“SCHOOL MYSTERY: THE POWER OF NINE”
CHAPTER 10:
<Campus>
—STEPHANIE POV—
Lumipas pa nga ang ilang pang mga araw at naging magkaibigan narin kami ni Sebastian. We shared something in common kaya mas mabilis kami nagkasundo.
“Stephanie!” rinig kong tawag ni Sebastian sa pangalan kaya agad akong napalingon sa gawing kanan ko.
Nakita ko siyang nakangiti habang papalapit sakin.
“What's with that smile?” nakangiting tanong ko sakanya.
Agad niyang hinawakan ang buhok ko pagkatapos isang kulay kalimbahin na rosas ang iniabot niya sakin.
“Wow.” manghang pagkakasabi ko.
“Nagustuhan mo ba?” nakangiting tanong niya sakin.
“Oo naman. Grabe, hindi lang pala talento sa pagpi-painting ang alam mo. Magaling karin sa pag ma-magic.” nakangiting pagkakasabi ko.
Ilang saglit pa ay nakita ko na naman ang pusa na kulay abuhin ang balahibo.
“Kanino kayang pusa yan? Ang cute eh.” saad ko habang nakatingin sa pusa na nakaupo sa 'di kalayuan habang nakatingin na naman sakin.
Lalapitan ko sana pero bigla nalang tumakbo palayo yung pusa.
<Dormitory Building's Roof Top>
—KIESON POV—
“Napapadalas yata ang pag aanyong pusa ni Mrs. Dela Cruz para lang subaybayan ang bawat kilos ni Stephanie.” saad ni Zaimon habang nakatanaw sa kinaroroonan ni Stephanie at ng pusa sa 'di kalayuan.
“Lahat talaga gagawin niya para makuha ang enerhiya ni Stephanie. Isang mortal si Stephanie, kaya ganun nalang ang interest ni Mrs. Dela Cruz para makuha si Stephanie upang maging karagdagan na kapangyarihan niya at para narin sa magiging katatagan ng paaralan na 'to.” kwento ko.
“Pero wala man lang ba tayo gagawin para mapigilan yun?” sabat ni Michael.
“Wala naman tayong magagawa laban sa kapangyarihan ni Mrs. Dela Cruz. Mas makapangyarihan parin siya satin.” saad ko.
“Tama si Kieson, mas mabuting wag nalang tayong makialam.” saad ni Henry.
<Football field>
—MEGAN POV—
Napadaan ako sa Football Field dahil patungo sana ako sa Office ni Mrs. Dela Cruz ng makita kong matatamaan ng bola ng pang volleyball si Dion kaya mabilis ko ginamit ang kakayahan sa pag-Telekenetic at agad na kinotrol ang bola gamit ang isip ko upang hindi mataman si Dion.
Naramdaman yata ni Dion ang ginawa ko kaya agad siyang lumingon sa likod niya mabilis naman ako nagtago sa isang poste.
“Megan, alam kong ikaw yan.” mahinanon na pagkakasabi niya.
“Wag kana magtago. Alam kong nand'yan ka lang sa paligid, lumabas kana.” saad niyang muli.
Unti unti naman ako lumabas mula sa pagtatago sa likod ng poste.
“Sabi na nga ba at ikaw yan. Dahil wala naman may ibang kakayahan sa Telekenetics sa school na 'to kundi ikaw lang.” nakangiting pagkakasabi ni Dion.
Aalis na sana ako pero mabilis niya akong naharang sa daraanan ko.
“Bakit mo ba ako laging iniiwasan?” seryoso niyang pagkakasabi.
“Hindi kita iniiwasan. Sadyang nagmamadali lang ako. Pupunta pa ako sa office ni Mrs. Dela Cruz dahil pinapatawag niya ako.” seryoso kong pagkakasabi at agad na umalis.
“Salamat!” rinig ko pang sigaw ni Dion habang naglalakad ako palayo.
Bahagya na lamang akong ngumiti.
<Terrestrial Academy Office>
—MINERVA POV—
Kasalukuyan akong natanaw sa bintana ng biglang pumasok si Hilda.
“Madam, nandito na po si Ms. San Jose.” saad ni Hilda.
“Sige, papasukin mo siya.” saad ko sabay lapag ng wine glass sa table ko.
“Mrs. Dela Cruz, bakit niyo po ako pinapatawag?” agad na tanong ni Megan sakin.
“Have a seat.” saad ko at agad naman naupo sa sofa si Megan.
“Tungkol ito sa transferee na si Stephanie.” seryosong pagkakasabi ko.
“B-bakit po?” nauutal na tanong ni Megan.
“Napapansin ko kasi na nagiging malapit kayong walo sa transferee na hindi naman dapat. Dahil nilalagay niyo lang sa alanganin ang paaralan na matagal na panahon ko ng inaalagan.” seryoso kong pagkakasabi.
“Wag po kayo mag alala. Nag iingat naman po kami na wala siyang mapansin na kakaiba.” malumanay na pagkakasabi ni Megan.
“Siguraduhin niyo lang. Dahil hindi ko parin nakakalimutan kung anong ginawa ni Roxanne hindi ko lang makuha si Stephanie. Pero sige, pagbibigyan ko kayo sa ngayon. Pero tulad ng mga nauna, kukunin ko rin ang mortal na si Stephanie.” seryoso kong pagkakasabi.
Hindi naman na kumibo si Megan at kaagad ko narin siya pinalabas ng office ko.
<Dorm: 9>
—SCARLETT POV—
“And'yan na pala si Megan.” saad ko ng pumasok ng pintuan ng dorm si Megan.
“Saan ka galing?” agad na tanong ni Jessica.
“Sa office ni Mrs. Dela Cruz.” saad ni Megan saka naupo.
“Ano napag usapan niyo?” malumanay na tanong ni Erika.
“Tungkol na naman ba 'to kay Stephanie?” sabat ni Sunny.
“Oo.” tipid na pagkakasabi ni Megan.
Agad naman kami nagtinginan ni Roxanne.
“Alam niya ng unti unti ng nagiging malapit si Stephanie satin.” saad muli ni Megan.
“Ano pang ibang sinabi niya?” sabat ni Summer.
“Darating daw ang araw na tulad ng mga naunang mortal na transferee na nag aral dito ay kukunin din niya si Stephanie.” kwento ni Megan.
Napansin ko naman na tila nagbago ang expression ng mukha ni Erika.
BINABASA MO ANG
SCHOOL OF MYSTERY: THE POWER OF NINE (BOOK #1)
Fantasy"SCHOOL OF MYSTERY: THE POWER OF NINE" "Posible nga ba na sa isang paaralan, may mga estudyanteng nagtataglay ng kakaibang kakayahan o kapangyarihan? Ano nga ba ang meron sa eskwelahan na 'to? Anong lihim ang itinatago ng bawat guro sa ekwelahan na...