Sixteen

112K 3.8K 1.1K
                                    

LINDZZY

       

"Malamang 'tong bruha na 'to nakarating nang langit kaya ganito at tulala," naririnig ko ang sinasabi ni Jice pero mas nangingibabaw sa akin ang mga katagang binitawan niya.

     

Noong unang beses kong marinig na sinabihan niya ako ng mahal niya 'ko ay halos hindi ko mapaniwalaan, ngunit kagabi ay kitang kita ko sa mga mata niya na puno ng sinseridad ang pagkakasabi niya no'n sa'kin.

      

"Parang ang sarap ng jugjugan n'yo bru, hanggang ngayon sinasariwa mo. Pajugjug ka ulit, baka bumalik na 'yang kaluluwa mo," napalingon ako sa kanya saka ko siya kinurot sa pisngi.

        

"Bibig mo nanaman!"

         

"Aray---! Pano kasi naman Lindzzy, high na high ka pa. Gaano ba kasarap ang romansa ni Sir Aeidan at parang nasa ikapito ka pa ring kalangitan?" Kinakabahan talaga ako sa paraan ng pagsasalita niya.

       

"Isa! 'Yang bibig mo sabi ko," banta ko sa kanya ngunit nginisian lamang niya ako bigla.

         

"Siguro hindi lang SOH CAH TOA ang ginawa n'yo?" Saka pa niya tinaas baba ang kilay niya sa akin. "Baka nag-karpintero kayo sa pinuntahan n'yo," saka pa siya humalakhak na ikinakunot ng noo ko.

       

"Anong nag-karpintero? Sa dagat kami---" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil bigla lamang niyang pinitik ang noo ko.

      

"Shutaenang utak mo talaga. Nakakagigil madalas! Ibig kong sabihin doon kayo lumagari at nagpukpukan! Naiinis na akong kausap ka, Lindzzy! 'Yong mga joke at pang-aasar ko nauuwi sa explanation!" Saka niya ako inismiran.

         

Napanguso ako at hinawakan siya sa braso. "Paano kasi hindi mo nalang ako deretsohin na pukpukan at lagari, hindi ko naman magegets talaga kung karpintero pa ang gagamitin mo," pang-aalo ko sa kanya.

      

"Oo nga pala. Si Sir Aeidan pala ang una at huli mo. Sabihin ko nga kay Sir na i-full performance ka naman tsaka yugyugin ng baliktaran para naman boom blaaag shwing tiwtiw booogshhh blaaaam ang labasan mo," at nagpadyak-padyak pa siya at suntok sa ere na animo talaga gusto niya yatang alugin ang buong pagkatao ko.

      

Naku Jice, kung alam mo lang. Mas higit pa si Aeidan sa mga ini-imagine mong 'yan.

      

"Ginawa mo namang gera---"

     

"Gera naman talaga, bru. Isipin mo ba naman may putukan tapos bumabaha pa ng semilya--- este bala," haaaay jusko. Mabuti na lamang at nasa lower ground facility kami dahil kung nagkataon natakpan ko nanaman ang bibig niyang hindi marunong pumreno.

   

"Kinakabahan na 'ko madalas sa'yo. Saan mo ba galing 'yang mga sinasabi mo?" Iiling-iling na wika ko.

      

"Wala. Inagination ko ang limit," saka niya nanaman ako nginisihan. "Kaya kahit hindi mo 'ko sagutin kung gaano kalaki, kasarap at kagaling si Sir, keri lang. Malakas imagination ko," tatawa-tawa niyang wika sa akin.

The Secretive Professor (Freezell #7) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon