“SCHOOL OF MYSTERY: THE POWER OF NINE”
CHAPTER 11:
<Dorm: 16>
—STEPHANIE POV—
Sabado ngayon, wala kaming pasok. Wala rin naman ako gagawin kaya naisipan na maglinis nalang ng dorm ko.
Ako lang din naman mag isa dito sa dorm wala akong ibang kasama.
Sa paglilinis ko nga ay may nakita akong kahon sa ilalim ng isang double-deck, at kaagad nga ako yumuko upang makuha ang kahon sa ilalim.
Nang mailabas ko na 'to at tadtad ito ng alikabok kaya kaagad ko itong pinunasan ng malinis na basahan.
Nang malinis na ang kahon ay nagmamadali akong binuksan ito.
Gumulantang sakin ang mga litrato ng mga estudyanteng babae at lalake.
At ang ilan nga sa kanila ay familiar sakin.
[Flashback: 4years ago]
“Stephanie, tignan mo yung uniform ng babae ang ganda.” saad ni Bora sabay turo sa isang estudyanteng babae na nakatayo sa kanto.
“Oo nga 'no? Parang ngayon ko lang nakita yung uniform niya. Saan kaya school yan?” saad ko.
“Tara lapitan natin.” saad ni Bora sabay hila sakin patungo sa kinaroroonan ng babae.
“Hi ate.” nakangiting pagkakasabi ni Bora.
Kaagad naman ngumiti samin ang estudyanteng babae.
“Ate, saan kayo nag aaral? Ang ganda kasi ng uniform mo.” puna ko.
“Ah sa Terrestrial Academy.” nakangiting pagkakasabi ng babae.
Agad naman kami nagkatinginan ni Bora. Dahil ngayon lang namin narinig ang pangalan ng eskwelahan na yun.
“Saan po yan Terrestrial Academy na yan?” tanong ni Bora.
“Ah dito lang din sa Manila.” sagot niya.
“Private school po ba? Magkano po tuition doon? Saka maganda po ba?” tanong ko naman.
“Oo private school. Ah sa tuition, nag apply kasi ako for scholar kaya wala akong binabayaran na tuition. At Oo, maganda doon sobra. May swimming pool area, may theater hall na sarili, gym, locker, football field, school library, malaking cafeteria, art museum at nagdo-dorm din kami. Kaya hindi na kailangan umuwe.” kwento ng babae.
“Sa locker po ba may gwapong lalakeng nakatambay?” nakangising tanong ni Bora at kaagad ko naman siya tinignan.
“Siyempre naman oo.” natatawang sagot ng babae.
“Hala Stephanie, parang alam ko na kung saan tayo mag aaral kapag nag senior high tayo.” saad ni Bora.
“Aysus, nalaman mo lang na may locker eh saka may mga gwapo doon.” biro ko at agad kami nagtawanan.
[1year later]
“Stephanie!” rinig kong sigaw ni Bora.
“Oh bakit?” pagtataka ko.
“Wait hinihingal ako. Pwede painum muna ng tubig?” hinihingal na pagkakasabi ni Bora kaagad ko naman siya pinainum ng baon kong tubig.
“Ano ba kasing problema? Saka bakit may hawak kang newspaper?” pagtataka ko.
“Ito na nga, natatandaan mo yung babae na estudyante na nakita natin noong G7 tayo? Yung may magandang uniform? Yung nag aaral sa Terrestrial Academy.” saad ni Bora.
“Oo. Bakit?” agad kong tanong.
Agad naman nilapag ni Bora sa table ko ang newspaper na hawak niya.
At headline nga ng balita ang misteryosong pagkawala ng pitong estudyante sa isang academy sa manila.
Kasama nga doon ang nakausap naming babae na nagkwento samin tungkol sa Terrestrial Academy.
Agad kaming nagkatinginan ni Bora.
“Ano kayang nangyari sakanila? Bakit bigla nalang sila nawala?” pagtataka ni Bora.
Agad naman ako napaisip sa kung anong meron sa Terrestrial Academy.
[End of Flashback]
“Sinasabi na nga ba, may kakaiba sa eskwelahan na 'to.” saad ko sa sarili ko.
Nagmamadali akong lumabas ng dorm ko bitbit ang ang kahon na nakita ko sa ilalim ng double-deck at agad na naglakad papunta sa dorm nila Erika.
<Dorm: 9>
—JESSICA POV—
“Hindi ka ba talaga sasama samin Jessica?” tanong ni Erika sakin.
“Hindi na muna. Bilhin niyo nalang yung pinapabili ko.” nakangiting pagkakasabi ko.
“Ok sige alis na kami.” saad ni Erika saka lumabas ng pintuan ng dorm.
Naiwan ako mag isa sa dorm kaya naman naisipan ko gamitin ang kapangyarihan ko.
Itinapan ko ang kanang kamay ko sa isang bagay pagtapos ay nag focus ako, ilang sandali pa nagyeyelo na ang bagay na tinapatan ko ng kamay ko kanina.
Hanggang sa napagtripan ko magpaulan ng snow sa loob ng dorm namin.
—STEPHANIE POV—
Pagtapat ko sa pintuan ng dorm nila Erika napansin ko na medyo nakabukas ang pintuan kaya hindi na ako kumatok at pumasok nalang ako.
Ganun na lamang ang pagkabigla ko at halos mabitawan ang hawak kong kahon matapos ko makita si Jessica na tila may kakaibang kapangyarihan ang lumalabas mula sa kanang kamay niya.
—JESSICA POV—
Nagulat nalang ako ng may marinig akong bumagsak at nakita ko nga si Stephanie na gulat na gulat sa mga nakikita niya.
“S-Stephanie.” nauutal na pagkasabi ko dahil sa pagkabigla ng makita siya.
“Sinasabi na nga, hindi kayo mga normal na tao. May hiwagang bumabalot nga sa eskwelahan na 'to. Totoo nga, na kaya nawala ang mga ibang transferee sa eskwelahan na 'to ay dahil sa may kakaiba sa Terrestrial Academy.” seryosong pagkakasabi ni Stephanie saka agad na lumabas ng dorm namin.
Mabilis ko naman hinabol si Stephanie.
<Campus>
—HENRY POV—
“Si Jessica ba yun? Bakit parang hinahabol niya si Stephanie?” pagtataka ko at kaagad kami nagtinginang lima.
Kaagad naman namin sinalubong si Jessica.
“Anong nangyayari? Bakit mo hinahabol si Stephanie?” pagtataka ni Kieson.
“Alam niya na ang totoo.” agad na pagkakasabi ni Jessica.
“Ano!?” sabay sabay naming limang pagkakasabi.
“Ako ng hahabol sakanya.” saad ni Kieson saka siya biglang naglaho.
To be continue..
BINABASA MO ANG
SCHOOL OF MYSTERY: THE POWER OF NINE (BOOK #1)
Fantasy"SCHOOL OF MYSTERY: THE POWER OF NINE" "Posible nga ba na sa isang paaralan, may mga estudyanteng nagtataglay ng kakaibang kakayahan o kapangyarihan? Ano nga ba ang meron sa eskwelahan na 'to? Anong lihim ang itinatago ng bawat guro sa ekwelahan na...