Chapter 2

470 23 0
                                    

"SCHOOL OF MYSTERY: THE POWER OF NINE"

CHAPTER 2:

-STEPHANIE POV-

Natapos ang uwian na wala man lang nagtuturo samin na teacher.

Kung hindi lang talaga sa totoong pakay ko sa school na 'to ay matagal na akong lumipat ng ibang school. Yun nga lang, gusto ko talaga tuklasin ang hiwaga ng paaralan na 'to maging ang kakaibang kapangyarihan ng mga estudyante at guro tulad ng sinasabi ng iba.

Pero parang wala naman kakaiba sa mga guro at estudyante bukod sa parang tamad sila magturo samin at sa mga estudyante naman, parang normal lang naman. May mataray at mabait saka mayabang narin, tulad ng Kieson na yun.

<Dorm: 16>

Pag pasok ko sa dorm ko ay agad akong nag ayos ng mga gamit ko. Dalawa ang double-deck sa iisang kwarto ibig sabihin may tatlo pa akong kasama dito. Pero nakakapag taka na wala naman ibang gamit maliban sa mga gamit ko. Siguro ay ako palang ang unang magdo-dorm dito.

Hanggang sa may marinig ako na katok mula sa pintuan at kaagad ko yun binuksan.

Agad na bumungad sakin si Erika.

"Tuloy ka." agad kong sambit at kaagad din naman pumasok si Erika.

"Pasensya na ha, nag aayos kasi ako ng mga gamit ko." nakangiting pagkakasabi ko.

"Gusto mo ba ng Juice?" tanong ko kay Erika.

Pero umiling lang siya.

"Ano nga palang ginagawa mo dito?" malumanay na tanong ko.

"May gusto lang ako malaman, at kung pwede sana sagutin mo ng maayos at totoo ang mga itatanong ko sayo." seryosong pagkakasabi ni Erika.

"O-ok." nauutal na pagkakasabi ko.

"Una, anong sinabi sayo ni Kieson bago kami dumating kanina." seryosong tanong ni Erika sakin.

"Ah, wala naman. Wala naman siyang ibang sinabi." saad ko.

Tumitig lang sakin si Erika saka siya muling nagsalita.

"Pangalawa, anong dahilan mo bakit ka nag aral dito? May alam ka ba tungkol sa school na pinasok mo?" tanong muli ni Erika sa akin.

Sa pagkakataon na yun ay hindi na kaagad ako nakapag salita.

"May iba ka pa bang dahilan kung bakit ka dito nag aral?" pag uulit na tanong niya.

"W-wala naman. Gusto ko kasi ng ibang school naman, nakakasawa narin kasi mga mukha ng dati kong ka-klase eh. Kaya nag iba ako ng school na papasukan." pagsisinungaling ko.

"Ok. Gusto ko lang sabihin na, since bago ka palang dito. Kapag may hindi ka alam, samin mo itanong at hindi sa kung sino. Lalo na sa Kieson na yun." seryosong pagkakasabi ni Erika at pagkatapos ay lumabas na siya ng Dorm ko.

<Dorm: 9>

-VENUS POV-

"Megan paabot ka ng cellphone ko." malumanay na pagkakasabi ko kay Megan.

Agad naman niya ginamit ang kakayahan niya sa Telekenetic at pinalutang ang cellphone ko papalapit sakin.

"Thank you." nakangiting pagkakasabi ko.

"Uy Jessica, tama na nga yan ginagawa mo tignan mo 'tong ininum kong Hot Choco nagyeyelo na." rinig kong sigaw ni Summer.

Mukhang pinapa-lamig na naman ni Jessica yung Hot Choco ni Summer.

"Akin na papainitin ko." nakangiti kong pagkakasabi.

"Wag na, baka naman umapoy 'to." natatawang pagkakasabi ni Summer.

"Nasaan nga pala si Erika?" tanong ni Megan.

"I dunno, baka may pinuntahan lang." sagot ko.

Pero ilang saglit pa ay bumalik na rin si Erika.

-SCARLETT POV-

"Saan ka galing?" malumanay na tanong ko.

"Sa dorm ni Stephanie." sagot ni Erika.

"Anong ginawa mo doon? Inaway mo na naman ba si Stephanie, ikaw talaga hindi kana naawa sa bago natin ka-klase." sabat ni Sunny.

"Hindi ko siya inaway. I just asked her some questions." seryosong pagkakasabi ni Erika.

"Like what?" tanong naman ni Jessica.

"Sa pag aaral niya dito. I asked her kung anong dahilan bakit siya dito nag aral." sagot naman ni Erika.

"Sinabi niya naman ba ang totoong dahilan niya?" malumanay na tanong ko.

"No, she lied." sagot ni Erika.

Agad naman kami nagtinginan.

"What do you mean?" agad na tanong ni Megan.

"Sinabi niya na dahil sa gusto lang niya na mag aral sa ibang school para makakilala ng bagong kaibigan, pero nakikita ko sa mga mata niya na nagsisinungaling siya. May iba pang dahilan si Stephanie kaya siya nag aral dito, maaaring hindi lingid sa kaalaman niya na mahigawa ang paaralan na 'to. Kaya dapat tayo mag doble ingat, hindi niya dapat malaman ang tungkol sa mga kapangyarihan natin. Hanggat hindi pa natin alam kung mapagkakatiwalaan ba siya." pahayag ni Erika.

At kaagad naman kami sumang ayon.





SCHOOL OF MYSTERY: THE POWER OF NINE (BOOK #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon