Kabanata Dalawampu't-Lima

7 0 0
                                    


" Hija "  i heared manang voice outside the door and followed by a knocked before my doors opened. 

"Nasa baba na si Lee anak," sambit ni Manang Lou habang tinitingnan ang aking kabuuan.

I smiled at her and turn around para mas lalo nya makita ang suot ko. 

"Manang-mana ka talaga sa Mommy mo , kahit ano ang isuot ay bagay."  Naiiling niyang komento habang pinagmamasdan ako.

"Yun lang po yata ang namana ko kay mommy eh,  ang pagiging kikay nya." Natatawa kong turan habang naglalagay ng lipstick na pula sa aking labi.

"Pati ang iyong ugali hija,  ganyang-ganyan din ang mommy nung dalaga pa siya." Nakangiting pagbabaliktanaw nya sa nakaraan.

I only smiled at her and bring back the lipstick in my bag.

"Manang,  kumain napo kayo ha?  At huwag nyo napo ako intayin makauwi baka gabihin din po ako.  Nagtext po sakin si Julia nakikipagkita sa bistro didiretso napo kami ni Lee doon pagkatapos po namin magdinner. Huwag ka po masyadong magpapagod,  ako napo ang bahala sa ibang kalat ko bukas." Bilin ko sakanya habang pababa kami ng aking kwarto. 

"Oh siya sige na,  andami mo pang bilin bata ka eh ikaw nga tong kagagaling lang sa hospital mahina niyang bulong ngunit rinig ko naman. "

Nakita kona si Lee na prenteng nakaupo sa sofa habang umiinom ng juice. 

" Lee! " tawag ko sakanya dahilan ng pagbaling nya saakin.  Ngumisi lamang ang hudyo at nanunuya akong pinagmasdan. Umirap na lamang ako sakanya dahilan ng paghalakhak niya.

"Hey beautiful" umalingasaw ang malamig niyang boses pagkatapos niyang sabihin iyon. Saka ako kinindatan at nilapitan upang bigyan ng halik sa aking pisngi. 

" Shall we go? " tanong niya saakin kaya agad ako tumango ngunit ng mabaling ang tingin ko kay manang upang magpaalam ay nakita ko ang mapanuri niyang mata na nakadirekta saaming dalawa ni Lee .

" Manang? " untag ko upang mabaling ang atensyon nya saakin.  Tinaasan niya ako ng kilay at inismiran. 

"Manang Lou,  una napo kami ng alaga nyo. " pagpapaalam ni Lee kay manang.

" Sige hijo,  mag-iingat kayo at huwag mong pababayaan ang alaga ko ha? " bilin ni manang na lalo namang ikinangisi ng hudyong nasa tabi ko.

" Yes naman manang , alam mo naman kung gano ko to kamahal e! " Napairap nalang ako sa kaabnormalan nitong lalaking to lalo na nung bigla niyang hinapit ang aking bewang at ngiting-ngiti kay manang .

" Yung kamay mo Lee ha,  susungangain kita dyan makita mo." gigil kong sambit sakanya na ikinatawa lamang nilang dalawa. 

Pagdating namin sa restaurant ni Lee ay may sumalubong agad saamin na isang waiter.

" Any reservation Sir? " tanong ng waiter na kung titingnan mo ay parang isang freelance model dahil sa kanyang mukha at pangangatawan.

" Liam Kennedy Tan " sagot ni Lee sa waiter habang ang paningin ay iniikot sa paligid. 

"This way sir and ma'am " nakangiting tugon ng naturang waiter kaya agad namin siyang sinundan.

" Thank you " mahina kong tugon ng malingunan ang waiter na naghatid sa amin . Nginitian lamang ako nito at kinausap na si Lee kung ano ang mga gustong orderan at kung ano-ano pa.

"So,  kumusta ka naman na? " tanong ni Lee saakin sa gitna ng aming pagkain. 

"Ayos naman,  medyo busy lang nitong nakaraan.  Ikaw kumusta?" balik tanong ko sakanya. 

Always and Forever Where stories live. Discover now