“SCHOOL OF MYSTERY: THE POWER OF NINE”
CHAPTER 12:
<Dorm: 9>
—SUNNY POV—
Pag dating namin sa dorm ay nakabukas ang pintuan pero wala naman si Jessica sa loob.
“Nasaan si Jessica?” agad na tanong ni Erika.
“Ay si Jessica ba hinahanap niyo? Nakita ko siya kanina na nagmamadaling lumabas ng dorm niyo. Tapos parang hinahabol niya yata yung transferee.” sabat ni Chloe ng mapadaan sa dorm namin.
Agad naman kami nagkatinginan.
“Bakit niya hinahabol si Stephanie?” pagtataka ni Roxanne.
Agad ko naman napansin ang kahon na nakataob sa sahig. Kaya agad ko yun tinignan, at nakita ko ang mga pictures ng mga dating transferee sa school na 'to na kinuha na ni Mrs. Dela Cruz.
Ang box na 'to ay nakatago sa dorm na tinutuluyan ni Stephanie, dahil doon ang mga dorm ng nagta-transfer dito.
“Hindi kaya, alam na ni Stephanie?” saad ko.
<Campus>
—HENRY POV—
Mabilis na nakabalik si Kieson habang hawak niya sa braso si Stephanie.
“Sorry kung kailan naman gawin sayo 'to.” seryosong pagkakasabi ko.
“Anong gagawin mo? Papatayin mo rin ba ako tulad ng mga dating nag aaral dito?” matapang na pagkakasabi niya.
Agad ko hinawakan sa ulo si Stephanie at sinimulan gawin ang nararapat, ang tanggalan siya ng memorya sa kung anong nakita at nalaman niya kanina. Maging kung anong pakay ni Stephanie dito sa Terrestrial Academy.
Ilang saglit pa ay tuluyan ng nawalan ng malay si Stephanie at agad na binuhat ni Dion patungo sa dorm ni Stephanie.
<Dorm: 16>
—ERIKA POV—
“Anong nangyari?” agad na tanong ko ng magtungo kami sa dorm ni Stephanie.
“Ok na, wala na tayong dapat problehamin.” sagot ni Kieson.
Tinignan ko lamang siya.
“Sorry kasi 'di ako nag iingat. Nakita tuloy ni Stephanie yung kapangyarihan ko.” mahinahon na pagkakasabi ni Jessica kaagad ko naman hinawakan ang kamay niya.
“It's ok, hindi mo rin naman sinasadya. Ang mahalaga, natanggalan na siya ng memorya ni Henry. Kaya kapag nagising siya mamaya, para lang siyang nanaginip.” saad ko.
“May nakita akong box na naglalaman ng mga pictures ng mga dating nag aral dito. Si Stephanie ba may dala 'non?” sabat ni Sunny.
“Oo, alam ko narin bakit siya nag aral dito. Sinabi niya sakin kanina, dahil gusto niyang matuklasan kung anong hiwang bumabalot sa paaralan na 'to. Maging sa mga guro at at estudyante.” kwento ni Jessica.
“Kailangan na natin makaalis dito sa Dorm niya bago pa man siya magising.” sabat ni Zaimon.
Kaagad nga kami lumabas ng dorm ni Stephanie at nagtungo sa isang lugar na ang mga tulad lang namin may kakaibang kapangyarihan ang may kakayahan makapunta.
<Terrestrial Academy's secret place>
—SCARLETT POV—
“Ano ng gagawin natin? Nakasisiguro ba tayo na hindi na babalik ang alaala ni Stephanie tungkol sa nangyari kanina?” pag aalala ko.
“Wala na kayong dapat ipangamba pa dahil nakasisiguro ako na hindi na niya maalala ang mga nalaman at nakita niya kanina. Sa susunod, mas mag doble ingat nalang tayo.” saad ni Henry.
“Pero paano kapag nalaman ni Mrs. Dela Cruz ang nangyari kanina?” sabat naman ni Venus.
“Sigurado akong kanina niya pa alam. Makapangyarihan na nilalang si Mrs. Dela Cruz, ang pinag aalala ko lang paano kapag kinuha na niya si Stephanie?” saad ko naman.
At kaagad naman kami nagkatanginan.
“May magagawa ba tayo to protect her? Para hindi na rin siya matulad sa mga naunang naging biktima ni Mrs. Dela Cruz.” suggest ni Summer.
“Siguro kung magsasanib pwersa tayo.” sagot naman ni Erika.
“Pero masyadong malakas si Mrs. Dela Cruz hindi natin siya kakayanin.” sabat naman ni Michael.
“Eh ano? Hahayaan nalang natin si Mrs. Dela Cruz na matuloy ang masamang binabalak niya kay Stephanie?” seryosong tanong ko.
“What if gamitin ni Roxanne yung hypnotism niya tapos utusan si Stephanie na umalis dito sa Terrestrial Academy.” suggest naman ni Venus.
“Alam natin lahat na kahit gawin yun ni Roxanne hindi makakaalis dito si Stephanie dahil naging next target na siya ni Mrs. Dela Cruz mula ng mag aral siya dito.” saad naman ni Kieson.
“Sigurado rin ako na sa pagsapit ng full moon, isasagawa niya na ang pagkuha sa enerhiya ni Stephanie upang maging dagdag kapangyarihan niya.” dagdag pa ni Kieson.
Kaya agad kami nagtinginan.
<Dorm: 16>
—STEPHANIE POV—
Nagising ako na parang ang sakit ng ulo ko. Siguro nasobrahan ako sa tulog kagabi. Agad akong bumangon at tinignan ang oras sa Wall Clock, alas-diyes na pala. Buti nalang linggo ngayon walang pasok.
Kaagad ako bumangon. Naligo at nag asikaso pagkatapos ay nag almusal.
<Campus>
Kapag walang pasok pwede naman kami lumabas sa dorm namin at maglakad lakad sa buong campus. Pwede rin kami magpunta sa Library or 'di kaya sa Art Museum. Yun lang kasi ang bukas kahit walang pasok.
Sa paglalakad lakad ko nga ay nasalubong ko sila Erika.
Nakangiti si Erika na sinalubong ako na pinagtaka ko kasi hindi naman siya madalas na ngumingiti sakin.
—ERIKA POV—
“How's sleep?” tanong ko.
“Ah ok lang. Medyo sumakit nga ulo ko kanina kasi ang haba yata ng tulog ko.” sagot ni Stephanie.
Kaagad naman kami nagtinginan ni Jessica.
To be continue..
BINABASA MO ANG
SCHOOL OF MYSTERY: THE POWER OF NINE (BOOK #1)
Fantasy"SCHOOL OF MYSTERY: THE POWER OF NINE" "Posible nga ba na sa isang paaralan, may mga estudyanteng nagtataglay ng kakaibang kakayahan o kapangyarihan? Ano nga ba ang meron sa eskwelahan na 'to? Anong lihim ang itinatago ng bawat guro sa ekwelahan na...