Chapter 4

332 16 1
                                    

“SCHOOL OF MYSTERY: THE POWER OF NINE”

CHAPTER 4:

<Classroom>

—MEGAN POV—

“Stephanie, can I ask you something?” mahinanon na tanong ko kay Stephanie.

“Ano yun?” agad naman niyang tanong ko.

“Kailan pa kayo naging close ni Michael?” agad na tanong ko.

“Ah hindi pa naman kami close.” sagot naman niya.

“If that so, bakit ka niya nilapitan kanina?” sabat ni Roxanne.

“Nakipagkilala lang naman siya. Yun lang.” agad naman na sagot ni Stephanie.

“Tama na nga yan, nakipagkilala lang naman pala eh.” awat naman ni Sunny.

Hindi narin naman kumibo si Roxanne.

—STEPHANIE POV—

“Guys, papunta yata dito si Mrs. Dela Cruz.” sigaw ng isa samin mga kaklase.

“Sino si Mrs. Dela Cruz?” tanong ko kay Erika.

“Si Mrs. Minerva Dela Cruz ang nagmamay ari nitong school.” seryosong sagot ni Erika.

“Ah ganun ba.” saad ko.

Ilang saglit pa ay pumasok na nga sa classroom ang isang ginang na sinasabi nilang si Mrs. Dela Cruz.

At kaagad nga siyang napatingin sakin.

“Ikaw pala ang transferee.” seryosong pagkakasabi ni Mrs. Dela Cruz habang nakatingin sakin.

“Ah Opo.” magalang na pagkakasabi ko.

“Siguro naman alam mo na ang mga patakaran sa eskwelahan ko.” saad niya.

“Opo.” magalang kong sagot.

“Alex, kayo na ang bahala sa transferee.” utos ni Mrs. Dela Cruz sa isa kong kaklase na pinagtaka ko.

“Pero Mrs. Dela Cruz, kami na po ang nag ga-guide kay Stephanie.” sabat ni Erika kaya agad ako napatingin sakanya.

“May balak ka ba talagang suwayin ako, Ms. Lopez?” mataray na pagkakasabi ni Mrs. Dela Cruz kay Erika.

—SCARLETT POV—

“Wag mo na rin akong subukan kalabanin Scarlett.” baling ni Mrs. Dela Cruz ng sinusubukan kong kontrolin ang isip niya.

“Yung utos ko Alex. Ikaw ng bahala kay Stephanie.” muli niyang pagkakasabi saka siya lumabas ng classroom.

Agad naman kaming nagkatinginang siyam.

—JESSICA POV—

“Tara na Stephanie.” seryosong pagkakasabi ni Alex ng lumapit siya sa kinauupuan ni Stephanie.

“Hindi siya sasama sayo.” magkasabay namin pagkakasabi ni Erika kaya agad kami nagkatinginan.

“Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Mrs. Dela Cruz?” mataray na pagkakasabi ni Alex.

“Bakit niyo ba 'ko pinipigilan na sumama sa classmate natin?” pagtataka na sabat ni Stephanie.

“Oo nga naman, bakit niyo ba pinipigilan si Stephanie? Bakit hindi niyo nalang siya hayaan na sumama?” sabat naman ni Roxanne.

“Roxanne ano ba?!” sabat ni Venus.

Agad naman tumahimik si Roxanne.

—SUMMER POV—

Maya maya pa ay hinawakan na ni Alex ang braso ni Stephanie saka siya hinila palabas.

“Roxanne, do something!” pakiusap ko kay Roxanne.

Hindi kumibo si Roxanne, pero agad siyang tinignan ni Scarlett.

Ilang saglit pa...

“Sandali lang!” sigaw ni Roxanne kaya agad napatigil sa paglakad si Alex at Stephanie.

—ZAIMON POV—

“Bro, si Stephanie ba yung hawak ni Alex? Pero saan niya dadalhin si Stephanie?” agad na tanong ko ng makita sa 'di kalayuan sila Alex si Stephanie.

“Saan pa ba?” nakangising sagot ni Kieson.

“Let's do something, siguradong papatayin din nila si Stephanie para sa dagdag kapangyarihan ni Mrs. Dela Cruz.” sabat ni Henry.

“Na yun naman dapat ang mangyari. Nakakalimutan mo yata kung anong klaseng eskwelahan ito.” seryosong pagkakasabi ni Kieson.

“Pero-----”

“Hayaan na natin sila. Tara na.” seryosong pagkakasabi ni Kieson saka nauna maglakad.

—ROXANNE POV—

Nang makalapit na ako kay Alex ay agad ko siyang ginamitan ng hipnotismo gamit ang taglay kong kagandahan.

“Bitawan mo siya and leave her alone.” seryosong pagkakasabi ko kay Alex.

Maya maya pa ay agad din ni Alex binitawan si Stephanie.

Agad naman hinila ni Erika si Stephanie palapit samin.

<Terrestrial Academy's Office>

—MINERVA DELA CRUZ POV—

“Madam, may kailangan po kayong malaman.” agad na bungad sakin ng kanang kamay kong si Hilda.

“Alam ko na.” seryosong pagkakasabi ko at agad na tumayo sa kinauupuan ko.

“Eh ano pong gagawin natin madam? Mukhang pino-protektahan si Stephanie nila Erika.” saad ni Hilda.

“Kahit mag sanib pwersa pa silang siyam, hindi parin nila mapapantayan ang taglay kong kapangyarihan. Nag aaksaya lang sila ng oras kung susubukan nila akong kalabanin.” seryosong pagkakasabi ko.

“Ano pong gagawin natin kay Stephanie?” tanong ni Hilda.

“Hahayaan muna natin siya sa ngayon. Batid ko narin naman kung bakit siya nandito, dahil gusto niya malaman ang hiwaga ng eskwelahan na 'to. Pero nagkamali siya, dahil lalo lang niya nilalapit ang sarili niya sa kamatayan.” nakangiting pagkakasabi ko saka uminom ng red wine.

To be continue...






SCHOOL OF MYSTERY: THE POWER OF NINE (BOOK #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon