Last Chapter

432 20 3
                                    

“SCHOOL OF MYSTERY: THE POWER OF NINE”

CHAPTER 18:

<Terrestrial Academy Office>

—KIESON POV—

“Wala dito sila Erika.” sambit ko.

“At wala rin dito si Mrs. Dela Cruz.” sabat naman ni Dion.

<Terrestrial Academy Office's Vasement>

—MINERVA POV—

“Maawa ka sakin.” umiiyak na pagkakasabi ni Stephanie.

“Hindi ko kasalanan nag aral ka dito. Ginusto mo na malaman ang bumabalot na hiwaga sa paaralan na 'to. Ngayon alam mo na.” nakangiting pagkakasabi ko.

Ilang saglit pa nga ay tuluyan na nanghina si Stephanie dahil kinukuha ko na ang enerhiya na nanggagaling sakanya.

—MEGAN POV—

Huli na ng makarating kami sa vasement. Hindi na humihinga si Stephanie na nakahandusay sa sahig habang nakagapos ang mga kamay at paa niya.

“Anong ginawa mo sa sarili mong anak!?” sabat ni Ayah.

Agad naman kami nagtinginan.

“Anong ginagawa mo dito Ayah? At bakit kasama mo ang mga paslit na yan?” sarcastic na pagkakasabi ni Mrs. Dela Cruz.

“Panahon na para malaman mo ang katotohanan Minerva. Si Stephanie ang kaisa-isa niyong anak ni Romeo.” saad ni Ayah.

—MINERVA POV—

“Pwede ba Ayah, umalis kana at isama mo na ang mga yan. Wala akong panahon sa mga sinasabi mo.” seryoso ko pagkakasabi.

“Hindi nagsisinungaling si Ayah, Minerva. Totoo ang mga sinasabi niya na ang babaeng ito, ang nag iisang anak niyo ni Romeo. Pero tila huli na ang lahat, dahil napaslang mo na siya para sa kapangyarihan na inaasam mo.” nakangising pagkakasabi ni Veronica ng bigla siyang dumating.

“Anak ka nga talaga ng demonyo Veronica, gagawin mo lahat para bilugin ang ulo ko.” sarcastic na pagkakasabi ko.

“Hanggang sa muli, Minerva.” nakangiting pagkakasabi ni Veronica saka ito bigla naglaho.

“Sumailalim ka sa black magic ni Ms. Veronica kaya hindi mo maalala si Stephanie.” sabat ni Sunny

“Manahimik ka!” sigaw ko.

“Bakit hindi mo subukan alalahanin ang lahat Minerva? Upang malabanan mo ang maitim na mahika ni Veronica.” sabat ni Ayah.

[Flashback]

“Napakagandang sanggol, anong gusto mong ipangalan sakanya?” nakangiting tanong sakin ni Josephine.

“Stephanie. Siya si Stephanie.” nakangiting pagkakasabi ko habang kalong ang napakagandang sanggol na bunga ng wagas na pagmamahalan namin ng mortal na si Romeo.

Pero bigla nalang dumating si Veronica.

“Nagsilang kana pala, Minerva. Siya na ba ang anak niyo ni Romeo?” nakangiting pagkakasabi ni Veronica.

“Wag kang lalapit samin ng anak ko.” mariing pagkakasabi ko.

Pero bigla nalang may lumabas na itim na usok sa buong paligid hanggang sa mawalan ako ng malay.

[End of Flashback]

Agad kong nilingon si Stephanie na nakahandusay parin sa sahig.

Nanginginig ang mga tuhod ko na nilapitan si Stephanie.

“A-anak.” nauutal na pagkakasabi ko at halos nag uunahan na ang luha sa mga mata ko at kaagad siyang niyakap.

—SUMMER POV—

Agad ko ng binalik ang ikot ng oras.

Habang hindi rin ako halos makapaniwala sa nakikita ko ngayon.

“Ano ng nangyari?!” sabat ni Kieson

Hindi na kami kumibo at tinignan nalang si Mrs. Minerva habang yakap yakap ang nag iisa niyang anak.

Pero nagulat kami ng bigla nalang dumilat ang mata ni Stephanie kasabay ng muling pagsindi ng mga kandilang namatay kanina.

—STEPHANIE POV—

Nagising ako na nakayakap sakin si Mrs. Dela Cruz hindi ko rin maintindihan kung bakit kakaiba ang nararamdaman ko.

“Stephanie, anak.” nakangiting pagkakasabi ni Mrs. Dela Cruz at muli akong niyakap.

“Did she really called me, anak? But why?” bulong ko sa sarili ko.

Mabilis na lumapit sakin sila Erika.

“Anong nangyayari? Bakit mo 'ko tinatawag na anak?” pagtataka ko.

“Dahil siya ang mommy mo Stephanie. Mrs. Minerva Dela Cruz is your legitimate mom.” nakangiting pagkakasabi ni Jessica.

“Huh?” hindi ko makapaniwalang sagot.

“Nasa ilalim ng black magic ni Veronica si Minerva, kaya hindi ka niya nagawang maalala at kaya rin niya nagawa ang mga masasamang bagay dahil kay Veronica.” sabat ng isang babae.

“Totoo ang sinasabi ni Ayah, Stephanie. At sa totoo lang. Maging kami ay nagulat sa natuklasan namin.” saad naman ni Dion.

“Patawarin mo 'ko anak.” naiiyak na pagkasabi ni Mrs. Dela Cruz sakin.

Hindi na ako nagsalita pa at niyakap nalang din siya.

[3days later]

—STEPHANIE POV—

It's been 3days since ng mangyari ang pinaka malaking pasabog na naganap sa buong buhay ko. Ang malaman na anak ako ng isang immortal at makapangyarihan na si Minerva.

Marami parin gumugulo sa isipan ko kahit sa mga sandaling ito. Pero isa lang ang sigurado ko, kailangan magbayad si Veronica sa ginawa niya.

Natuklasan ko narin na hindi ako isang basta mortal lang. Dahil tulad ng aking ina maging ng mga nag aaral dito ay nagtataglay din pala ako ng kapangyarihan.

I have an ability to see the future, telekenetic and mental telepathy.

Nag iba narin ang kulay ng mata ko na mula sa dating black ay naging kulay berde na.

Sa tulong ng pinagsama sama naming kapangyarihang siyam ay natalo namin si Veronica.

Na-solve ko narin ang mystery sa Terrestrial Academy. Hindi namatay ang mga estudyanteng matagal ng nawawala, at natuklasan ng lahat na hindi si Mrs. Dela Cruz or should I say si mommy ang dahilan ng pagkawala ng mga transferee noon dahil nakulong lamang sila sa mahika ni Veronica.

Matagal na palang kino-control ni Veronica si Mommy.

At kaya pala naitayo ang Terrestrial Academy ay dahil kay Daddy para sa huling alaala ni Daddy kay Mommy. Dahil matagal na nilang pangarap na makapag patayo ng paaralan para mapangalagaan ang mga may kakaibang kakayahan at kapangyarihan maging ang mga immortal.

Ngunit nagbago yun ng gamitan ng maitim na mahika si Mommy ni Veronica.

[6months later]

<Campus>

—ERIKA POV—

“Grabe hindi ko rin inakala na tayong siyam lang pala ang makakatalo kay Veronica at makakapag paalis ng black spell at black magic niya.” nakangiting pagkakasabi ko.

“Kaya nga eh, siguro may dahilan talaga kung bakit ko ginusto na mag-aral dito. Para maibalik sa dati ang ganda at sigla ng paaralan na 'to. Na ngayon ay hindi na lamang para sa mga may special powers, abililty or sa mga immortal. Ngunit maging sa mga normal na tao na rin.” sagot naman ni Stephanie.

“The power of nine!” masayang pagkakasabi ni Sunny.

THE POWER OF NINE!” sabay sabay namin pagkakasabi at agad kami nagtawanan.

—THE END—

🎉 Tapos mo nang basahin ang SCHOOL OF MYSTERY: THE POWER OF NINE (BOOK #1) 🎉
SCHOOL OF MYSTERY: THE POWER OF NINE (BOOK #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon