Chapter 9

266 11 10
                                    

“SCHOOL OF MYSTERY: THE POWER OF NINE”

CHAPTER 9:

—STEPHANIE POV—

Kinabukasan, papunta na sana ako sa classroom namin ng mapadaan ako sa Art Museum. Kung saan naka-display ang mga art works ng Arts and Design students.

Paalis na sana ako ng makita ko yung masungin na lalake na nagpi-paint kahapon.

Yumuko lang ako saka nagsimulang maglakad.

“Stephanie.” tawag niya sa pangalan ko kaya agad akong napatigil sa paghakbang at agad na napalingon sakanya.

“Paano mo nalaman yung pangalan ko?” pagtataka ko.

“Sino ba naman hindi makakakilala sa nag iisang transferee dito sa Terrestrial Academy.” saad niya.

“About kahapon, pasensya na kung nasungitan kita. Tinatapos ko lang kasi yung art work ko. Para ibigay sayo.” saad niyang muli.

“Ibigay sakin?” pagtataka ko.

“Oo.” nakangiti niyang pagkakasabi sabay abot ng isang painting sakin.

Agad ko yun tinignan at humanga ako sa talento niya sa pagpi-painting.

“Sana magustuhan mo.” saad niyang muli.

“Oo naman. Salamat dito, wag ka mag alala iingatan ko 'to.” nakangiting pagkakasabi ko.

Agad naman siya ngumiti sakin, saka agad na tumalikod paalis.

“Saglit lang.” pagtawag ko kaya agad siyang napatigil.

“Ano nga palang pangalan mo?” tanong ko.

“Sebastian.” saad niya habang nakatalikod sakin at saka tuluyan umalis.

<Classroom>

—ERIKA POV—

“Oh! kanino galing yang dala mo?” agad na tanong ko sa kararating lang na si Stephanie matapos ko makita ang hawak niya.

“Ah ito, binigay lang sakin ni Sebastian. Mabait naman pala siya, akala ko kasi noong una masungit din eh kagaya. Joke lang HAHAHAHA.” sagot ni Stephanie sa tanong ko.

“Sebastian De Leon ba?” sabat ni Roxanne.

“Sebastian lang sinabi niya eh, wala naman siyang sinabing surname niya. Pero Art and Design student yata siya. Baka siya na nga tinutukoy mo.” sagot naman ni Stephanie saka naupo sa tabi ko.

Agad naman kami nagkatinginan ni Roxanne.

Nakilala na pala ni Stephanie si Sebastian. Ang immortal na magician at pintor.

“Ah Oo, siya nga yun. Siya lang naman ang nag iisang Sebastian dito sa Terrestrial Academy.” saad ko naman.

<Hallway>

—ZAIMON POV—

“Bakit hawak mo yan? Diba yan yung sulat na binigay mo kay Megan?” tanong ko kay Dion.

“Ibinalik niya sakin.” tila malungkot na pagkakasabi ni Dion.

“Ibinalik niya sayo? Bakit?” sabat ni Michael.

“Hindi ko alam, pero ayaw ko nalang pilitin pa siya sa ngayon kung.” saad ni Dion.

“Oo nga pala, nasaan si Kieson?” tanong naman ni Henry.

“Mauna na daw tayo pumasok. May pupuntahan pa daw siya.” sagot naman ni Michael.

“Pupunta ba siya kay Erika?” tanong ko naman.

<Classroom>

—SUMMER POV—

Papasok na ako sana room ng makita ko si Kieson sa labas ng room namin.

“Oh, ank ginagawa mo dito?” agad na tanong ko kay Kieson.

“Wala napadaan lang ako.” seryoso niyang pagkakasabi at agad na naglakad paalis pero bigla ko siya tinawag.

“Sa kabilang building yung room niyo, kaya bakit ka mapapadaan dito? Liban na lang kung may pinupuntahan ka? Si Erika ba?” tanong ko.

Agad naman niya tinakpan ang bibig ko.

“Pwede ba wag ka maingay, baka marinig pa ni Erika.” sambit niya at kaagad din naman tinanggal ang pagkakatakip ng kamay niya sa bibig ko.

“Summer nandito kana pala, bakit 'di ka pa napasok sa room. Baka dumating na teacher natin.” sabat ni Venus.

“Oh, Kieson ikaw pala yan. Bakit andito ka? May hinahanap ka ba? Ah si Erika ba?” dagdag pa ni Venus.

“Erika may naghahanap sayo si Kieson.” sigaw ni Venus, huli na para mapigilan siya ni Kieson.

—ERIKA POV—

“Narinig mo yun? Nasa labas daw si Kieson hinahanap ka.” saad ni Jessica.

Agad naman ako tumayo sa kinauupuan ko at lumabas sa room para harapin si Kieson.

Paglabas ko ay agad naman bumalik sa room sila Venus at Summer.

Kaya naiwan kaming dalawa ni Kieson sa labas ng room.

“Anong kailangan mo sakin?” seryosong tanong ko.

“Ah...wala g-gusto lang kita m-makita.” tila nauutal na sagot ni Kieson.

“Ako? Bakit? May atraso ba ako sayo?” sarcastic na pagkakasabi ko.

“Wala naman.” malumanay na pagkakasabi niya.

“Wala naman pala eh, bakit nang iistorbo ka? Masyado ka na bang bored? Dahil halos ilang daang taon ka ng nabubuhay? Kaya ito pinagti-tripan mo 'ko?” mataray na pagkakasabi ko.

Tatalikod na sana ako pero bigla niya ako hinila saka agad na niyakap.

SCHOOL OF MYSTERY: THE POWER OF NINE (BOOK #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon