit ako ng mariin at napakapit sa inidora ng bigla kong naramdaman ang matinding pagkakahilo. 

"Hija! anong nangyayare sayo? " rinig kong sigaw ni manang na may pag-aalalang tono. 

Agad niya akong dinaluhan sa banyo at hinilamusan ng tubig.

Ngunit bago pa man kami makalabas ng banyo ay naramdaman ko ng umikot ang aking paningin kasabay nang pagkawala ng aking malay.

Nagising na lamang ako dahil sa ingay na narinig ko sa paligid.  Unti-unti kung minulat ang aking mata at natagpuan ko ang isang pares na mga matang nakatitig saakin habang ang pag-aalala sa kanyang mukha ay nakapaskil .

" Georgie Anne Ferrer! " galit niyang sambit sa aking pangalan ngunit ang kanyang mga mata ay may mga naka-abang na luha. 

"Julia" nanghihina kong sambit sa babaeng umiiyak sa aking tabi. 

"Bakit hindi mo sinabi sakin na may sakit ka?" nanghihina niyang tanong saakin habang patuloy ang luha niyang dumadaloy sa kanyang pisngi. 

Napaiwas ako ng tingin sakanya at napatingin kay manang na nakatayo sa hindi kalayuan ng kama.

"Hija, hindi ko gustong malaman ni Julia ang iyong kalagayan ngunit siya lang ang aking makakatulong noong hinimatay ka dahil nandoon lamang siya sa sala kanina nung pinuntahan kita sa iyong kwarto. " may pag-aalala niyang sambit.

Tumango lamang ako at ibinalik kay Julia ang aking mga paningin. 

"Maiwan kona muna kayong dalawa dyan hija,  upang makapag-usap kayo." sambit ni manang saakin kaya binalingan ko siya ng aking tingin at nagpasalamat. 

" Sorry." mahina kong usal sa maikling pananahimik .

" Hindi ko sinabi kase alam kong mag-aalala ka lang ng sobra. " sambit ko habang ang mga luha ay naka-antabay na sa gilid ng aking mga mata.

"Syempre mag-aalala ako! Mag-aalala kami! Kung hindi pa ko pumunta sa unit mo ng ganon kaaga hindi ko pa malalaman! At hindi mo pa sasabihin talaga samin. Talaga ba Georgie?  Hanggang kelan mo ililihim samin to?  Hanggang kelan mo balak huwag ipaalam saamin itong karamdaman mo! " gigil niyang sigaw saakin habang ang kanyang luha ay hindi mapatid.  Marahas niyang pinunasan ang kanyang luha saka huminga ng malalim marahil ay pinapakalma ang sarili saka muli akong tinapunan ng masamang tingin. 

Napasinghap ako at tuluyang ng nagsilaglagan ang kanina ko pang luhang pinipigilan.

" I'm sorry. I'm sorry. " yun lamang ang lumabas sa aking bibig habang patuloy na umiiyak.

" Ssssh.  Hush now.  Im sorry,  nag-aalala lang ako ng sobra.  Im sorry Georgie. Im sorry. " sambit ni Julia saakin habang niyayakap ako ng mahigpit.  Ginantihan ko rin ang kanyang yakap at nanatili sa kanyang dibdib at hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa ganoong ayos. 

Nagising ulit ako dahil sa bulungan na aking naririnig.  Hindi ako dumilat upang marinig ang kanilang pinag-uusapan.

"Manang kelan nyo pa po alam na may sakit siya?" tanong ni Julia sa mahinang boses upang hindi siguro ako magising.

" Kailan lang hija noong naabutan ko siya sa kanyang silid na walang malay,"  mahinahong sagot ni manang sakanya.

" Matagal na siyang may sakit,  at yon ang isang dahilan kaya siya umalis ng bansa.  Hindi lamang dahil nag-hiwalay sila ni Jared. Walang nakakaalam na may sakit siya kung hindi siya. Ipinaliwanag niya sa akin ang lahat nung nalaman ko ang kanyang kondisyon. Walang alam kahit ang sarili niyang magulang. Kaya hinihiling ko sa iyo hija na sana huwag mo muna ipagsabi ito at hayaan mo siyang siya ang magsabi sa iba ninyong kaibigan at sa kanyang magulang. " sambit ni manang na may pag-aalala sa boses. 

" Opo manang naiintindihan kopo. " mahinahong tugon ni Julia saka pinunasan ang kanyang mukha.

" Oh gising kana pala hija." rinig kong usal ni manang.

Ngitian ko na lamang siya at umupo sa aking kinahihigaan.

"Maayos naba ang iyong pakiramdam? Nagugutom kaba? Nauuhaw? Kumain kana muna upang magbalik ang lakas mo. " tuloy - tuloy niyang sambit saakin na kinatawa ko. 

"Manang , Easy ka lang po.  Maayos napo ang pakiramdam ko. Huwag na po kayong mag-alala." nginitian ko siya ng matamis upang huwag na siyang mag-alala. 

"Haynako,  ikaw kaseng bata ka.  Hindi ba't bilin ko sayo na huwag kang masyadong magpagod?  Over-fatigue ka daw ani ni Dra.  Jimenez.  Ikaw talagang bata ka napakatigas ng bungo mo!" naiinis niyang ani saakin ngunit ang pag-aalala ay kailanman ay hindi nawala. 

"Sorry napo manang,  promise po hindi nako magpapakapagod.  " ngiti ko sakanya habang hinahatak siya upang yakapin.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 04, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Always and Forever Where stories live. Discover now