“SCHOOL OF MYSTERY: THE POWER OF NINE”
CHAPTER 8:
<Campus>
—STEPHANIE POV—
Patungo na ako sa dorm ko ng muli kong makita ang lalake na nakasalubong ko nitong nakaraang araw sa hallway papunta sa Library.
Siya yung lalakeng parang nakita ko na, pero hindi ko alam kung saan at kailan.
Nakita ko siyang nagpi-paint habang nakaupo sa bermuda grass kaya agad ko siyang nilapitan.
“Hi.” nakangiting pagkakasabi ko.
Agad naman siyang tumingin sakin.
“Ang galing mo palang mag paint.” puna ko pero agad niyang tinalikod mula sakin ang ginagawa niya.
“Ano bang kailangan mo?” seryoso niyang tanong sakin.
“Ah wala naman, just want to be friends with you? Wala pa kasi akong masyadong kaibigan da-----”
“Umalis kana, wag kang istorbo sa ginagawa ko.” masungit niyang pagkakasabi kaya hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko.
“O-okie.” nauutal kong pagkasabi at agad na naglakad palayo.
Grabe naman dito, parang halos lahat mapa-lalake o babae man para laging may period ang susungit.
<Dorm: 16>
Kasalukuyan na ako nasa dorm ko. Pasado alas-siyete palang ng gabi kaya hindi pa ako inaantok.
Ilang sandali pa ay may nakita akong pusa sa bintana ng dorm ko.
Nakatingin siya sakin. Kulay abuhin ang balahibo ng pusa habang asul naman ang kulay ng kanang mata niya at kulang berde sa kaliwa.
“Ming swiswiswiswiswiswi.” pagtawag ko sa pusa pero nakatingin lang siya sakin.
“Nagugutom ka ba? Gusto mo bigyan kita ng pagkain?” nakangiting pagkakasabi ko.
Agad akong tumayo at nagtungo sa kusina upang kumuha ng pagkain pero pagbalik ko ay wala na siya sa bintana.
<Terrestrial Academy's Office>
—MINERVA DELA CRUZ—
“Madam saan ka ng galing?” agad na tanong sakin ni Hilda ng makabalik ako sa opisina matapos kong magtungo sa dorm ni Stephanie at mag anyong isang pusa.
“May pinuntahan lang ako, Hilda.” nakangiting pagkakasabi ko.
Agad naman sinalinan ni Hilda ng red wine ang wine glass ko saka inabot sakin.
“Nagtungo ba kayo sa transferee na si Stephanie, madam?” tanong ni Hilda.
“Oo. Inalam ko lang kung anong ginagawa niya sa mga oras na 'to.” mataray na pagkakasabi ko sabay inum ng wine.
<Campus>
—ROXANNE POV—
“Gabing gabi na, na pero nandito ka pa sa labas.” rinig kong sambit ng isang lalake kaya agad ako napalingon.
“Michael.” sambit ko ng makita si Michael na nakangiti sakin.
“Anong ginagawa mo dito sa labas? Dapat nasa loob kana ng dorm niyo, nagpapahinga.” malambing na pagkakasabi ni Michael.
“Ikaw lang ba ang pwedeng lumabas ng dorm ng ganitong oras?” sarcastic na pagkakasabi ko.
Agad naman na tumitig sakin si Michael.
“Wag mo ng subukan na basahin ang nasa isip ko dahil wala kang mababasa. Nakakalimutan mo yatang sa normal na tao lang tumatalab ang kakayahan mong basahin ang nasa isip ng isang tao.” seryosong pagkakasabi ko.
“Hindi ko man kayang basahin ang nasa isip ko, kaya ko naman makita ang nilalaman ng puso mo.” nakangiting pagkakasabi ni Michael.
“Talaga, sige nga sino?” nakangising tanong ko.
“Ako.” nakangiting sambit ni Michael saka pa mas lalong lumapit sakin kaya agad akong napaatras hanggang sa mapasandal na ako sa pader.
“Nahihimbang kana ba?” pag deny ko.
“Oh! Bakit? Hindi ba't totoo naman? Ako ang nilalaman ng puso mo. Sa tingin mo ba hindi ko alam?” sambit ni Michael at gumuhit sa labi niya ang nakakalokong ngiti.
“Pwede ba Mic-----”
Hindi ko naituloy pa ang sasabihin ko ng magsalita siyang muli.
“Mahal kita, Roxanne.” bulong niya sa tenga ko saka siya agad na naglakad palayo.
Habang ako naman ay nanatiling nakasandal sa pader habang tulala.
“What did he say?” bulong ko sa sarili ko dahil tila nabingi ako sa binitawang salita ni Michael bago siya umalis.
<Dorm: 9>
—VENUS POV—
“Oh saan ka galing?” agad na tanong ni Jessica sa kararating lang na si Roxanne.
“Namumula yung pisngi mo bakit?” tanong ko naman.
“Baka na sobrahan sa blush-on.” natatawang sabat ni Summer.
Agad naman umupo si Roxanne sa kama niya sa niyakap ang unan niya.
“Anong nangyari d'yan?” bulong sakin ni Megan.
“I knew it, she's inlove.” biglang sabat ni Sunny.
“In love? Si Roxanne? Pero kanino?” pagtataka ni Erika.
“Kanino pa ba? Edi kay Michael. Diba Roxanne?” nakangiting pagkakasabi ko saka kinindatan si Roxanne.
“Hala alam niya na ba na may gusto ka sakanya? Umamin kana?!” magkakasunod na tanong ni Jessica.
“Hindi ako umamin, pero sabi niya alam niya na daw. And he said I love you to me.” kinikilig na pagkakasabi ni Roxanne.
Agad naman kaming nagtinginang pito.
“Nag I love you siya sayo?! Baka naman ginamitan mo ng hypnotism yung crush mo. Ikaw ah!” gulat na reaction ni Erika.
“Paano niya nalaman? Did he reads your mind? Eh diba gumagana lang yung abilitiy niya na basahin ang nasa isip ng isang tao kapag normal na tao lang? Pero kapag sa mga tulad natin na may special powers. Hindi yun gagana. So, how did he knows?” pagtataka ko.
“Baka naman nahahalata narin niya si Roxanne. Pero kung nag I love you siya sayo. It means, gusto karin niya.” sabat ni Summer.
“Jessica tama na yan, ang lamig na masyado.” awat ni Megan kay Jessica dahil ginagamit na naman niya ang kapangyarihan niya para palamigin ang dorm namin.
“Painitin ko?” natatawang sabat ko.
“Wag na, baka mag mukhang nasa oven na tayo.” sagot naman ni Summer.
At agad kami nagtawanan.
To be continue..
BINABASA MO ANG
SCHOOL OF MYSTERY: THE POWER OF NINE (BOOK #1)
Fantasy"SCHOOL OF MYSTERY: THE POWER OF NINE" "Posible nga ba na sa isang paaralan, may mga estudyanteng nagtataglay ng kakaibang kakayahan o kapangyarihan? Ano nga ba ang meron sa eskwelahan na 'to? Anong lihim ang itinatago ng bawat guro sa ekwelahan na...