Four

142K 3.9K 861
                                    

LINDZZY

     

"Hindi ko talaga alam kung tanga ka, tatanga-tanga, o ganda lang ang panlaban," pa-ismid na wika sa akin ni Ma'am Lapid dahil nalaglag ko ang mga handouts na pinadadala niya sa akin. Siya naman ang may dahilan kung bakit hindi ko ito nasalo dahil pahampas niya itong inabot sa akin.

        

"Pasenya na po kayo," nakayuko komg turan saka isa-isa kong pinulot ang mga ito.

       

"Puro ka pasensya, nakasanayan mo na laging sabihin 'yan. Hindi mo ba kayang tanggapin na tanga ka---"

     

"MA'AM SOBRA NA 'YAN!" Napatayo ako dahil sa biglaang pagsigaw na iyon ni Jice. Noon pa siya nagtitimpi kay Ma'am Lapid sa mga ginagawa nitong pang-iinsulto sa akin, at ngayon ay mukha hindi na niya napigilan.

          

"ABA SAAVEDRA! SINO KA PARA SIGAWAN AKO!?" Napatayo na si Ma'am Lapid mula sa office chair niya at dinuro si Jice.

       

"Jice, please huwag ka ng sumagot," bulong ko kay Jice at hinawakan ko siya.

       

"HUWAG SUMAGOT!? SUMOSOBRA NA 'TONG TEACHER NA 'TO! MAGKASING EDAD KASI KAYO AT MAS MAGANDA KA SA KANYA KAYA G NA G SA'YO!" Ipinagsigawan pa talaga niya iyon kaya't narinig din ng ibang teacher dito sa faculty.

       

Totoong kaedad ko si Ma'am Lapid, ngunit dahil isa siyang guro kaya't iginagalang ko siya.

     

"MATALAS TALAGA IYANG DILA MO SAAVEDRA! SISIGURADUHIN KONG BABAGSAK KAYO NG KAIBIGAN---"

        

"NARINIG N'YO PO 'YON MGA MA'AM AT SIR?" Saka pa tumingin si Jice sa mga teacher sa faculty at ako ay walang tigil sa kaka-awat sa kanya. "BALAK YATANG MAGIC-KIN NI MA'AM AMANDA LAPID ANG GRADES NAMIN NI LINDZZY AT SIGURADO NA SIYANG BABAGSAK KAMI!"

    

"Jice, please tumigil ka na," hirap na hirap na kontrol ko sa kanya. Natatakot akong maapektuhan nito ang pagtatapos namin kung sakali.

            

"MAGIGING GURO KAYONG NATURINGAN TAPOS GANYAN ANG MGA ASAL NINYO!" Saka kami muli nitong dinuro ngunit biglang kumawala si Jice sa akin at dinuro rin si Ma'am Lapid na ikinamulagat ko.

       

"IKAW NGA GURO KA PERO WALA KANG MODO! ASAL KALYE KA PA! TAMA BANG SABIHAN MO NANG GANOON ANG ESTUDYANTE MO!? HELLO MA'AM, SASABIHIN KO LAHAT SA DEAN ANG GINAWA AT GINAGAWA MO KAY LINDZZY!!" Damang dama ko ang gigil ni Jice kaya't hinatak ko siya palabas ng faculty.

     

"Tama na!" Sigaw ko sa kanya nang tuluyan na kaming makalabas at makalayo. Nagpupuyos pa kasi siyang sugurin si Ma'am Lapid.

      

"Kung ikaw bru, papayag ka na lagi ka nalang ginaganon ng demonyita na 'yon, pwes ako hindi. Masyado ka ng maraming sakit na pinagdaraanan para dagdagan pa niya! Great escape mo na nga sana 'tong eskwelahan mula sa problema tapos eepal siya!" Nanginginig sa galit si Jice kaya't hinatak ko siya at niyakap. Hinaplos ko rin ang buhok niya. Naramdaman ko na yumakap din siya sa akin.

      

"Habang tumatanda kasi tayo, napagtatanto natin na hindi lahat ng laban ay dapat suungan, hindi lahat ng pagtatalo ay dapat mong ipanalo. Minsan mas nakakahigit na nakakaluwag ng kalooban ang pagpaparaya," wika ko sa kanya na tila ikinakalma niya. "May magiging balik din sa kanya ang mga ginawa niya sa akin."

The Secretive Professor (Freezell #7) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon