LINDZZY
"B--Bakit? A--Ano bang mali sa'kin..... Aeidan?" Halos hindi lumalabas ang mga salitang iyon dahil tila may malaking tipak ng bato na nakabara sa lalamunan ko.
Tatakbo na sana ako paalis nang may humawak sa braso ko at nalingunan ko si Aeidan na may pagsisisi sa mga mata. "You won't let me explain, aren't you?" Wika niya sa akin.
"Wala akong ginawang masama sa'yo para iparanas mo sa'kin 'to, Aeidan." Masakit na bulong ko habang nakayuko. Hindi ko kayang tignan siya sa mga mata, dahil baka mas masakit na bagay pa ang makita ko roon.
"If you would let me explain, I will. But if you don't, just go. Breathe," sagot niya sa akin saka unti-unting binitawan ang braso kong hawak niya.
"A--Asawa mo 'ko, at tanggap kong hindi mo 'ko mahal," muling bulong ko. "P--Pero sana hindi mo makalimutan 'yong mga panahon na ipinaramdam mo sa akin na kahit paano, may halaga ako. Pasensya na Aeidan, ito lang ang kaya ko. . . ito lang ang ako na maibibigay ko," huling mga salita ko bago ako tumakbo at nilisan ang lugar na iyon.
Higit pa sa salitang durog ang nararamdaman ko. Higit pa sa salitang sakit ang nararanasan ko. Bakit sa akin pa nangyari ito? Higit sa kahit kanino, wala akong sinaktan na tao para iparanas sa akin ang ganitong sakit. Sana kung may pagkukulang ako sabihin nalang niya, sana ayusin nalang naming dalawa. Hindi 'yong ganito. Hindi 'yong sasaktan pa niya 'ko. I'm too far from being strong, emotional breakdown is my greatest weakness.
Nakarating ako sa likod na gate ng university kung saan madalas i-park ni Aeidan ang sasakyan niya. Parang personal parking space niya ito. Hindi ko alam sa mga paa ko bakit dito ako dinala. Sumandal ako sa likuran nang sasakyan saka doon ko pinakawalan lahat ng luha na mayroon ako.
"Ang sabi ko huminga ka, hindi ko sinabing umiyak ka," napa-angat ang mata ko at nakita ko si Aeidan na mataman lang na nakatingin sa akin.
"B--Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya saka ko sana papahiran ang mga luha ko nang lumapit siya sa akin at siya mismo ang nagpahid ng mga luha ko.
"I told you to obey me, Lindzzy. If I told you to breathe, then just breathe. Hindi ka makakapag-isip ng tama kung hindi ka hihinga," wika niya sa akin saka dumistansya ng kaunti.
Humakbang ako patalikod upang mas lumayo ang agwat naming dalawa. "Paano mong nagagawa na saktan ako at ngayon ay nasa harap kita para pagaanin ang loob ko?"
"Dahil mahal mo 'ko," sagot niya sa akin.
"Kaya gaya nang sinabi mo, inaabuso mo 'ko? Hindi ko naman pinili na mahalin ka para saktan mo 'ko. Kahit paano umaasa ako na may sukli ang ibinibigay ko, pero kakaiba ka palang magsukli, Aeidan. Pananakit pala ang kaya mong ibigay pabalik---"
"Akala ko pagpapaliwanagin mo na 'ko. I hate beating around the bush, Lindzzy. Kung hindi mo 'ko pagpapaliwanagin, aalis ako. Ayoko ng maraming ligoy," wika niya na ikinabahala ko.
BINABASA MO ANG
The Secretive Professor (Freezell #7) [Completed]
Aktuelle LiteraturWarning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Lindzzy Sebastian, mabait, ulirang anak sa mga magulang niya, mapagmahal na kaibigan, hindi marunong lumaban at higit sa lahat inosente sa mga bagay-bagay. Maayos na sana ang buhay ni Lindzzy kahit pa nagh...