Chapter 16

234 11 0
                                    

“SCHOOL OF MYSTERY: THE POWER OF NINE”

CHAPTER 16:

<Campus>

—ROXANNE POV—

“Bakit hindi parin nabalik sila Dion at Scarlett?” pag aalala ko.

“Baka pabalik na yun.” saad ni Michael.

Ilang saglit pa nga ay dumating na sila Dion at Scarlett.

“Anong balita? Anong nalaman niyo?” magkasunod na tanong ni Megan.

Kaagad naman nagkatinginan sila Dion at Scarlett.

<Veronica's House>

—VERONICA POV—

“Ano ng susunod mong plano Ms. Veronica?” tanong sakin ni Lucifer.

Agad naman ako ngumisi.

“Hahayaan natin na patayin ni Minerva ang sarili niyang anak.” nakangisi kong pagkakasabi.

<Dorm: 9>

—SCARLETT POV—

“Ibig mong sabihin, anak ni Mrs. Dela Cruz si Stephanie sa isang mortal?” hindi makapaniwalang pagkakasabi ni Sunny matapos marinig ang buong kwento ko.

“Wait lang, paano nangyari yun? Paano naging anak ni Mrs. Dela Cruz si Stephanie? Mortal si Stephanie, samantalang immortal naman si Mrs. Dela Cruz at higit sa lahat. Walang kapangyarihan si Stephanie. Saka hindi rin nila alam na mag ina sila.” sabat ni Summer.

“Dahil nasa ilalim parin ng Black Magic ni Ms. Veronica si Mrs. Dela Cruz kaya hindi niya maalala si Stephanie na anak niya 'to.” salaysay ko.

<Dorm: 3>

—DION POV—

“Bukas na ng gabi ang full moon. Paano kung mapatay ni Mrs. Dela Cruz ang sarili niyang anak?” pag aalala ni Michael.

“Kailangan natin makausap si Mrs. Dela Cruz na wag na ituloy ang pina-plano niya kay Stephanie dahil anak niya 'to.” sabat ni Zaimon.

“Kung nasa ilalim ng black magic ni Ms. Veronica si Mrs. Dela Cruz, hindi tayo papakinggan ni Mrs. Dela Cruz. Baka isipin niya lang na gumagawa tayo ng kwento para ma-protektahan si Stephanie.” sabat naman ni Kieson.

“Tama si Kieson, kaya ang dapat natin unahin ay ang mawala ang black magic ni Ms. Veronica kay Mrs. Dela Cruz. Pero paano natin gagawin yun?” saad naman ni Henry.

Agad naman kami nagkatinginan.

<Dorm: 9>

—SUMMER POV—

“Alam na ba ni Stephanie 'to?” tanong ko.

“Hindi pa, dahil hindi niya rin tayo maiintindihan. Nakakalimutan niyo ba na tinanggalan din natin siya ng alaala.” sagot ni Scarlett.

“Anong gagawin natin ngayon?” agad na tanong ni Jessica.

“Sa totoo lang hindi ko alam. Hindi rin naman maniniwala satin si Mrs. Dela Cruz kung sabihin man natin ang totoo. Dahil nasa ilalim siya ng black magic ni Ms. Veronica.” sagot ni Scarlett.

“Si Ayah? Baka makahingi tayo ng tulong kay Ayah.” suggest ni Roxanne.

Agad naman kami nagtinginan.

<Terrestrial Academy Admin's Office>

—STEPHANIE POV—

Kinabukasan, papasok na sana ako sa classroom ng mapag utusan ako na maghatid ng document sa Admin's Office.

Pagdating ko doon ay agad ko nilapag sa admin's table ang folder na hawak ko.

Paalis na sana ako ng masagi ko ang isang folder at agad na nahulog sa lapag ang mga laman nito.

Nagmamadali ako na pinulot yun, hanggang sa makita ang isang larawan.

Parang lumang class picture dahil black and white pa ang kulay nito.

Nang makita ko ang taon, year 1950's pa pala 'to.

Ibabalik ko na sana ang larawan sa loob ng folder ng mapansin ko ang mukha ng isang babae at ang lalake na magkatabi.

Ang babae na nasa larawan ay ang lola ko (my father's mom) during her high school days. Pero ang nakapagpakilabot ng buong katawan ko ay makita ang lalakeng katabi ng lola ko, si Sebastian.

Pero bakit ganun? Kung magka-klase sila Lola at Sebastian noong high school, bakit ang bata parin ng mukha ni Sebastian? Samantalang ang lola ko ay nasa 80+ na.

Kaagad nga ako napaatras at nagmamadali na lumabas ng admin's office pero bigla nalang ako sinalubong ng isang babae, si Mrs. Dela Cruz.

“Mrs. Dela-----”

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla nalang ako nakaramdam ng antok at panghihina matapos niya ako titigan sa mata.

To be continue..

SCHOOL OF MYSTERY: THE POWER OF NINE (BOOK #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon