Chapter 15

228 14 0
                                    

“SCHOOL OF MYSTERY: THE POWER OF NINE”

CHAPTER 15:

<Terrestrian Academy Office>

—MINERVA POV—

“Madam, paano kaya nalaman ni Veronica ang tungkol sa transferee student na si Stephanie?” pagtataka ni Hilda.

“Yun ang aalamin ko ngayon.” seryosong pagkakasabi ko saka umalis.

<Dorm: 16>

—STEPHANIE POV—

Patulog na sana ako ng may biglang kumatok sa pintuan ng dorm ko kaya agad ako napabalikwas at agad na tinungo ang pintuan.

“Mrs. Dela Cruz?!” gulat na reaction ko ng makita si Mrs. Dela Cruz sa pintuan ng dorm ko.

“Pwede bang pumasok?” seryoso niyang pagkakasabi.

“Ah sige po.” agad kong sagot.

Nang makapasok sa dorm ko si Mrs. Dela Cruz ay agad ko siyang pinaupo sa upuan.

“Ano po ba ang sadya niyo sakin?” magalang na tanong ko.

“Si Veronica, kilala mo ba siya? o 'di kaya naman, paano ka niya nakilala?” seryosong tanong sakin ni Mrs. Dela Cruz.

“Veronica? Sino po siya?” magalang na tanong ko.

“Kung ganun, hindi mo rin pala siya kilala?” pagtataka ni Mrs. Dela Cruz.

“Opo.” magalang na sagot ko.

Hindi na muli pa nag salita si Mrs. Dela Cruz at kaagad narin siyang umalis.

“Sino ba yung Veronica na yun? Saka bakit sakin tinanong ni Mrs. Dela Cruz eh wala pa naman akong limang buwan dito sa Terrestrial Academy. Baka naman, yun yung babaeng nakabangga ko kanina.” sambit ko sa sarili ko habang hinahalo ang kapeng tinimpla ko kanina.

<Campus>

—SCARLETT POV—

“Handa kana ba?” seryosong tanong sakin ni Dion.

[Time Travel]

Agad naman ako tumango. At sa isang kumpas lang ng kamay niya ay bumalik kami sa oras kahapon, ang araw na dumating si Ms. Veronica.

Ilang sandali pa ay nakita ko na si Ms. Veronica na bumaba sa Limousine na itim.

“Nagkabanggaan sila Stephanie at Ms. Veronica?” gulat na reaction ko at agad naman kami nagtinginan ni Dion.

Ilang sandali pa ay umalis na si Ms. Veronica pero may inutos siya kay Lucifer, kaya naman agad namin sinundan ni Dion si Lucifer hanggang sa makarating kami sa Main Building ng Terrestrial Academy.

“Anong gagawin dito ni Lucifer?” pagtataka ni Dion.

“Hindi ko rin alam.” sagot ko.

Maya maya pa ay may kinausap si Lucifer, si Ayah ang may kakayahang makita ang nakaraan.

“Bakit kakausapin ni Lucifer si Ayah?” pagtata ko naman.

“Doon tayo banda para mas marinig natin. Hindi naman nila tayo makikita.” saad ni Dion at agad kami mas lumapit sa dalawa.

“Anong ginagawa ng tapat na tauhan ni Veronica dito?” agad na tanong ni Ayah kay Lucifer.

“May gusto lang malaman ang amo ko. Tungkol ito sa bagong transferee sa school na 'to.” seryosong pagkakasabi ni Lucifer.

“Sinasabi ko na nga ba, tungkol ito kay Stephanie.” saad ko.

“Si Stephanie ba ang tinutukoy mo?” seryosong pagkakasabi ni Ayah.

“So, Stephanie pala ang pangalan niya.” saad ni Lucifer.

“Maaari mo ba makita kung anong meron sa Stephanie na yun? Mortal nga ba talaga siya?” tanong ni Lucifer kay Ayah.

Kaagad naman na ipinikit ni Ayah ang kanyang mata.

“Imposible!” gulat na reaction ni Ayah habang nakapikit ito.

“Bakit? Anong nakikita mo?” agad na tanong ni Lucifer kay Ayah.

“Si Stephanie, anak siya ni Minerva sa mortal na si Romeo.” saad ni Ayah saka niya dinilat ang kanyang mata.

Matapos namin marinig yun ay maging kami ni Dion ay nabigla.

“Anak ni Mrs. Dela Cruz si Stephanie?” pagtataka ko.

“Kung gayun, nandito pala sa Terrestrial Academy ang nag iisang anak ni Minerva. Ngunit kakatwa dahil ang sarili niyang anak ay ang magiging susunod na babawian niya ng buhay para sa mas malakas na kapangyarihan na inaasam niya. Lubhang mabisa ang black magic na ginawa ni Veronica kay Minerva upang hindi magkakilala ang mag ina.” nakangising pagkakasabi ni Lucifer saka ito umalis.

“Kailangan na natin makabalik, kailan ito malaman ni Mrs. Dela Cruz.” saad ko.

Agad naman na tumango si Dion.

To be continue..

SCHOOL OF MYSTERY: THE POWER OF NINE (BOOK #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon