Thirteen

119K 4.2K 928
                                    

LINDZZY

     

"OH MY GOD, BRU!"

    

Ramdam ko rin ang pagsinghap ng mga kaklase ko sa narinig nila sa bibig mismo ni Aeidan.

     

"AEIDAN!" Napatayo ako at hindi ko napigilan ang sarili ko na tawagin siya sa pangalan niya. Natagpuan ko siyang malawak ang pagkakangiti sa akin na animo wala lang sa kanya ang sitwasyon.

      

"I told you my wife, I am not hiding you. I will never do that. I just don't want others invading our privacy, but it seems na hindi ko na maitatago dahil mukhang gusto nang ipaalam ni Ms. Landingin sa buong eskwelahan," wika niya sa akin saka naglakad palapit sa akin at kinuha ang kanang kamay ko. Pinagsalikop niya ang mga palad namin at tinignan ako.

     

"A--Anong ginagawa mo?"

     

"She's my wife class. Mag-iisang taon na rin kaming kasal. We got married even before I was transferred here in your university, kaya't walang mali o masama roon. I even asked for the consent of the owner of this university kaya't wala kayong kailangan ipag-alala o itsismis about Lindzzy and me. We're legally married," wika niya sa mga kaklase ko.

    

Ang iba ay dismayado, ang iba naman ay tila nakikikilig, at ang iba naman ay hanggang ngayon gulat na gulat pa.

       

Iniupo niya ako saka naglakad na pabalik sa platform. "Now let's go back to what we are discussing---"

     

"Let us breathe naman, Sir Aeidan! Sinabugan mo po kaya kami ng bomba!" Sabat ni Jice. Gusto ko siyang kurutin dahil talagang akala mo ba ngayon niya lang nalaman.

    

"Oo nga naman, Sir! Tsaka ano po bang nagustuhan mo kay Lindzzy para pakasalan mo siya agad-agad?" Gatong naman ng isa kong kaklaseng babae na isa sa mga nagpapantasya kay Aeidan.

    

"Does it have something to do with our lesson?" Sagot ni Aeidan.

     

"Sige na kasi Sir!"

     

"I like the way she is. End of story," tila pati ako ay nadismaya sa sinabi niyang iyon dahil may parte ng puso ko ang gustong marinig mula sa kanya kung bakit nga ba ako.... bakit ako ang pinili niya?

       

Magsasalita pa sana si Jice na nasa tabi ko dahil nakita ko siyang bumwelo nang bigla na lamang nagring ang bell hudyat na next class na, pero dahil vacant namin, bahala na kami kung saan kami tutungo.

      

"Okay, that's it for now. See you next meeting," wika ni Aeidan saka na tumungo sa pinto. Sinusundan ko lamang siya ng tingin nang bigla siyang huminto. "Lindzzy, I don't have my class. Come in my office, sabay na tayong maglunch," nakangiting wika niya bago tuluyan nang umalis.

      

"ANG HAROT N'YONG MAG-ASAWA!" Sigaw ni Jice sa akin. "MAG-ISA NA MUNA AKONG KAKAIN NGAYON. GOODBYE!" Hindi ko alam kung pagalit ba ang pagkakasabi niya no'n, ngunit nahagip ko pa siyang ngumiti bago tuluyang naka-alis, e.

       

"Congrats Lindzzy!"

     

"Congrats Sebastian!"

The Secretive Professor (Freezell #7) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon