“SCHOOL OF MYSTERY: THE POWER OF NINE”
CHAPTER 6:
[The next day]
<Campus>
—HENRY POV—
Kasalukuyan kami nag uusap nila Kieson, Dion, Zaimon at Michael ng biglang dumating si Erika.
“Anong ginagawa mo dito? Wala naman tayong usapan na magkikita tayo.” sarcastic na pagkakasabi ni Kieson kay Erika.
“Bakit, sa tingin mo ikaw yung pinunta ko dito?” mataray na sagot ni Erika.
“Kay Henry ako may kailangan at hindi sayo.” dagdag pa ni Erika.
“Sakin? Bakit?” pagtataka ko.
“You have an ability to delete or erase someone's memory. Tama ba 'ko?” saad ni Erika.
“Ano ba kasing kailangan mo kay Henry?” sabat ni Kieson.
“Manahimik ka hindi ikaw ang kinakausap ko.” mariing pagkakasabi ni Erika saka muling tumingin sakin.
“Do me a favor.” seryosong pagkakasabi ni Erika habang nakatingin sakin.
“Anong klaseng pabor?” pagtataka ko.
“Just in case na matuklasan ni Stephanie ang tungkol sa mga lihim na kapangyarihan natin. Erase her memory.” seryosong pagkakasabi ni Erika.
“At ano naman mapapala namin kung gagawin nga yun ni Henry?” sabat ni Kieson.
“Hindi ka ba talaga nag iisip? Ang tagal mo ng nabubuhay dito sa mundo pero ang tanga mo parin. Kieson, kapag nalaman ni Stephanie ang tungkol sa lihim na kapangyarihan natin sa tingin mo anong pwedeng susunod na mangyayari? Malalaman yun ng ibang tao sa labas ng Terrestrial Academy at kapag nangyari yun. Lahat tayo damay damay dito, dahil hindi naman lahat ng tao ay maiintindihan tayo.” paliwanag ni Erika.
“Ok na. Wag na kayo magtalo. Pumapayag na ako.” sabat ko.
Agad naman tumingin sakin si Erika.
“Mabuti ka pa Henry, nakakaintindi hindi tulad ng isa d'yan. 765years ng nabubuhay sa mundo ang tanga parin.” sarcastic na pagkakasabi ni Erika saka umalis.
<Hallway>
—ERIKA POV—
“Nakausap mo na ba si Henry?” agad na tanong sakin ni Jessica.
“Oo.” tipid na sagot ko.
“Pumayag ba siya?” tanong naman ni Scarlett.
“Hindi naman siya mahirap pakiusapan, may epal nga lang.” sarcastic na pagkakasabi ko.
“Si Kieson na naman ba?” tanong ni Venus.
“May iba pa ba?” sarcastic kong sagot.
“Palibhasa kasi may gusto siya sayo. Kaya lahat ginagawa niya para magpapansin.” saad naman ni Megan.
“Pinagsasasabe mo?” mataray kong sagot.
Agad naman natawa si Jessica at Megan.
“Nasaan nga pala si Stephanie?” sabat naman ni Summer.
“Ewan, baka tulog pa.” sagot naman ni Roxanne.
“Tulog pa? Anong oras na ah? 8:30AM na nga eh.” sagot ko.
—MEGAN POV—
Pabalik na sana kami sa classroom ng may tumawag sa pangalan ko, si Dion. Kaya agad ako napalingon.
“Mauna na kami sayo ah.” nakangiting pagkakasabi ni Sunny tumango lamang ako at naglakad na sila palayo.
Nakangiti naman na lumapit sakin si Dion.
“Ano na naman ba kailangan mo?” seryosong tanong ko.
“Lagi mo ba iniisip na sa tuwing lalapitan kita may kailangan ako sayo? Hindi ba pwedeng gusto lang kitang makausap?” nakangiting pagkakasabi niya.
“Ano na nga bang meron satin Megan?” seryoso niyang tanong.
“Ano bang pinagsasasabe mo?” tanong ko.
—STEPHANIE POV—
Naglalakad na ako sa Hallway ng makita ko si Megan. May kausap siyang lalake na para bang sobrang personal ng pinag uusapan nila.
Ilang saglit pa at iniwan din ni Megan ang kausap niyang lalake.
“Megan.” tawag ko sa pangalan niya at kaagad na lumingon sakin si Megan.
“Oh, saan ka galing? Kanina pa namin hinahanap ah.” saad niya.
“Ah sinuli ko lang yung librong hiniram ko sa Library. Teka, bakit mag isa ka lang? Nasaan yung iba mo pang kaibigan?” saad ko at nagsimula na kami maglakad sa pasilyo.
“Nasa classroom na sila. Pinauna ko na, kinausap ko pa kasi si Dion.” sagot ni Megan.
“Ah, Dion pala pangalan niya. Siya yung isa sa mga kaibigan ni Kieson diba?” tanong ko.
“Oo.” tipid niyang sagot.
“May gusto ba sayo yung Dion na yun?” nakangiting tanong ko.
Agad naman napatigil sa paglakad si Megan at agad na napatingin sakin.
“Kalimutan mo nalang kung anong nakita mo.” seryoso niyang pagkakasabi saka muli naglakad.
To be continue..
BINABASA MO ANG
SCHOOL OF MYSTERY: THE POWER OF NINE (BOOK #1)
Fantasy"SCHOOL OF MYSTERY: THE POWER OF NINE" "Posible nga ba na sa isang paaralan, may mga estudyanteng nagtataglay ng kakaibang kakayahan o kapangyarihan? Ano nga ba ang meron sa eskwelahan na 'to? Anong lihim ang itinatago ng bawat guro sa ekwelahan na...