AEIDAN
"Itigil mo 'yang kakainom mo," dinig kong bulyaw sa akin ni Darryl ngunit wala akong pakialam.
"Leave me alone," sagot ko sa kanya at muling lumagok ng alak na iniinom ko.
"Find your wife stupid motherfucker!" Bulyaw niya sa akin ngunit tinaliman ko lamang siya ng tingin.
"How can I fucking look for a person na ayaw magpahanap!? She even texted me not to look for her," angil ko sa kanya.
"You do really love her more than anything, right? Tang ina, tinamaan talaga ang gagong nagsabi na hindi raw marunong magmahal!" Kantyaw pa niya sa akin.
"Shut the fuck up. Lindzzy is my life. She taught me how to fucking love. She taught how to be insanely inlove. Hindi ko siya hahayaang mawala sa akin. She belongs to me, and not with anyone else. I'm just giving her the space she asked."
*****
"Francia, doon nalang sa dati nating kinakainan. Ayoko ng mga pinipili mong restaurant," bored na wika ko sa babaeng hindi ko matatawag na karelasyon ko dahil hindi ko naman siya mahal. Wala akong kakayahang magmahal. Lahat sa akin ay laro lamang. Ang pagmamahal sa akin ay isang malaking katarantaduhan. In a relationship, the dominant always wins.
"Sige Lex," sagot niya sa akin at mabilis na sumakay ng sasakyan. Iyan ang gusto ko kay Francia, hindi ko siya kailangan na baby-hin. Alam niya kung anong estado namin at alam niya kung saan siya lulugar.
Nang marating namin ang restaurant ay naupo kami sa bandang dulo kung saan tago sa tao.
"Good morning po Ma'am at Sir, ito po ang menu namin," wika ng waitress saka ko inabot ang ibinibigay niyang menu.
"Do you have this cheesy carbonara?" Tanong ni Francia sa waitress.
"Yes po Ma'am--- Lindzzy! Ikaw na muna dito, naiihi na talaga ako," napakunot ang noo ko sa waitress na iyon dahil narinig pa talaga ng customer na naiihi siya. So fucking disgusting.
Lumapit ang babaeng tinawag niya at ganoon na lamang ang biglang paghinto ng inog ng mundo ko nang masilayan ko ang mukha nito. Maaamo ang mukha dahil may mapupulang labi na halatang hindi pinahiran ng lipstick, mapupungay ang mga mata na animo kakaiyak, maliit at matangos na ilong, at perpektong hubog ng katawan na hakab na hakab sa suot nitong waitress' uniform.
"Yes madam? Ano po ang order ninyo?" Hindi lang pala mukha niya ang maamo, maging ang boses niya ay maamo rin.
"Cheesy carbonara ang akin miss, pati na rin wintermelon tea," sagot ni Francia sa kanya. Hindi ko magawang mai-alis ang mata ko sa kanya kahit pa tila wala naman siyang interes na tignan ako. "Anong sa iyo, Lex?"
![](https://img.wattpad.com/cover/238139842-288-k609083.jpg)
BINABASA MO ANG
The Secretive Professor (Freezell #7) [Completed]
General FictionWarning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Lindzzy Sebastian, mabait, ulirang anak sa mga magulang niya, mapagmahal na kaibigan, hindi marunong lumaban at higit sa lahat inosente sa mga bagay-bagay. Maayos na sana ang buhay ni Lindzzy kahit pa nagh...