Twenty-four

94.7K 2.5K 299
                                    

LINDZZY

     

"Kumain ka na," saka niya ako inaabutan ng tray ng pagkain.

       

"Ayoko," saka ko tinapos ang tray mula sa kamay niya na naging sanhi ng pagkahulog ng mga pagkain.

      

"Lindzzy naman!" Angil niya sa akin at bumalatay ang awa sa mga mata niya. "Kailangang mong kumain!"

        

"Hinding hindi ko kakainin ang pagkain na galing sa isang traydor na gaya mo, Jice! Pinagkatiwalaan kita sa apat na taon! Ibinigay ko ang buong tiwala ko sa'yo! Kapatid at pamilya na ang turing ko sa'yo! Halos alam mo lahat ng nangyayari sa akin! Alam mo kung gaanong sakit ang inabot ko sa buhay ko na 'to para ganituhin mo pa 'ko!" Umiiyak na turan ko sa kanya.

         

Yumuko siya. "Hindi ako traydor. Hindi kita kailan man tatraydorin pero kailangan kong gawin lahat ng ginagawa ko para makabawi kami. Hindi matatahimik ang kalooban ko kung hindi kami makakabawi," halos pabulong na lamang niyang wika.

         

"Kung hindi ka traydor, ibalik mo 'ko kay Aeidan. Ibalik mo 'ko sa kanya!" Pagpapatuloy ko.

      

"Lindzzy hindi ganoon kadali ang hinihiling mo. Hindi mo naiintindihan ang sitwasyon na mayroon ka," sagot niya sa akin saka nagtaas ng tingin sa akin. "Hindi mo alam ang kakayahan mo na sirain ang lahat," dagdag pa niya na lalong nagpagulo sa isip ko.

     

"A--Anong ibig mong sabihin!?"

       

"Kumain ka na. Mag-usap na lamang tayo ulit kapag maipapaliwag ko na sa'yo ang lahat nang hindi mo ako hinuhusgahan. Sa ngayon kailangan mo lang na mag-stay dito. Mas ligtas ka dito na abot ng tingin ko," sagot niya sa akin saka nagsimulang humakbang patungo sa pinto.

       

"Jice, please," pagmamakaawa ko sa kanya, ngunit hindi na niya ako nilingon pa.

          

Narinig kong inilock niya ang pinto mula sa labas kaya't tila ako nawalan ng pag-asa na makakaalis pa sa lugar na ito.

       

Mabilis akong tumungo sa banyo at ganoon na lamang ang pagkadismaya ko nang makita kong nilagyan na nila ng bakal na harang ang bintana na siguradong hindi ko na masisira o malulusotan.

      

Pabalik na ako sa kama ko nang may maapakan ako na tumusok pa sa paa ko. Pagyuko ko ay tila nagliwanag ang mundo ko nang makita kong susi ito. Marahil ay nalaglag ni Jice nang tapusin ko ang pagkain.

        

Agad ko itong dinampot at sinubukang isusi sa seradura ng pinto at ganoon na lamang galak ko nang bumukas ito.

         

Maagap akong nakalabas at nagtago-tago sa mga haligi na nararaanan ko. Nanginginig ako sa takot ngunit hindi ko mawari kung bakit tila bumubulong ang utak ko na mali ang ginagawa ko.

          

Halos mapadasal ako nang makita ko ang gate ng kinaroroonan ko. Nakikita ko ang patag na daan. Mali lang pala ang dinaanan kong talahiban kanina. Marahil ay likurang bahagi iyon.

The Secretive Professor (Freezell #7) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon