“SCHOOL OF MYSTERY: THE POWER OF NINE”
CHAPTER 7:
<Campus>
—STEPHANIE POV—
Wala pa naman siguro kaming teacher, naisipan ko na hindi muna pumasok sa classroom at hanapin nalang si Dion upang kausapin.
Hanggang sa makita ko siya na nag gi-gitara sa ilalim ng puno ng Acasia.
At kaagad ko siya nilapitan.
—DION POV—
“Dion.” rinig kong boses ng isang babae kaya agad akong napalingon sa likod at nakita ko nga si Stephanie.
“Anong ginagawa mo dito?” agad kong tanong sakanya.
“Pwede makiupo?” nakangiti niyang tanong.
Agad naman ako umusog ng kunti upang makaupo siya.
“Gaano katagal na ba kayo magkakilala ni Megan?” tanong ni Stephanie.
“Bakit mo naman naitanong yan?” seryosong tanong ko.
“Bakit hindi mo nalang sagutin yung tanong ko?” balik na tanong niya.
“Matagal na matagal na.” seryoso kong pagkakasabi.
“Kaya pala ganun na lang yung mga tingin mo sakanya kanina ng magkausap kayong dalawa.” nakangiting pagkakasabi ni Stephanie.
“Anong ibig mong sabihin?” pagtataka ko.
“Hay naku. In denial ka pa, eh halata naman na may gusto karin kay Megan.” nakangiting pagkakasabi ni Stephanie.
“Bakit kasi hindi mo nalang diretsahin si Megan? Sabihin mo sakanya na gusto mo siya. Hindi yung marami ka pang paligoy-ligoy.” seryosong pagkakasabi ni Stephanie.
“Hindi ganun kadali na umamin sa isang tao na gusto o mahal mo siya.” seryosong pagkakasabi ko.
“Bakit kasi natatakot kang umamin? Eh halata rin naman kay Megan na gusto karin niya. Ano, nagpapakiramdaman ba kayo kung sino mauuna?” tanong ni Stephanie.
Hindi naman kaagad ako nakakibo.
<Classroom>
—ROXANNE POV—
“Bakit wala parin si Stephanie?” pagtataka ni Megan.
“Diba sabi mo, kasama mo na siya kanina.” tanong ko naman.
“Oo, akala ko kasunod ko siya pero paglingon wala siya.” saad ni Megan.
“Hindi kaya-----”
Hindi na naituloy pa ni Summer ang sasabihin niya dahil dumating na si Stephanie.
“Saan ka galing?” agad na tanong namin.
“Ah d'yan lang. Oo nga pala Megan, may nagpapabigay sayo.” nakangiting pagkakasabi ni Stephanie sabay may kinuha siyang sulat at bulaklak mula sa bag niya saka inabot kay Megan.
—MEGAN POV—
“Kanino galing 'to?” pagtataka ko.
“Galing sa isang taong matagal ka ng mahal at matagal mo na ring mahal.” nakangiting pagkakasabi ni Stephanie.
“OMG, kay Dion galing yan? Si Dion ba ang nagpapabigay niyan para kay Megan?” kinikilig na sabat ni Summer.
“Manahimik nga kayo.” inis na pagkakasabi ko.
Agad naman silang tumahimik.
“Ibalik mo 'to sakanya.” seryoso kong pagkakasabi sabay abot muli ng sulat at bulaklak kay Stephanie.
“Pero----”
“Wala ng pero pero. Basta ang gusto ko ibalik mo yan sakanya.” seryosong pagkakasabi ko.
“Relax lang sis, ang puso mo. Ikaw naman oh, nag effort yung tao para sulatan ka tapos mukhang pinitas pa yata yang bulaklak sa garden ni Mr. Sanchez. Tanggapin mo na kasi, ikaw arte arte pa kinikilig naman deep inside.” sabat ni Sunny.
<School Library>
—SCARLETT POV—
Breaktime na namin, ang ibang kaibigan ko ay nasa Cafeteria pero mas pinili ko na magtungo dito sa Library.
Hilig ko kasi ang pagbabasa ng libro.
Nasa bookshelves na ako naghahanap ng librong pwede ko mabasa ng hindi sinasadya nasagi ko flower base sa gilid at mabasag ito kay bilis nitong lumikha ng ingay sa loob ng library agad naman nagtinginan sakin ang mga estudyante doon at agad din naman ako humingi ng despensa.
Agad kong pinulot ang basag na flower base at aksidenteng sumugat sa kamay ko, mabilis na dumugo ang kamay ko.
Napansin ko ang isang lalake sa 'di kalayuan. Si Fred, isa ring bampira na na agad na napatingin sakin.
Tumayo na siya sa kinauupan niya pero nagulat nalang ako ng may isang lalake ang biglang humawak sa kamay ko na sugat at mabilis itong naghilom.
Nang tingnan ko kung sino ang lalake, si Zaimon. A boy who has an ability to heal.
—ZAIMON POV—
Kararating ko lang sa Library para sana isuli ang librong hiniram ko ng makita ko si Scarlett na dumudugo ang kamay kaya agad ko siyang nilapitan.
“Ok ka lang ba? May iba ka pa bang sugat?” magkasunod na tanong ko kay Scarlett.
“Ah, ok lang ako. Salamat.” nakangiting pagkakasabi niya.
At kaagad naman nilinis ng school janitor ang mga bubog sa sahig.
“Mabuti nalang dumating ako agad, kung hindi baka kung ano narin nangyari sayo dito. Puro mga bampira pa naman nasa paligid natin.” mahinang pagkakasabi ko.
“Kaya ko naman iligtas ang sarili ko kung nagkataon na wala ka. Hindi rin naman ako basta tao lang.” nakangiting pagkakasabi ni Scarlett.
To be continue..
BINABASA MO ANG
SCHOOL OF MYSTERY: THE POWER OF NINE (BOOK #1)
Fantasy"SCHOOL OF MYSTERY: THE POWER OF NINE" "Posible nga ba na sa isang paaralan, may mga estudyanteng nagtataglay ng kakaibang kakayahan o kapangyarihan? Ano nga ba ang meron sa eskwelahan na 'to? Anong lihim ang itinatago ng bawat guro sa ekwelahan na...