Kabanata Labing-Siyam

9 1 0
                                    


" Happy Birthday Eris  " tumindig ang mga balahibo ko sa batok nang marinig ko ang malamig na boses ni Jared na nasa likuran na pala ng aking kinauupuan. Bigla na lamang ako napaupo ng tuwid dahil sa kaba at napainom muli sa aking inumin.

'Uy Jared maraming salamat matamis na sambit ni Eris habang hinahalikan siya ni Jared sa kanyang pisngi. Ginantihan naman nya ito ng isang yakap. Anyway , hello sambit ni Eris habang nakabaling na ang atensyon sa kasamang babae ni Jared.

'This is Alexandra Smith sabat ni Jared.'

"Happy Birthday Eris , Alex said smilingly . Im Jared's girlfriend pagpapakilala nya sabay beso kay Eris. Napayuko na lamang ako sa aking narinig mula sakanya at nilaro ang labi ko hindi inalintana ang kirot na namuo sa aking kaloob-looban.

Oh , So it's you sabay tawa ni Eris na para bang nang-aasar kaya napatingin ako sakanya , nakita ko rin na pinahapyawan nya ako ng tingin kaya inirapan ko na lamang siya. Naramdaman ko namang napatingin saakin si Alex kaya ngitian ko na lamang sya.

'Lika sayaw tayo! Sigaw ni Julia sa aking tenga habang hinihila ako patayo. Dahil sa lakas nang musikang pumapalibot sa kabuuan nang bistro , kailangan mo talagang sumigaw para marinig ka ng kausap mo. Wala na kong nagawa ng tuluyang hinila ako ni Julia pero bago pa yon ay nakita kopang nakahilig si Alex sa braso ni Jared . May namuong bukol sa aking lalamunan na para bang ang hirap lunukin iyon nang biglang nagtama ang paningin namin ni Jared ay nagulat ako dahil nakatitig sya saakin na para bang ang rami nyang gustong isatinig. Ang mga mata niyang mapupungay na wari ba'y pagod na sa hindi ko malamang dahilan. Kung pagod ba dahil sa party na ito o pagod ba sa ibang bagay na pilit nyang kinaya sa mahabang panahon. Iniwas ko na lamang ang aking paningin sakanya at nagpahila na ng tuluyan kay Julia at nakihalubilo na sa aming mga kaibigang nagkakasiyahan sa indayog ng masayang tugtugin.

Habang nagkakasiyahan kami ni Julia sa isang sayaw ay bigla na lamang itong nawala kaya ipinagoatuloy ko na lamang ang aking pagsasayaw. Itinataas ko ang aking mga kamay hinahaplos ang aking katawan kasabay nang pag giling nang aking mga balakang nang may maramdaman akong lalaking nasa likod ko na sinasabayan na rin ang aking pagsayaw. Bigla akong napahinto at nilingon ang lalaking nasa aking likuran nagulat ako at biglang napaatras ng bahagya .

"Jared" namamaos kong sambit.

Hindi na siya ngayon sumasayaw bagkus ay katulad ko na rin siyang nakatayo lamang doon at nakatitig sa aking mga mata. Bigla na lamang ako natulak ng mga taong nagsasayaw sa aking likuran kaya bahagya akong muntik ng madapa ngunit agaran ang paghila saakin ni Jared kasabay non ang pagpapalit ng tugtugin na slow dance , bibitiw na sana ako sa kapit ko kay Jared nang bigla nyang hinapit ang aking katawan at inilagay nya ang aking mga kamay sa kanyang leeg at ang kanyang mga kaway ay bihasa nyang ipinuwesto sa likod ng aking bewang. Ang aming mga noo ay kanyang pinaglapat kasabay nang unti-unting pagsasayaw naming dalawa.

Amoy na amoy ko ang alak sa kanyang hininga dahil sa lapit naming dalawa , hindi ko sya matingnan sa kanyang mga mata kaya iniwas ko ang tingin ko sakanya . "I miss you" bulong niya saakin , naramdaman ko ang pagbabara ng aking lalamunan at ang pagkabasa ng gilid ng aking mata kaya pumikit ako ng mariin upang pigilan ang pagbabadya ng luha sa aking mga mata , kasabay ng pagdilat ko ay ang pagtatama ng mga mata namin ni Alex.
" A-Alex. Nauutal kong sambit habang kinakalas ko ang aking mga kamay na nakahulugpong sa katawan ni Jared.

Kitang kita ko sa mga mata niya ang sakit at panghihinayang habang nakatingin sya sa aming dalawa ni Jared. Bigla siyang tumalikod at agad-agad na lumisan sa kanyang kinatatayuan nakita ko rin ang agaran nyang pagpahid sa kanyang luha. Napatulala na lamang ako ng nakita ko ang likod ni Jared na hinahabol  si Alex. Hindi kona napigilan ang aking sarili at  tuluyan nang nagsilaglagan ang mga luhang kanina kopa pinipigilan. Ang sakit palang makita na yung taong mahal mo ay may hinahabol nang iba at mas masakit din na isipin na may taong nasasaktan nang dahil sayo.  Dali-dali akong lumabas upang makauwi na ng biglang nagring ang phone ko .

Lee's calling . . .

I answer the call , " L-Lee " my voice broke na kahit anong pigil ko ay kusa itong nabasag.

'Hey , what happened? Where are you? May pag-aalalang sambit nya.

Naiyak ako lalo ng marinig ko ang kanyang boses. Im here sa Bistro sabi ko habang humihikbi pa.

'Alright , i'll fetch you okay? Malapit lang naman ako sa area madadaanan kita . Just wait for me Georgina. Sagot niya habang narinig ko ang pag andar ng kanyang sasakyan. I only nodded at him kahit na alam kong hindi nya naman ako nakikita at tuluyan ko ng pinatay ang tawag. Napaupo nalang ako sa gutter sa gilid ko at inakap ang aking mga tuhod habang nakasubsob ang mukha ko rito na patuloy sa pagluha .

Georgina! Sigaw ni Lee makalipas ang ilang minuto , 'Are you okay huh? Tanong nya habang pinapalis ang mga luhang nasa aking pisngi .

Ang s-sakit palang makita siyang may hinahabol na iba Lee , naiiyak kong sagot sakanya . Ang s-sakit sakit d-dito Lee , sabay turo ko sa aking dibdib
kung saan direkta sa aking puso. 

Ang s-sakit sakit na makita ko siyang may h-hinahabol na iba at hindi ako.  Alam ko naman sa sarili ko na dapat hindi ako masaktan na ganito dahil ako naman ang dahilan kung bakit may iba na siya ngayon e.

  Akala ko kase , akala ko kaya ko na , Akala ko kakayanin ko na  kapag isang araw kapag nagkita kami uli na may iba na sya ay tatanggapin ko kase alam kong nasaktan ko sya ng sobra sobra.

A-Akala ko kaya ko na L-Lee . H-hindi ko pa pala kayang makita siya na may iba Lee.  Napahagulgol na ako ng tuluyan sa sakit na aking nararamdaman. Naramdaman ko na lamang ang mahigpit na yakap ni Lee saakin at hinalikan niya ang noo ko. Diko namalayan na nakatulog na pala ako sa kanyang balikat dahil sa matinding pag-iyak at pagod.

Always and Forever Where stories live. Discover now