FREEZELL SERIES #7
"SIRRRRRRRRR!" Hatak-hatak ako ni Jice habang hinahabol namin siya na ngayon ay naglalakad patungo sa faculty.
Lumingon siya saka matamis na ngumiti sa amin. "Yes?"
"Birthday po ni Lindzzy ngayon, Sir. Hindi mo po ba siya babatiin?" Tila gusto ko nalang hatakin si Jice dahil sa ginawa niya. Gusto kong mabaon sa lupa at gusto kong maglaho nalang sa paningin niya.
Sumilay ang mas nakakahalinang ngiti sa mga labi niya, ngunit alam kong sa likod ng ngiting iyon ay may nagkukubling ekspresyon.
"Happiest birthday, Ms. Lindzzy Sebastian," bati niya sa akin saka inilahad ang kanyang kanang kamay tanda na nais niya akong kamayan.
"GIRL! AYAN NA, BINATI KA NA NI SIR! JUSKO GETLAKIN MO NA ANG KAMAY!" Pamimilit sa akin ni Jice.
Nangingimi akong iniabot sa kanya ang kamay ko, at nang magtagpo ang mga kamay namin at mga mata, ay tila dumaloy ang bolta-boltaheng kuryente sa katawan ko na animo isa itong poste ng kable ng kuryente.
"T--Thank you po, Sir." Wika ko saka mabilis na hinatak ang kamay kong mahigpit niyang hawak.
"You will always be welcome, Ms. Sebastian," sagot niya sa akin at lumitaw pa ang maliit niyang dimples sa magkabilang pisngi dahil sa pag-ngiti niya.
"Jice, tara na!" At mabilis kong hinatak si Jice palayo sa mga mata niyang namataan kong animo nagbabaga sa kakaibang emosyon.
*****
"BAKIT ngayon ka lang?" Halos manginig ang tuhod ko sa napakalamig na tinig na iyon na bumungad sa akin pagpasok ko ng pintuan ng bahay na tinutuluyan ko.
"G--Ginawa namin 'yong chapter two ng thesis sa bahay ni Jice," garalgal ang tinig na sagot ko sa kanya.
"Wala akong pakialam kung anong ginawa mo. Ang gusto ko, umuwi ka sa oras na ibinilin ko!" Sigaw niya saka mabilis na tumayo sa sofa at nagsimulang maglakad palapit sa akin.
Parang nanginginig ang katawan ko sa unti-unti niyang paghakbang papalapit. Parang gusto ko na lamang maging tuod. Parang ninanais ko na lamang na maging manhid upang hindi na siya magkaroon ng epekto sa katawan ko.
"Sir---"
"How many times do I have to fucking tell you never call me Sir when we are in this house?" Ramdam ko ang tigas at lamig ng bawat salitang binitiwan niya sa akin.
"H--Hindi na mauulit," nanginginig na tugon ko dahil tuluyan na siyang nakalapit sa akin at ako naman ay napasandal na sa nakasaradong pinto.
"Forgiveness is for the weak. You've been such a naughty woman lately. Let me punish you the way I want to, Lindzzy."
"P--Please."
Nauubusan na ako ng salitang maaari kong sabihin. Hindi ko na rin alam kung ano ba ang ipinagmamakaawa ko sa kanya.
"Please what? Being naughty and mischievous should never be in your vocabulary. You were born to please me, Lindzzy. Now, obey me."
Mabilis niya akong hinapit saka ako sinagibsib ng mapusok at mapaghanap na halik. This is him. This is his other side. Hindi alam ng iba ang totoong siya. Hindi alam ng iba kung anong kaya niyang gawin..... at kahit kailan ay hindi nila malalaman.
I'm Lindzzy Dew--- Sebastian and he's......
...
...
...
...
...
...
...
THE SECRETIVE PROFESSOR.
--
BINABASA MO ANG
The Secretive Professor (Freezell #7) [Completed]
General FictionWarning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Lindzzy Sebastian, mabait, ulirang anak sa mga magulang niya, mapagmahal na kaibigan, hindi marunong lumaban at higit sa lahat inosente sa mga bagay-bagay. Maayos na sana ang buhay ni Lindzzy kahit pa nagh...