Kabanata Lima

16 3 0
                                    


Ely's Coffee Shop

Nauna akong dumating kay Julia sa coffee shop. Kahit kelan talaga yung babaeng yon napaka kupad.

Pumwesto ako sa malapit sa may bintana, ewan ko ba, favorite spot ko yon. Mas narerelax kase ko pag malapit sa bintana at sulok na part.

Nakaupo lang ako dito habang tinatanaw ang mga sasakyan sa labas ng maagaw ang atensyon ko ang mga taong nasa gilid ko.

Nagkakagulo. Maingay.

Sinilip ko at nakita kong may isang kumpol na mga lalaki na naglalakad sa harap ng mesa ko habang yung nasa gitnang lalaki ay nakapiring ang mga mata.

Papunta sila sa gilid ko na kung saan nandoon ang babaeng may hawak ng chocolate cake na may sparkling candles at may nakasampay sa bawat gilid na Happy Birthday Mahal with matching heart shape sa bandang dulo.

Nagsikantahan ang mga tao at sabay sabay sinabing Happy Birthday! Surpriseeeeeee.

(flashback 5 years ago)

Happy birthday to you,
Happy birthday to you.
Happy birthday, happy birthday, Happy birthday My Red.

Masaya kong bati kay Red habang may hawak na cake sa mga kamay .

He smiled at me and kiss me passionately , thank you baby.

Im surprised!

He said , while hugging me so tight with a big smile plaster in his face.

Besh! Besh! Huuuuuuuuuy!

Ay palaka ka! Gulat kong sabi kay Julia na nakasimangot na ngayon sa harapan ko.

Hindi ako palaka no! Bwiset ka . Kanina pa kita tinatawag tulala kana naman dyan jusq ka.

Sorry hehe, may naalala lang ako napapabuntong kong sabi.

Hulaan ko besh! Si Jared yan no? Sya lang naman naaalala mo kapag natutulala ka dyan e haynako move on na girl! Lahat nakamove on na, ikaw nalang hindi, kung susumahin e ikaw nga nagpalayas sa tao. Wag ka ngang ano dyan!

Napairap nalang ako sakanya.

Umorder kana nga inip kong sabi sakanya.

Yes maam! Sumaludo pa ang walanghiya.

Napailing nalang ako sa kaabnuyan ng bespren kong to.

Pero kahit lukaret tong bespren kong ito, mahal na mahal ko to. Dahil sya yung tumulong saakin sa panahong nalulugmok ako sa kalungkutan.

Noong mga panahong wala nakong masandalan kung hindi ang sarili ko at siya lang.

I smiled at my own thoughts remembering how painful my past is.

Always and Forever Where stories live. Discover now