LINDZZY
Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa narinig kong sinabi niya. Tila ba ako binagsakan ng kung ano mang mabigat na bagay na nagpahinto sa akin sa paghinga.
I've seen Francia, his former buddy pero hindi ako apektado dahil nakita kong pamilyado na ang taong iyon, hindi gaya nitong si Elle. She's young.... maybe even younger than me at natatakot ako sa maaari niyang idulot sa kung ano man ang mayroon kami ni Aeidan.
"A--Anong ibig mong sabihin sa sinabi mo?" Utal na tanong ko dito. Muli ay ngumiti lamang ito sa akin ng mapait.
"Huwag kang pakakasiguro kay Aeidan, Lindzzy. He showed me more than what he showed you. He gave me more than what he gave you, but still choses to leave when things got tough. He's lesser than evil but greater than vile," wika niya sa akin sa malungkot na tono na may malalim na pakahulugan.
"A--Are you going to take him back?" Hindi ko alam kung bakit iyon ang mga salitang namutawi sa mga labi ko.
"I do..... and if he wants me to," walang alinlangan na tugon niya sa akin. Kakaibang kaba at kakaibang pakiramdam ang dulot sa akin nang pagsagot niyang iyon.
Napayuko ako dahil hindi ko mapigilan ang mga luha kong nagbabadyang pumatak. Nasasaktan ako na hindi ako ang nauna sa buhay ng taong mahal ko. Nasasaktan ako kung bakit hindi ako ang una... o ang pangalawa, o ang pangatlo.
"P--Pero kasal kami," hirap na wika ko dahil tila may nakabara sa lalamunan ko. "Sa akin si Aeidan, Elle. N--Naniniwala ako, na ako ang pipiliin niya dahil ako ang pinili niyang pakasalan," hindi ko alam kung pinaniniwala ko na lamang ba ang sarili ko sa mga binitiwan kong salita.
"Sinabi ko na kanina, pero sige, uulitin ko para sa'yo, Lindzzy. Huwag kang magpapakasiguro kay Aeidan. He's not someone you can easily read, but it's up to you. I'm just telling you some clues for you not to stumble on the same mud where I stumbled," muli niyang turan.
Nai-angat ko ang tingin ko sa kanya na ngayon ay nakatingin sa kawalan. "D--Did you.... Did you had---"
"Of course I did," wika niya saka tumingin sa akin at ngumiti. "As I told you, I was the original masochist. He did to me, what he did--- or what he is doing to you. Sigurado ka bang gusto mong marinig ang mga bagay na ito sa akin?" Tanong niya sa akin.
"Honestly, nasasaktan ako. Kaso wala akong magawa kasi ikaw ang nauna, ikaw ang orihinal. I am just a mere substitute. Ano ba naman ang laban ko sa'yo?" Mababakas na rin ang pait sa tono ko.
"As what you've said, you are his wife. Ano pang ikinakatakot mo sa akin?" This time nakangisi na siya sa akin kaya't hindi ko malaman kung anong nais niyang iparating.
"Would that be enough para hindi ka na manggulo sa amin---"
"No," halos yanigin ako sa narinig kong iyon sa kanya. "I love Aeidan Lex Ricafort, at ngayon na ikaw mismo nagda-doubt sa sarili mo, mas magandang laban pa ang maibibigay ko. Have a good day, Lindzzy."

BINABASA MO ANG
The Secretive Professor (Freezell #7) [Completed]
General FictionWarning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Lindzzy Sebastian, mabait, ulirang anak sa mga magulang niya, mapagmahal na kaibigan, hindi marunong lumaban at higit sa lahat inosente sa mga bagay-bagay. Maayos na sana ang buhay ni Lindzzy kahit pa nagh...