Chapter 5

322 13 0
                                    

“SCHOOL OF MYSTERY: THE POWER OF NINE”

CHAPTER 5:

—STEPHANIE POV—

Sa totoo lang, pinagtakhan ko rin ang naganap kani-kanilang. Bakit ako gusto ako ipakuha ni Mrs. Dela Cruz sa classmate kong si Alex, at bakit pumigil sila Erika?

Naguguluhan man ako ay hinayaan ko nalang muna. Pero dahil sa nangyari kanina nagkaroon ako ng hinala na totoo nga na may tinataagong hiwaga ang paaralan na 'to gayundin ang biglaan pagkawala ng mga dati pang nag aaral dito at alam yun nila Erika maging ni Mrs. Dela Cruz.

Kaya naman simula sa araw na 'to ay nagsimula ako matiyagan ang bawat kilos nila Erika, Jessica, Sunny, Venus, Megan, Summer, Roxanne at Scarlett. Gayundin ang bawat kilos ng iba pang estudyante dito. Lalong lalo na si Mrs. Dela Cruz.

Uwian na namin, may teacher naman na nagturo samin hindi tulad nitong nakaraang araw.

Agad ng nagtungo sila Erika sa dorm nila pero nagpaalam na ako na magpupunta muna ako sa school library dahil may hihiramin akong libro.

Sa paglalakad ko nga patungo sa school library ay nasalubong ko ang isang lalake. May katangkaran siya, may matikas na pangangatawan, maputi at may ka-gwapuhan din.

Hindi ko batid pero agad ko siyang nilingon. Para kasing nakita ko na siya pero hindi ko lang maalala kung saan.

“Sandali.” sambit ko at agad siyang lumingon sakin.

“Bakit?” agad na tanong niya.

“Ah, familiar kasi yung mukha mo sakin. Nagkakilala na ba tayo?” mahinahon na tanong ko.

“Ngayon lang kita nakita, kaya nakasisiguro ako na hindi ako ang tinutukoy mong nakilala mo na noon.” seryoso niyang pagkakasabi saka siya umalis.

<Dorm: 9>

—ERIKA POV—

“Kinakabahan ako, paano kapag nalaman ni Stephanie ang tungkol sa pagkatao natin? Paano kung dahil sa nangyari kanina makaisip si Stephanie na may kakaiba sa eskwelahan na 'to?” pag aalala ni Summer.

“OA? Kung mag iingat tayo, hindi niya siyempre malalaman.” sarcastic na sabat ni Megan.

“Megan, kahit mag ingat tayo. Paano nga kung malaman niya?” sagot naman ni Summer.

“Pwede ba magsipag tahimik kayo?!” saway ko kila Summer at Megan.

“May alam akong pwede makatulong satin, kung sakaling dumating ang araw na malaman na ni Stephanie ang totoo.” sabat ni Sunny.

Kaya agad kami napatingin sakanya.

“Si Henry?” tanong ko.

“Yes, exactly. Henry has an ability to delete someone's memory. Kaya matutulungan niya tayo.” saad ni Sunny.

“Ang tanong, pumayag naman kaya si Henry na gawin yun?” sabat ni Scarlett.

“Wala rin naman siyang magiging choice kundi ang pumayag sa hihingin nating pabor sakanya. Dahil maging sila makikinabang din.” sabat naman ni Roxanne.

—MEGAN POV—

Ilang saglit pa ay nakarinig kami ng isang katok, kaya agad kami nagtinginan.

“Ako na ang magbubukas.” saad ni Venus saka tumayo at agad binuksan ang pintuan.

“Oh, ikaw pala Stephanie.” rinig naming sambit ni Venus.

“Hi, good evening.” nakangiti niyang pagkakasabi.

Agad naman siyang pinatuloy ni Venus saka muling sinarado ang pintuan.

“Medyo malamig pala dito sa Dorm niyo 'no?” nakangiting puna niya.

Agad ko naman tinignan si Jessica. Siya kasi ang nagpapalamig sa Dorm namin gamit ang kapangyarihan niya.

“Ah Oo, may aircon kasi.” pagsisinungaling ko pero ang totoo ay hindi naman nakasaksak yung aircon sa dorm namin.

—STEPHANIE POV—

“Anong sadya mo?” agad na tanong ni Erika sakin.

“Ah ito, nagdala ako ng drinks saka chips.” nakangiting pagkakasabi ko sabay abot ng dala kong eco bag kay Sunny at agad naman niya yun tinanggap.

Yun lang kasi ang paraan ko sa ngayon para mabantayan ang bawat kilos nila.

“It's already 9:30pm. Dapat natutulog kana.” saad ni Erika.

“Hindi pa kasi ako inaantok, isa pa it's my way to say thank you para sa pagtatanggol niyo sakin kanina. Although, hindi ko alam kung bakit ako gustong ipakuha ni Mrs. Dela Cruz. Lalo na sayo Roxanne, kahit parang naiinis ka sakin kanina tinulungan mo parin ako.” nakangiting pagkakasabi ko.

Napansin ko naman na agad nagtinginan si Erika at Roxanne.

“Ano pa ba iniintay natin? Kainin na natin 'tong dala ni Stephanie.” nakangiting pagkakasabi ni Sunny.

Agad naman na lumapit sakin si Roxanne.

“Pasensya kana sa nangyari kanina at nasungitan din kita.” nakangiting pagkakasabi ni Roxanne.

“Wala yun, naiintindihan naman kita.” nakangiting sagot ko.

To be continue..

SCHOOL OF MYSTERY: THE POWER OF NINE (BOOK #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon